IALS: Chapter 40
Nasa sala si Romeo ngayon, habang ako ay nagbibihis. Nakaputing hoodie ako at sa loob 'nun ay ang plain white shirt din. Naka-itim akong ripped jeans at puting sapatos. Nang matapos na sa pagbibihis, ay lumabas na ako sa kwarto. Naabutan si Romeo na kinakain iyong hindi ko naubos na biko. Ginutom ata.
"Alam mo ikaw? Mushroom ka siguro noon, pasulpot-sulpot ka na lang e" usal ko, at inirapan siya. Antok lang niya akong sinulyapan, kaya napailing na lamang ako, "Tinakasan mo na naman ang Mama mo?" muli kong tanong habang pinapatay ang ilaw sa kusina.Ang kupal na 'to. Ang sabi niya ay magnenew year siya sa Taiwan kasama Mama niya, tapos bigla na lang sumulpot sa pintuan ko at antok na antok pa. Mukhang galing aiport pa ata 'to. Nakasuot pa siya ng grey na hoodie din at itim na pants. Gaya-gaya na naman.
Hinayaan ko lang siya na ubusin 'yong biko. Tinanong ko siya kung gusto ba niyang kumain ng kanin, at lulutuan ko siya ng itlog. Pero tinanggihan niya, dahil kailangan na raw naming umalis. Nagkbit balikat nalang ako, at umoo. Nilisan din naman namin ang bahay habang tahimik akong nakasunod sa kaniya.
Pumasok muna kami sa convenient store nang makalayo-layo na kami sa amin. Bumili siya ng apat na coffee in can. Anim na tuna sandwich. Dalawang malalaking chichirya. Dalawang beer in can at dalawang bottled water. Nang mabili na niya iyon, ay lumabas na kami sa convenient store.
Nakasunod lamang ako sa kaniya na naglalakad na papunta sa hintayan ng jeep. Hindi na ganoon ka-rami ang mga dumadaan. Tahimik niyang pinara ang jeep na papalapit, patungong Publico Unibersidad iyon. Gusto ko sanang usisain kung saan kami pupunta, ang kaso mukhang pagod na pagod siya. Hinayaan ko nalang siya sa desisyon niya.
"Hoy? Kupal ka? Bakit tayo nandito?" kunot noo kong tanong, nang sa harapan mismo ng Publico Unibersidad kami tumungo. Tahimik na iyon, at wala ang guard, at malamang ay naghahanda na rin sa bagong taon, "Umuwi na tayo, nakikipaggaguhan ka nalang ata sa akin. Wala pang pasok uy, hindi pa balikan" kunot noo kong sabi, at umiling-iling bago tumalikod na para umalis.
Napahinto ako sa paglalakad nang hilaain niya ang hood ng jacket ko, kaya bahagya akong nasakal. Kupal talaga oh.
"Juliet, let's just go, okay?" inaantok niyang sabi.
"Kung ako sa'yo, sana natulog ka nalang," baling ko sa kaniya, at pinangunutan siya ng noo.
Para siyang hapong-hapo na ewan.
"Romeo, umuwi ka nalang kaya? Pagod na pagod ka oh," usal ko at umismid, "Para sabihin ko sa'yo, hindi ako malungkot" inismiran ko siya ulit at inirapan.Aba, baka umuwi pa ito para lang samahan akong magbagong taon sa kaisipang baka malungkot na naman ako. Mas marunong pa sa akin.Sino ba namang matino ang biglang nalang kakatok sa pintuan ko at bigla nalang akong sinabihang magbihis at aalis daw kami. Partida, fresh from Taiwan pa ang kupal.
"I'm fine, Juliet" aniya at nilingon ulit ang mataas na gate ng Publico Unibersidad na nakasara, "Aakyat tayo sa gate, para makapasok sa loob" sabi niya at muli akong binalingan.
"Gago ka ba? Edi yare tayo," usal ko at inirapan siya.
"No one will know, no one's inside" sabi niya, pero hindi pa rin ako gumalaw, "Wala naman tayong gagawing masama, papasok lang tayo para manood ng fireworks. You climb first, I'll guide you" sabi niya.
"Gago talaga oh," usal ko, bago binalingan ang gate, "Hindi na, kaya ko umakyat mag-isa. Baka nakakalimutan mong little boss ako" usal ko, at nginishan siya.
