IALS: Chapter 38
"Ate picture tayo!"
Masiglang sabi sa akin ni Miya, na katatapos lang magpicture katabi ang malaking Christmas tree. Inakabayan niya rin ako nang tuluyang makalapit sa akin. Medyo naasar ako kasi mas matanda ako sa kaniya pero ang liit ko, at inaakbayan nalang niya ako sa lagay na 'to.
Pilit ang naging pagngiti ko sa camera.
"Ang cute mo ate sa headband mo!" aniya at humalakhak.
Wala sa sarili ko namang kinapa ang reindeer headband na suot-suot ko ngayon. Sa kaniya ito e, pinasuot niya lang sakin dahil natuwa siya roon sa maliit na ipit na star na umiilaw-ilaw, na siyang gamit niya ngayon.
Nakabukas ang TV nila at ang naka-ere roon ay isang news, na naghihintay nalang din para sa countdown. Ilang minuto nalang ay Christmas Eve na. Nasa kusina si Lola Aida at panay ang picture niya sa mga handa na nasa mesa.
Ipopost niya raw sa facebook sabi niya. Inadd din niya ako para raw madagdagan ang likers niya, hanep. Napa-accept ako ng wala sa oras, dahil baka magtampo ito sa akin. Iyon na nga lang ang siyang kapalit, para sa pagiging salingkitkit ko sa pagdiriwang nila ng pasko.
Nakagreen kaming lahat ngayon. Ang sabi Miya ay red ang tema nila noong nakaraang pasko, at ngayon daw ay green. At dahil walang green sa mga dala kong damit, ipinasuot sa akin ni Miya ang dress niyang kulay berde.
Ilang beses niya pa lang daw iyon nasuot, at itinago na niya dahil hindi na kasya sa kaniya. Mabilis daw kasi siyang lumaki kaya hindi na niya iyon nagagamit. Si Romeo naman ngayon ay nasa kapitbahay nila. Nautusan ng Lola niyang mamigay ng pagkain sa matalik na kaibigan ng matanda.
Nakalimutan kong bumili ng pamabot ng regalo noong nasa tiangge kami, dahil tatanga-tanga ako. Mabuti nalang at may mga extrang pambalot pa si Miya, at inalok ako. Nasa ilalim ng Christmas tree ngayon ang mga regalo.
"Apo, picturan mo nga kami ni Juliet,"
Mula sa kusina ay lumabas si Lola Aida, at nakalahad ang cellphone niya ngayon kay Miya.
May suot ding headband na may desinyong sungay ng usa si Lola Aida. Hinapit niya ang bewang ko nang makalapit sa akin at naglakad kami patungo sa Christmas tree.
"Peace sign tayo," aniya, kaya nagpeace sign ako at ngumiti na sa camera, "Wacky naman" aniya pa, kaya nagwacky nalang din ako, kahit mukha naman akong nakawacky nang walang ginagawa.
Pumapalakpak si Lola Aida at naglakad palapit kay Miya para kunin ang cellphone niya.
"Kaganda naman namin Juliet dito. Ipopost ko to ha? Paheart react nalang," nakangiting sabi ng matanda na nasa cellphone pa rin ang tingin.
Tumango nalang ako at pilit na ngumiti.
Maya-maya ay pumasok si Romeo at may bitbit na plato na naglalaman ng biko. Mukhang binigyan din siya ng kaibigan ni Lola ng pagkain.
"Apo, tara. Picturan ko kayo ni Juliet" si Lola Aida at nagmamadaling lumapit kay Romeo.
Kinuha ni Lola ang platong hawak ni Romeo. Pansamantala niyang nilapag ito sa center table at hinawakan na si Romeo sa palapulsuhan. Hinila niya na ito papalapit sa akin. Malaki ang ngiti nang matanda, sa ideya na kukunan niya kami ng larawan. Hinubad pa ni Lola Aida ang headband at pinasuot ito kay Romeo.
"Isang akbay naman dyan, apo!" humalakhak si Lola Aida at tinutok na ang cellphone sa amin.
Tulad namin ni Lola Aida habang kinukunan kami ng larawan kanina, ay nasa harapan din kami ngayon ni Romeo nang malaking Christmas tree nila.
"Bagay na bagay talaga!" si Miya at nakikuha na rin ng picture gamit ang sariling cellphone.
Parang tanga. Para akong tanga habang nakangiti at nagpipigil ng luha habang palipat-lipat ang tingin kay Lola Aida at Miya. Malaking-malaki ang ngiti nila ngayon. Hindi pinaparamdam sa akin na iba ako sa kanila. Sa sobrang tuwa ko na maluha-luha pa, ay hindi ko na pinansin ang pag-akbay ni Romeo sa akin.
I'll be missing this moment.
Salamat kay Romeo.
