IALS: Chapter 19
Nakatayo ako sa harap ng isang stall. Nakakailan na nang tinda nilang cupcake. Ang sarap e. Sakto at nagugutom ako na rin ako. Hindi na ako kumain sa bahay, para hindi na maghintay nang matagal sa akin si Angelica at Julio. Kawawa naman, baka umiyak.
Sabay na kaming pumunta rito sa PU. Sinundo nila akong dalawa sa bahay, para masiguro nilang hindi ko na sila ulit paghihintayin sa school gate. Para masigurado rin nila na dadalo ulit ako ng foundation day. Mautak din naman talaga.
Nasa game zone na naman sila ni Julio, habang ako ay kumakain lang at tinatanaw silang dalawa. Kawawa kay Julio at puno na ata ng pantal kahahampas ni Angelica sa kaniya. Si Romeo naman ay kausap ulit iyong mga kausap niya kahapon at hindi ko alam kung saan sila ngayon. Sa dami ba naman ng estudyante sa paligid, ang swerte niya kung hahanapin ko pa siya. Hindi na rin kasi sila naka-camouflage uniform ngayon, kaya mahirap nang hanapin."Sarap ng cupcake niyo, nakakarami na ako. Walang discount?" tanong ko sa estudyante, na siyang nagbabantay ng stall.
Natawa siya sa sinabi ko.
Nakakatawa ba 'yun? Seryoso akong nagatatanong kung wala man lang ba silang pa discount.
Thirty five pesos lang naman nabayaran ko, dahil seven pesos bawat isa at nakalima akong cupcake. Kahit siguro sampu kainin ko, hindi pa rin ako mabubusog. Lintek, anong alaga ba meron ako sa tyan.
Nang makapagbayad ako, ay nilisan ko na ang stall. Baka mamaya ay maubos na pera ko kakabili. Nawala sila Angelica sa game zone at hindi ko alam saan nagpunta, kaya ako na naman ang siyang pumalit sa gamezone. Sakto at wala iyong kupal na iyon na kunware ichecheer ako sa laro, tapos siya kukuha ng prize, iba! Mautak si Angelica.
"Hi Ate! Maglalaro ka po?" nakangiting tanong ng estudyante na namamahala ng laro.
Matagal ko siyang tinitigan, at nagtimping wag siyang pilosopohin. Malamang maglalaro, game zone nga diba? Akala ata nito mags-swimming ako. Tumango nalang ako, kaya malaki siyang ngumiti sa akin.
May nakaset-up na table at may mga nakapatong na bowling pins sa gilid. Ang mekaniks ng laro, ay babatuhin mo ang mga bowling pins gamit ang may kalakihang stress ball. May tatlong try para sa kinse pesos. Kapag natumba lahat ay makakakuha ng prize.
"Chamba" bulong ko, nang ibato ang stress ball at walang tinamaan, ni hindi nga umabot ang bola sa mesa.
May linya kung saan ka tatayo upang asintahin ang mga bowling pins.
"Gago, may daya ata 'to" bulong ko ulit.
Kunot noong sinulyapan iyong estudyante na siyang namamahala. Tumatalon-talon pa ito na parang chinicheer ako. Bumuntong hininga ako at tinitigan ang bola. Huling tira ko na ito at sayang kinse kapag wala akong nakuha.
I stared at the stressball I'm holding, as I let my tongue touch my inner cheek. Kapag hindi pa ako nanalo, talagang may daya ang larong 'to. Isipin niyo, tatlong tira? Tapos ni isa hindi ko nagawa?
"Tangina!"
Napamura ako bigla, nang mabangga ako ng kung sino mang nilalang ang nasa likuran ko. Hindi ko natantya ang pagkakabato ng stress ball dahil doon. Hindi ko pa man nakikita ang kinahinatnan ng pagbato ko, ay masama kong nilingon ang nakabangga sa akin.
Sumama lalo ang hitsura ko nang si Romeo ang nalingunan ko. Kasama niya iyong lalaki kahapon, at may dalawa pang bagong lalaki. Nag-aasaran sila kaya siguro naitulak nila si Romeo at pati ako ay nadamay.
Tangina, kinse rin binayad ko sa laro! Mukhang maliit na halaga lang, pero para sa akin malaki na 'yun! Isang malaki at mahabang turon din ang mabibili ko sa perang 'yun!
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.