Malit siyang ngumiti dahil doon at tumango.
Nagkibit balikat ako at lumapit sa gate. Tahimik ang loob ng Publico Unibersidad, ngunit maliwanag iyon. Hindi pa rin nila tinatanggal ang mga lights na naasabit sa mga puno.
Nilingon ko saglit si Romeo, bago ko pinatong ang isang paa sa desinyo ng gate upang tuluyan nang umakyat. Magaan lang ako, kaya hindi ganoon kahirap sa akin ang sumampa sa gate. Agad akong tumalon, nang nasa may loob na ako at kaonti nalang ang distansya ko sa lupa.
Hinarap ko si Romeo, at nilusot ko ang kamay sa gate, para kunin ang bibit niyang plasic bag galing sa convenient store. Nang sa gayon ay hindi siya mahirapang umakyat. Inabot naman niya iyon sa akin, at lumapit na rin sa gate.
"Gabayan pa ba kita? O kaya mong umakyat mag-isa?" tanong ko, at nginisihan siya.
Pagod lang siyang ngumiti at tuluyan nang umakyat sa gate. Umatras ako, para hindi niya matalunan. Tulad ko, ay swabe rin siyang tumalon sa gate. Pinagpag niya pa ag dalawang kamay niya, bago kinuha ang bitbit kong plastic.
"Let's go," sabi niya.
Tahimik na tahimik ang school ground. Pati ang freshman building na sobrang dilim dahil walang binuksan na ilaw. Ang ilaw sa oval, na sumisilip sa diamond wire mesh na bakod, ay dumadagdag sa liwanang ng mga lights na nakasabit sa mga puno. Mukhang may dumaan dito kanina, para buksan ang mga ilaw na 'yun. Alangan naman na bukas ang mga iyon, kahit umaga.
Sariwa ang pang-gabing hangin na dumadampi sa aking mukha. Mabuti at naghoodie ako, kaya hindi ako tinatablan ng lamig. Hindi katulad noong huling araw ng foundation day, na nakasuot lamang ako ng tshirt, at sobra ang lamig nang pang-gabing hangin.
Nakasunod lamang ako kay Romeo, na panaka-nakang humihikab. Bahala siya dyan, ginusto naman niya iyan. Wala naman akong sinabi na puntahan niya ako sa amin. Chat lang naman niya ang inaasahan ko. At kahit alam ko sa sarili ko na hinihintay ko siya, hindi ko pa rin naman gusto ang ganito. Na hindi siya nagpahinga, para lamang samahan ako.
Napansin kong patungo kami sa likod ng school. Akala ko kanina ay sa oval kami pupunta ni Romeo, dahil manood ng fireworks ang sinabi niya kanina, ngunit hindi iyon ang daang tinahak ni Romeo. Hinayaan ko nalang siya at tahimik akong sumunod sa kaniya. Natatanaw ko na rin ang likod ng school, mula sa kung nasaan kami.
Maliwanag din ang likod ng school, dahil pati ang mga puno roon ay sinabitan ng mga ilaw. Nang tuluyan kaming makarating doon, ay naririnig ko ang mga insekto. May naririnig din akong ingay ng mga torotot, ngunit sobrang hina na ng mga iyon, dahil nanggagaling iyon sa malayo.
Naunang umupo si Romeo sa sementong upuan, kaharap mismo ng bakod kung saan nasisilip ang ilog. Sinasalamin nito ang buwan, katulad noong sinalamin din ito ng dagat sa Batangas. Gumagalaw-galaw ang tubig, ngunit hindi iyon mistulang alon.
Tahimik naman akong umupo sa tabi ni Romeo. Nakapasok na rin ngayon ang dalawa kong kamay sa bulsa ng hoodie ko. Nilingon ko si Romeo na nasa ilog lamang ang tingin. Tila kay lalim nang kaniyang iniisip.
"Saan mo trip malunod? sa ilog o sa lalim nang iniisip mo?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa kaniya, kaya dahan-dahan niya akong nilingon, "Kung inaantok ka na, puwede ka naman matulog dito" dagdag ko, at nagkibit ng balikat.
Inalis ko na ang tingin sa kaniya at tinitigan na rin ang ilog. Ang mahinang paggalaw ng tubig, at ang pagsalamin nito sa itim na langit at buwan, ay tila isang misteryo. Tila si Romeo, na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagiging misteryoso.