"Merry Christmas ho! ho! ho!" si Lola Aida nang pumatak ang alas dose nang hating gabi.
Masaya naming pinagsaluhan ang mga nakahanda sa hapag.
Naririnig mula sa labas ang iilang tunog ng paputok.
This is very overwhelming.
Nang matapos kumain ay nagtipon-tipon kami sa sala para sa regalo. Masaya naman akong nakisama sa kanila kahit wala naman akong matatanggap. Masaya lang ako dahil mayroon akong ibibigay sa kanila.
"Ito ay para kay, Lola!" masayang sabi ni Miya, at inalog alog pa ang regalo bago ito ibigay kay Lola.
Nakangiti ako habang pinapanood si Lola Aida na niyakap ang regalong natanggap. May kung ano sa ngiti ng matanda, it's very heartmelting. Iba ang saya kapag nakakakita nang masayang matatanda.
"At ito naman, ay para kay Ate Juliet!" aniya matapos iabot ang regalo para kay Romeo.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang nakatitig lamang sa regalong hawak niya.
"M-meron din ako?"
Tumango-tango si Miya habang nakapaskil ang malapad na ngiti. Sinulyapan ko muna si Romeo, at nang tumango siya, ay inabot ko na ang regalo ni Miya para sa akin. Tumikhim ako at maliit siyang nginitian.
"Salamat," mahina kong sambit, at napatitig sa regalo niyang nakalapag sa hita ko.
Maya-maya lang din ay si Lola Aida na naman ang siyang nagbigay ng regalo at may natanggap din ako sa kaniya. I really don't need these, I'm just thankful that I have them to celebrate this occasion, after not celebrating it for a long time. Bunos nalang 'tong mga pinamigay nila.
Binigay na rin ni Romeo ang regalo niya, at ako lang ang walang natanggap.
Ayos lang.
Ayos lang talaga.
"Salamat, ate!" masayang tinanggap ni Miya ang regalo ko sa kaniya.
Si Lola Aida naman, nang matanggap ang regalo ko ay nilapag na niya ang mga natanggap na regalo mula sa amin at pinicturan ito ng paulit-ulit. Panay siya sabi na i-like raw namin isa-isa ang mga post niya.
"Oh!" pasinghal kong inabot kay Romeo ang regalo ko sa kaniya.
Walanghiya, ako walang natanggap sa kaniya.
Ayos lang.
Kasasabi ko lang na ayos lang. Pero hindi ko maiwasang maasar. Kung siguro wala ring binigay sa akin si Lola Aida at si Miya, ay hindi ako maasar na walang binigay si Romeo. Kami pa naman ang magtropa, tapos siya ang walang bigay.
"Thanks," aniya at maliit na ngumiti bago dahan-dahang binuksan ang regalo ko.
"H-hoy! Mamaya mo na buksan, kapag wala ako!" inis kong sambit at akmang aagawin ang regalo.
Inangat niya ang regalo sa ere at sa ganoong posisyon niya iyon binuksan.
"Hmm, a wallet" aniya at tumango-tango.
Mabilis na akong tumalikod at bumalik sa kusina, nang makita kong bubuksan na niya ang wallet. Naroon pa naman ang picture naming dalawa. Gago, nakakahiya!
"Hey, thanks" napalingon ako sa bulwagan ng hapag, nang marinig roon si Romeo.
Binalandara niya pa ang nakabukas na wallet, kaya kitang kita ko ang picture namin.
"Tangina naman, Romeo! Isara mo nga 'yan! Nakakasura kaya," kunot noo kong sabi at itinuon na muli sa spaghetti ang atensyon.
"Oh mga apo, ako'y aakyat na. Wag kalimutan maglike sa mga post ko" si Lola Aida na sumunod kay Romeo, papunta sa hapag para lamang magpaalam. Nasa likuran din ni Lola Aida si Miya na bakas na ang antok sa mukha.
"Ako rin, ako'y inaantok na" malumanay na sabi ni Miya at humikab pa.
Dala na rin siguro ng pagod dahil, sa buong araw kaming naghanda para sa noche buena. Ang aga nilang nagising, at hanggang ngayon ay gising pa rin. Kaya mas inaantok sila kesa sa akin. Tumulong naman ako sa paghahanda, pero marami na silang nasimulan bago ako nakatulong.
"Sige po. Merry Christmas," bati ko ulit.
Nang mawala silang dalawa sa paningin ko, ay binalingan ko si Romeo.
"Inaantok ka na rin ba?" tanong niya sa akin.
Umiling lang ako sa kaniya, kaya tumango siya.
"Tara, sa dalampasigan" yaya niya, kaya maliit akong ngumuso at nagkibit balikat.
Sabay kaming lumabas ni Romeo sa bahay nila. Natatanaw ko ang hindi kalayuan na dalampasigan, pati ang dagat na sinasalamin ang kulay itim na langit. Pati ang bilog na bilog na buwan.
