Eighteen

64 4 0
                                    

IALS: Chapter 18

Nakasimangot si Angelica sa labas ng school gate, habang pinapanood akong naglalakad papalapit sa kanila. Nasa likuran naman niya naghihintay si Romeo at Julio, na mukhang mga bodyguard ni Angelica.

Nagtagal ang paninitig ko kay Romeo, dahil suot niya ngayon ang camouflage uniform nila. Nang mapansin niya ang paninitig ko sa kaniya, ay iniwas ko na ang tingin ko.

"Ang tagal mo!" ani Angelica na kunot pa ang noo, nang tuluyan na akong makalapit sa kanila.

"Siguraduhin mo lang na matutuwa ako," inis kong balik kay Angelica at inismiran siya.


"Oo nga! Paulit-ulit ka naman e, kagabi ka pa sa chat!" badtrip niyang sabi.

Nginisihan ko na lamang siya para mas maasar.

Ang daming reklamo nito ni Angelica. Dapat nga ay pasalamatan niya ako dahil imbes na matulog ako, dahil wala naman akong balak dumalo ng foundation day, ay pinaunlakan ko pa rin ang gusto niya.

Nang matapos namin ang frozen nang araw na 'yun, ay sinunod na agad nilang panoorin iyong suspense movie na gusto ni Julio. Hindi nila napansin na tahimik nang natutulog si Romeo. Nalaman lang nila nang murahin ko si Julio, dahil nilakasan niya ang volume ng laptop. Gusto niyang magulat si Angelica sa sound effect ng palabas.

Sinabihan ko nalang sila na hayaan nalang si Romeo at ipagpatuloy na ang panonood. Pinilit pa ako ni Angelica na patulugin ko raw sa kwarto ko si Romeo. Ang swerte naman niya masyado, mabait na nga akong pinayagan siyang matulog sa sofa namin.

Napangisi nalang ako nang gisingin nila si Romeo, dahil kailangan na raw nilang umuwi lalo at gabi na. Nakangisi kong pinapanood si Romeo na minamasahe ang leeg, na-stiff neck ata siya dahil sa posisyon niya.

Sabay-sabay na kaming pumasok sa school gate. Ang daming makukulay na bandiritas na nakasabit sa mga puno ng school ground. Marami ring tent sa paligid. Iba't ibang booth ang mga iyon.

Kanina pa tapos ang opening ng foundation day, na hindi ko naman dinaluhan. Kaya kasama na rin namin si Romeo, dahil tapos na sila sa task nila. Nagpasundo pa ako kay Angelica sa labas ng gate. Ayaw niya pa sana dahil nag-eenjoy na raw siya. Tinakot kong hindi ako pupunta kapag hindi niya ako hinintay. Ayun, nabadtrip.

Ang daming nagkalat na estudyante sa school ground. Marami rin sa oval, na nasisilip ko sa mga diamond na harang. Mukhang may mga booth din doon.

Ang ingay ng paligid, dahil sa mga speaker sa bawat tent. Magkakaiba pa ang mga tugtog na nakaplay. Isama mo pa iyong isang booth na may nakadisplay na karaoke. May nagkakantahan doon ngayon. Ang tanging nagpasaya lang sa akin, ay ang stall ng mga pagkain.


Nilingon ko naman saglit si Romeo. Tahimik lang sa likuran ko. Mukha siyang seryoso at pormal na pormal ang galaw niya. Nasa likuran ang dalawang kamay niya, habang nakasunod sa amin nila Angelica. Nagmumukha siyang sundalo na binabantayan kami, dahil na rin sa uniform niya.

Inirapan ko siya, nang magkatinginan kami. Binaling ko na lamang ang atensyon sa harapan. Nasa unahan ko si Angelica, na hatak si Julio.

"Uy Rom!"

Napalingon ako ulit kay Romeo, nang marinig ang pagtawag sa kaniya. Lumapit sa kaniya iyong lalaki, na nakasuot din ng camouflage na uniform. Mukhang kasamahan niya sa ROTC.

"Dalaw ka sa booth ng block namin ha," nakangiti sabi ng lalaki sa kaniya.

Iniwas ko na ang tingin sa kanila, nang sulyapan ako ni Romeo. Napatingin din tuloy iyong kasama niya sa akin. Binilisan ko na lamang ang lakad ko, para sumunod na lamang sa kanila Angelica. Halatang tsansing siya kay Julio, at grabe kong humawak sa braso nito. Tapos kapag pinuna ko ay idadahilan niyang ayaw niyang mawala dahil sa dami ng estudyante sa paligid. Iba rin, mautak.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon