Chapter 8

556 15 0
                                    

"Hello" nakangiting Sabi ko Kay Jackson, kakapasok Niya Lang sa office ko. Sinusundo Niya ako, Kasi ngayon Yung dinner na sinasabi ko kela Lauren.

"Hi, are you ready?" nakangiting tanong ni Jackson sakin. 

"Yes, mag aayos lang ako." I told him bago tumayo at dumiretso sa sariling cr ko dito sa opisina ko. 

Nang makapasok ako sa cr ay agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Nakita ko ang pamumula nang pisnge ko. 

Fuck this! Bakit ba kasi ngumiti pa si Jackson sakin? Hindi niya ba alam na naapektohan ako sa tuwing ngumingiti siya? Hindi niya ba alam na grabe yung epekto niya sakin? Argh! 

Hindi ko naman ikakaila na may epekto si Jackson sakin. I mean, who am I kidding? He is Jackson Tan. The Jackson Tan. Lahat naman ata nang mga babae mag kakakanda-gaga pag nakita mo siya e. 

Gwapo siya, matalino siya, maganda ang katawan, at.. sobrang bait. 

Yung side lang ni Jackson na mabait ang hindi ganun kahalata sakanya. At hindi din naman kadalasang nakikita yun nang mga tao. They only know Jackson dahil sa record niya bilang isang lapitin nang mga babae. Lahat naman sila ata na mag kakaibigan ganun e. I mean, hindi ko naman maikakaila na sobrang gwapo nilang lahat, maganda din ang katawan, at malakas ang dating. But I can also say na sila yung tipong mga lalake na pag nag mahal na nang totoo, hindi na sila mag hahanap pa nang iba. 

Just like Alex to Alley. Kahit hindi naman sabihin ni Alley yun, alam naman namin na malapitin nang babae si Alex. Pero sino ba kami para humusga? Nalaman ko ang love story nila ni Alley kay Lauren, and I just cant stop myself but to feel kilig! Maybe they had the most tragic and challenging love story, but look at them now, they are happy. 

Napangiti na lamang ako dahil sa naiisip ko. Kailan kaya mag sisimula samin ni Jackson yun? I know that he's only waiting for me para sumang-ayon o pumayag sa arrange marriage na plinano nang pamilya namin. But ayoko naman mag pakasal lang si Jackson sakin dahil sa yun yung sinabi nang parents namin. I want him to marry me because he loves me. 

At ako? 

Kailangan ko pa bang sabihin na mahal ko si Jackson? Isn't it obvious? I think I'm falling in love with him. I can see his efforts. I can feel that he really wants me to be his wife. But ayokong mag pakasal sakanya unless hindi ko naririnig ang tatlong salitang kahit kailan ay hindi ko naiimagine na mang gagaling iyun kay Jackson Tan. 

I mean, he is Jackson Tan. The one and only. Nakiktia ko lang siya noon, kilala ko lang siya. At hindi ko naman maikakaila na kahit noon paman, may epekto na si Jackson sakin. I mean, He's freaking hot and he is very smart when it comes to handling business. Noon, taga hanga lang ako ni Jackson, at ngayon? I just can't believe that I'll be marrying him. 

"Let's go?" I aksed Jackson nang makalabas ako sa cr. Nakita ko naman na tumayo ito at agad na lumapit sakin. He wrapped his one hand in my back. Napa ngiti naman ako. Nasasanay na ako sa ganitong gawiin ni Jackson, at wala akong itigil ang pagiging sanay ko sa mga ginagawa niya. 

After all, Jackson will become my Husband. 

"How was your day?" Tanong niya nang makasakay kami sa Elevator. Yep, hindi na ako mag isa sa pag sakay nang elevator ngayon. Dumagdag nga ang rules ko e. I told my secretary, new secretary by the way, na pwedeng pumasok sa office ko ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Jackson. 

Yun lang. Sila lang ang may karapatan na puntahan ako without making any schedule. I find it nice tho, I feel so happy that I have some friends here in the Philippines. Just like what I've said, wala akong mga kabigan, kahit nung nasa US pa lang, wala na talaga akong kaibigan. Well.. merong isa na gustong gusto akong kaibiganin, but l always ignore him. 

"Okay lang." Matipid na sagot ko kay Jackson. Tumawa naman ito kaya napatingin ako sakanya. 

"It's okay, you can tell me if there are some dumbass, stubborn, idiots, dunce, halfwit, or stupid employees na nag painit nang ulo mo ngayong araw." He said. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. 

He knows me so well. 

"Saan mo ba nakukuha yang mga yan?" tanong ko sakanya. Nag kibit balikat na lamang ito. 

"You're the Devil Boss here. Hindi mo ba alam yun?" He asked. 

"Of course alam ko yan." I said to him. Kumunot naman ang noo niya.

"You knew, pero hinahayaan mo lang silang na tawagin ka nang ganun?" I asked. Ngumiti naman ako sakanya. 

"May pinag-aralan akong tao. Hindi ako pumapatol sa mga walang kwentang bagay na yan" I said to him. Ngumiti naman ito bago hinawakan ang kamay ko. 

"That's why I like you, Tazanna." He said. Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. 

He said he likes me. 

Oh gosh. I just felt my heart skipped a beat! 

Hindi na ulit ako nag salita pa. Lumabas na kami sa building nang aming kompanya at nag lakad na papuntang parking lot. Hindi ko na dinadala ang kotse ko, dahil palagi akong sinusundo ni Jackson at palagi niya din akong hinahatid. Like what I've said, he's courting me. 

"Where do you want to eat?" He asked. 

"Anywhere." I told him. 

"Anywhere it is." He said at nag simula nang mag maneho. Tumingin na lamang ako sa labas nang kotse niya. Napatingin naman ako sa batang babae na may hawak na dalawang ice cream. Sinundan ko siya nang tingin at nakita ko itong lumapit sa isang matandang lalake at binigay ang isang ice cream na hawak niya. 

Bigla naman tuloy akong nakaramdam nang lungkot. I miss Tatang. Ganitong ganito kami noon. Sobrang simple lang ang ginagawa namin. Pina-experience niya sakin yung mga bagay na hindi ko na eexperience sa tuwing mag kasama kami ni Daddy. Palagi niya akong dinala sa park, seaside.. It was only Tatang who makes me happy without him knowing it. Sa mga simpleng nabibigay ni Tatang sakin, ay sukli nun ang kasiyahan na hindi ko naramdaman tuwing kasama ko si Daddy. 

"Are you okay?" Napatingin naman ako kay Jackson nang mag salita ito. Nakita kong nakatingin lang siya sakin. I smiled at him bago tumango. 

"Yes, I'm fine." I said to him. 

"Are you sure?" He asked. Tumango naman ako sakanya. 

"Yes, Jack. I'm fine." I said to him. Alanganin man ay nag maneho na lamang siya ulit. Binalik ko na lamang ang tingin ko sa labas nag kotse ni Jackson. 

I miss you Tatang.. Don't worry I will find you and we'll be together again. 

My Tazgy (COMPLETED)Where stories live. Discover now