Naglalakad na kami ni Romeo ngayon sa dalampasigan. Nasa unahan ko siya, at ako naman ay tahimik lang na nakasunod sa kaniya. Nag-iiwan nang malalim na marka sa buhangin ang mga yapak ni Romeo, na siya namang sinusundan ko. Malaki ang paa niya, kaya naman ay hindi kasya roon ang akin.
May naririnig pa rin akong mahinang tunog ng paputok, na sa tingin ko ay galing na sa may kalayuan ang siyang nagpapapaputok.
Nang umupo na si Romeo sa buhanginan, na malapit sa tubig dagat at umupo na rin ako sa tabi niya. Tinitigan ko muna saglit ang repleksyon ng buwan sa dagat, bago ako tumingala, para makita iyon ng live. Maganda ang pagkakabilog ng buwan ngayon.
"Salamat nga pala," panimula ko sa gitna ng katahimikan.
Masaya ako na nakilala ko si Romeo kahit papaano. Ayos na sa akin kung ito na ang huling pasko na makakasama ko siya. Sulit na sulit na ito. Pero mas maganda pa rin siguro kung makakasama ko pa siya sa mga sususnod pang pasko.
"Salamat, din" aniya.
"Gago, 'wag kang magpasalamat sa akin. Wala naman akong ginawa" saad ko at humalakhak nang maliit bago siya nilingon.
Muli ko na naman siyang nalingunan na nakatitig sa akin.
"Gago, bakit ganiyan ka tumitig?" kunot noo kong tanong, habang nakatitig ako sa mata niya na sinasalamin ang dagat, na sinasalamin naman ang buwan. Masyadong madrama ang mata ni Romeo dahil doon, "Nakakalungkot...paninitig mo," usal ko bago umiwas nang tingin, at itinuon nalang iyon sa dagat.
Isang beses, ay sobrang lakas nang kabog ng puso ko sa tuwing naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Ngayon, parang kakaiba. Parang kinukurot ang puso ko na ewan. Parang may kung anong lungkot sa klase ng paninitig niya.
Naramdaman ko siyang gumalaw sa tabi ko, pero hindi ko na siya nilingon pa. Hanggat sa may naramdaman ako sa may leeg ko. Napatingin ako agad doon, dahil naramdaman ko ang isang malamig na bagay doon.
Doon ko lang napagtanto na may isinusuot na kwintas sa akin si Romeo. May maliit itong pendant na hugis puso. Sa tingin ko ay kulay pilak ito. Napalunok ako at agad na naramdaman ang kung anong bara sa lalamunan ko. Ilang beses din akong kumurap, dahil parang namumuo ang luha sa mata ko.
Anong meron?
Nang lumayo ng kaonti sa akin si Romeo matapos iyong isiuot, ay hinawakan ko ang maliit na pendant. Sa liit ng hugis puso na ito, ay hindi magkasya ang hinililiit ko sa pusong pendant. Malamig iyon nang kaonti.
"Merry Christmas, Juliet" si Romeo.
Nilingon ko siya, at naabutan na nakatitig na naman sa akin. Nakangiti rin ito sa akin. Hindi ko magawang umismid at singhalan siya kung bakit siya nakangiti. Tulala lamang ako sa kaniya, habang may kung anong bumabagabag sa akin.
Dumating na rin ang araw na aalis na kami ng Batagas. Parang ayaw ko nang bumalik sa amin, at gustong dito nalang palagi. Mas masaya ako rito kesa sa sarili naming bahay. Kung pwede ko lang tanggalin ang bahay namin sa kinatatayuan 'nun ngayon, ay nilipat ko na iyon dito sa kanila Romeo.
"Apo, bumalik kayo ni Juliet ulit ha," si Lola Aida at muli na namang umiyak.
Malungkot ko siyang nginitian at niyakap. Matanda na rin kasi, kaya nagiging maramdamin. Pati si Miya ay umiiyak din. Nakakatuwa, na bukod kay Angelica ay may iba pa palang tao na iiyak sa paglisan ko.
"Opo," niyakap ko nang mahigpit si Lola Aida at napapikit, "Babalik ulit ako"
Tahimik lamang kami ni Romeo sa loob ng tricyle, papunta sa terminal ng bus pabalik sa amin. Sigurado ako, na babalik ako ulit dito isang araw.
"Dapat sinulit na natin hanggang bagong taon e," usal ko at inismiran si Romeo.
Napahalakhak siya, kaya umirap ako.Ano na namang nakakahalakhak sa sinabi ko?
"Lilipad ako ng Taiwan mamayang gabi e" saad niya, kaya napalingon ako sa kaniya at matagal siyang tinitigan.