Naramdaman ko ang pagpatong niya ng sandwich sa may hita ko, pati ang coffee in can. Nilingon ko siya dahil sa ginawa. Napatitig siya sa akin dahil sa ginawa kong paglingon sa kaniya.
Sinulyapan niya ang pagkain na pinatong niya sa hita ko, na tila pinapahiwatig na kainin ko na iyon. Nagkibit balikat na lamang ako at umayos sa pagkakasandal, sa sandalan ng sementong upuan, hindi pa rin ginagalaw ang pagkain na nasa hita ko.
"Anong trip mo Romeo?" tanong ko, habang dahan-dahan na tumingala, upang doon sa madilim na langit mismo titigan ang buwan, "Bakit tayo nandito? Miss mo nang mag-aral?" dagdag ko pa at maliit na napangisi.
Hindi siya sumagot, pero naririnig ko na ang pagbubukas niya ng sandwich. Pagilid ko siyang sinulyapan, habang nakatingala pa rin ako. Naabutan ko siyang inaangat na ang kamay na hawak ang sandwich, para sumubo 'nun.
Nagkibit na lamang ako ng balikat, at inabot ang coffee in can sa hita. Binuksan ko iyon, nang nasa langit pa rin ang tingin ko. Inangat ko ang kamay, para uminom doon. Nagdekwatro rin ako, at pinatong ang libreng kamay sa sandalan nang inuupuan namin ni Romeo.
Tanging ang mga insekto at ang malalayong tunog ng mga paputok at torotot ang siyang namumutawing ingay. Isama pa ang ingay ng mga dahon sa mga puno rito sa likod ng school, dahil sa ihip ng hangin.
"Puwede ka namang magsabi sa akin...kung ano man iyang nasa isip mo ngayon," usal ko sa maya-maya, nang hindi siya nililingon, "Baka kapag napag-usapan, gumaan" usal ko pa, na tila ginaya ang linyang binitawan niya sa bahay, noong umiyak ako sa kaniya.
"I-it's nothing, Juliet. Gusto lang kitang makasama," sagot niya, kaya nilingon ko siya habang nakataas ang dalawang kilay ko.
"Tunog aalis ah? Parang gusto akong makasama ngayon, kasi ito na ang huli," usal ko habang maliit na nakangisi, "Bakit Romeo? Aalis ka? Iiwan mo ako?" tanong ko, habang nakatitig sa kaniya.
Hindi siya sumagot at hindi rin niya ako nilingon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kape, at nagtiim bagang. Hindi ko inalis ang paninitig kay Romeo, kaya nilingon niya ako na tila hindi niya matagalan ang paninitig ko sa kaniya.
"Aalis ka?" tanong ko ulit.
"Kung aalis ako. Saan ako pupunta?" tanong niya pabalik.
"Aba'y gago ka. Ako nagtatanong, tapos tatanungin mo ako," usal ko at umismid.
"Hindi ako aalis, Juliet. Gusto lang kitang makasamang manood ng fireworks," sagot niya.
"Parang walang fireworks sa Taiwan ah? Magandang desisyon 'yan," sarkastiko kong sabi at nagkibit balikat, bago uminom ulit sa kape.
Kahit iyon ang siyang sinabi ni Romeo, ay may kung anong bigat na namumuo sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano iyon at kung para saan. Basta ang alam ko lang, mabigat ang dibdib ko ngayon sa hindi malamang dahilan.
Naubos na namin ni Romeo ang anim na sandwich pati ang mga kape. Wala naman kaming napag-usapan, pero tila kay bilis nang takbo ng oras. Ang sabi nila, kapag tinitigan mo ang oras sa cellphone mo, babagal ang takbo 'nun. Ngunit tila hindi ganoon ang nangyari sa amin ni Romeo.
Mag-aalas dies noong nakarating kami sa labas ng school. At ngayon, trenta minutos nalang ay magpapalit na ng taon ang kalendaryo. Ang siyang hawak na rin namin ngayon ay ang beer in can, habang ginagawang pulutan ang chichirya na nasa gitna naming dalawa.
"Romeo," tawag ko sa kaniya, kaya nilingon niya ako "Wala"
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.