Chapter 10

570 15 0
                                    

"How about this one?" napatingin naman ako kay Lauren nang mag salita ito. Nakita ko na may hawak siya na isang kulay green na swimsuit. 

"That's beautiful, Lau. Yan na yung bilhin mo." I told her before smiling. 

"How about me?" napatingin naman kay Khacy na busy sa pag pili nang mga swimsuit. Natigilan naman siya nang makakita siya nang isang Floral na swimsuit. "Omg. Ito naba yun?" she said bago bumaling samin. Natawa naman kami ni Lauren bago tumango. 

"That's sexy!" Lauren said. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"I think my Mi Amor will love me more pag nakita niya akong suot ko to." Khacy said. Natawa naman kami ni Lauren dahil sa sinabi niya.

"Kahit anu naman ata yung suot mo, di na mag hahanap nang iba yun e" I told her. 

"Aba dapat lang talaga." Khacy said kaya natawa ulit kami ni Lauren. 

Nandito kami ngayon sa Mall at namimili nang mga swimsuit. Biglaan kasi yung plano ni Lauren na mag celebrate daw siya nang birthday niya sa beach. Mga tatlong araw kami dun. Hindi nga dapat ako sasama dahil nga meron akong trabaho, pero pinilit talaga ako netong dalawang to e. Kaya ayun, I'm coming with them.

At isa pa, na pag isapan ko din na magiging masaya tong trip kami kasi kasama ko si Jackson. Actually lahat naman kami kasama, pate nga sila Alley at Alex e sasama din. Yung hindi lang siguro sasama ay si Laurence. Nagtatampo nga si Lauren sa kuya niya, kasi birthday daw nang nag-iisang kapatid niya, pero di man lang daw ito mag eeffort na pumunta. 

Nalaman ko din na mag kapatid pala talaga si Laurence at Lauren. Akala ko nung una Kuya lang talaga yung tawag ni Lauren kay Laurence, dahil yun din naman yung tawag ni Alley kay Laurence. Pero sabi ni Lauren, unfortunately daw naging kapatid niya o kuya niya si Laurence. Napapailing na lang ako at napapa ngiti sa tuwing naalala ko yung mga sinabi ni Lauren sa Kuya niya. It seems like she really hates her Kuya, pero hindi naman talaga. Nakikita ko din kasi na sobrang maalaga at protective si Laurence kay Lauren e. Syempre, kagaya nga sabi ni Lauren, nag-iisa itong kapatid ni Laurence at babae pa. 

"How about you, Zanna?" tanong sakin ni Khacy. Nakita ko na naka paper bag na yung mga napili nilang swimsuit ni Lauren. 

"I don't know.. hmmm.." sabi ko na namili na nang mga swimsuit. Agad nakita nang mga mata ko ang isang black two piece swimsuit. Hindi na ako nag dalawang isip na hindi kunin yun. "Ito na yung akin." sabi ko sa kanila. 

"Okay. We'll wait for you here na lang." Lauren said. Tumango naman ako at nag lakad na papuntang Cashier. 

Kaming tatlo lang ang mag kakasama kasi kinailangan bantayan ni Alley yung kambal. Sa tuwing sinasabi ni Alley yung mga ganung bagay, ay hindi ko maiwasan ang hindi humangad nang anak. 

I mean, nag-iisang anak lang ako. Wala akong kapatid. Kaya kung sakaling mag kaka anak man ako, sisiguraduhin ko na higit sa isa ang magiging anak ko. Para naman meron kasama yung isa at para poprotektahan nila ang bawat isa. 

Nang makabayad na ako sa Cashier ay agad na akong bumalik sa pwesto nila Lauren. Pero nagulat naman ako nang nakita kong kasama na nila si Jackson. Agad akong lumapit sa kanila.

 "What are you doing here, Gray?" nag tatakang tanong ko. 

"Gray?" tanong naman ni Lauren. 

"It's a call sign, Lau." Jackson said. Napangiti naman si Lauren at si Khacy. 

"So.. meron na pala kayong call sign ha." naka ngising sabi naman ni Khacy. 

Napailing na lamang si Jackson at lumapit sakin. Kinuha niya yung paper bag na dala ko, bago pinulupot yung kamay niya sa bewan ko. 

"Hello, My Tazgy." bulong neto sakin na agad kong ikinangiti. 

"Hoy! Bawal PDA dito!" sabi naman ni Lauren. Natawa na lamang ako sakanya. 

"Anyway, we have to go." Khacy said. Nagtatakang tinignan ko naman sila. 

"Bakit? Tapos na tayo?" I asked them. Tumingin naman sila samin ni Jackson. 

"As if naman hindi ka kukunin niyang fiance mo mula samin. Kaya uunahan na namin siya. Enjoy kayo okay? We'll go now. " Lauren said. Natawa na lamang kami ni Jackson sa sinabi niya.

"Bye Zanna!" pahabol na sigaw ni Khacy. Kumaway na lamang ako sakanilang dalawa. 

"So.. You're mine." Jackson said. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. 

"Hoy grabe ka naman." Nahihiyang sabi ko. Natawa na lamang ito. 

"Where do you want to eat?" He asked at hinawakan na ang kamay ko at nag simula na kaming mag lakad palabas nang store na binilhan namin nang swimsuit. 

"Actually.. mas gusto ko na lang sa condo kumain e." I said. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. 

"Why?" he asked. Ngumiti naman ako sakanya.

"May itlog na pula ako dun!" I told him. Napatawa na lamang siya sa sinabi ko habang umiiling. 

"Itlog na pula it is." Sabi niya at nag lakad na kami palabas nang mall. 

Naglalakad lang kami palabas nang mall nang meron akong nakitang isang pamilyar na lalake. Natigilan ako dahil sa nakita ko. Oh my gosh.. 

"What's wrong?" napatingin ako kay Jackson nang mag salita ito. Tumingin ako ulit sa pwesto nang lalake pero wala na siya dun. Agad kong nilibot ang mga mata ko para hanapin siya, pero wala akong may nakita. 

What the hell? 

I'm sure as hell na siya yung nakita ko. Pero bakit siya nandito? Bakit siya nasa Pilipinas? Yung huling balita ko sakanya nasa Canada na siya at nag ttrabaho na siya. Pero bakit.. bakit nandito siya? 

"What's wrong, Tazgy?" nag aalalang tanong ni Jackson sakin. Umiling na lamang ako sakanya. 

"Nothing.. I just thought.. I saw an old friend." I said to him. Kumunot naman ang noo niya. 

"Old friend? Akala ko ba wala kang kaibigan?" Tanong niya. 

"Yeah. I don't have any friends. Pero meron naman bumalak. At meron din isang tao na sobrang pinilit na maging kaibigan ko." I said to him. 

"Siya ba yung nakita mo?" He asked. Tumingin naman ako sakanya at pilit na ngumiti. 

"Baka na malik mata lang ako." I told him. Alanganin ang mukha ni Jackson kaya ngumiti ako ulit. "I'm okay, Gray." I told him. 

"Are you sure?" He asked. Tumango naman ako at nginitian siya. Nag lakad na ulit kami palabas nang Mall. 

Hindi ako na malik mata. Sigurado ako sa nakita ko. It's definitely him. Pero bakit siya nandito? Bakit siya nag pakita sakin? At bakit nag pakita lang siya? Bakit hindi niya ako kinausap? 

I know it's you Alec.. but why are you here?  

My Tazgy (COMPLETED)Where stories live. Discover now