"T-taiwan?" tumango siya sa sinabi ko.
"Nangako ako kay Mama na sa kaniya ako magpapasko ngayon taon, pero naisip kong sa bagong taon nalang," aniya na nasa harapan na ngayon ang tingin.
"G-ganoon? Bakit hindi ka sa kaniya nagpasko?"
"Ayaw kong iwan ka e," simple niyang sagot at nagkibit ng balikat.
Napalunok ako sa sinabi niya at tinitigan siya.
Gago ba siya?
"Ang sama mo namang anak, kung pinili mo a-ako kesa Mama mo" usal ko bago umismid, at umiwas ng tingin habang mahinang umiling-iling.
"I have my reasons. Naiintidihan ako ni Mama. Mas masama naman siguro kung iiwan kitang malungkot" sagot niya, na parang hindi big deal sa kaniya, na ako ang pinili niya imbes ang Mama niya."Wala akong pakealam. Gago ka pa rin," inis kong sambit at napaling sa isipan.
Edi ang Mama niya ang malungkot ngayon dahil pinili ako ni Romeo.
Ang gago, sobra.
Hindi ko na muling kinausap si Romeo, dahil nabadtrip ako sa kaniya. Tahimik lamang ako habang nasa bus na kami. Nakatitig lamang ako sa bintana at nakasalpak ang earphones sa tenga. Ang kantang 'fall' ng bandang Ben&Ben ang siyang nakaplay ngayon. Umaambon din at tumatama ang maliit na butil ng ambon sa bintana ng bus.
Maya-maya ay sinulyapan ko si Romeo at naabutan siyang tulog. Nakatingala siya at nakasandal ang ulo sa sandalan ng bus. Hinayaan ko nalang siya, depende nalang sa kaniya kung sasandal siya sa akin.
Nag-online ako. At nakitang sabog ang notification ko. Mula noong pasko ay hindi ko na nagawang mag-online dahil sinulit ko nalang ang mga sandali kasama si Lola Aida at Miya. Ang huling bukas ko pa ng messenger, ay noong binati ko sila Angelica.
Binuksan ko ang isang notification at nakita kong naka-tag ako sa post ni Lola Aida at ni Miya.
'With Juliet, the red nose cutiepie reindeer'Iyon ang caption ni Miya sa picture naming dalawa, sa harapan ng malaki nilang Christmas tree.
Hineart ko iyon at ang iba pang mga pictures na kasama. Naroon din ang picture naming lahat na nasa harapan din ng Christmas tree nila.
'A Christmas with Romeo and Juliet'Iyon naman ang caption ni Lola Aida sa picture namin ni Romeo habang nakaakbay sa akin. Ang mga comment doon, ay malaki na raw si Romeo at binata na. Girlfriend daw ba niya ako. Nagreply lang si Lola Aida ng mga heart emoji.
Lahat ng posts ni Lola At Miya ay hineart react ko.
It's such a happy and merry Christmas with them."Ayos na ako rito," sabi ko kay Romeo at kinuha na ang backpack kong bitbit niya, "Sige na, may flight ka pa" usal ko, at pilit na kinuha ang backpack ko, na siyang binigay din naman niya dahil ayaw kong magpatalo.
"Okay, mag-iingat ka," aniya.OA naman, malapit na lang naman ako sa bahay namin.
"Sige. Pasabi sa Mama mo, sorry" usal ko, kaya tumitig sa akin si Romeo.
"Don't feel bad. Ayos lang kay Mama, kasama naman niya si Xyla," aniya.
Hindi ko alam kung sinong Xyla ang sinasabi niya, pero tumango na lamang ako.
"Sige, have a safe flight. See you sa balikan" tinutukoy ang balikan sa school, pagkatapos ng bagong taon.
"Bye, Juliet" seryoso ang mukha niya ngayon.
Muli ko na namang naramdaman ang kung anong bigat sa dibdib ko.
"Anong bye? Brb dapat. Be right back" pagtatama ko sa kaniya, "Kung maka-bye ka, parang hindi ka na babalik ah" usal ko at inismiran siya, na siyang kinahalakhak niya nang maliit.
Kung minsan ay nakakaramdam ako nang asar, kapag humahalakhak siya sa maliliit na bagay na sinasabi ko. Ngayon ay iba. Iba ang dating nang halakhak. Tila isang halakhak na malungkot iyon para sa akin.
"Tangina ka naman e, pinapalungkot mo ako noh!" inis kong singhal.
Natawa na siya nang tuluyan at ginulo ang buhok ko.
"Okay, be right back, then, Juliet"
Matapos iyon, ay sabay naming tinalikuran ni Romeo ang isa't-isa. Siya papunta sa Taiwan, at ako ay sa bahay, at muli na namang naiwan. Kasabay nang mabigat kong backpack, ang kung anong mabigat sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.