Nagising ako dahil sa mahinang pag tapik sa aking pisnge. Minulat ko ang aking mga mata at agad kong nakita si Jackson, kaya napaayos ako nang upo.
"Kumain na muna tayo." He said bago bumaba nang sasakyan niya.
Tumingin naman ako sa labas at nakita kong nasa isang stop over kami. Hindi na ako nag dalawang isip na hindi bumaba at sumunod sakanya. Gutom na din kasi ako e, hindi kasi ako nag breakfast kanina. At hindi din naman talaga ako nag bbreakfast.
Nakasunod lang ako sa likod niya. Nakita ko naman na madaming babae ang nakatingin sakanya. Parang gusto ko naman silang sabunotan. Hindi ba nila nakita na may kasama siya? Duh? I'm here! Hindi ba nila ako nakita? Sa ganito ko ka ganda, hindi nila ako nakita?
Inirapan ko na lamang sila. As in silang lahat talaga. Nang maka upo kami ni Jackson ay agad na may lumapit samin na waitress. Tinignan ko ito at nakita kong malandi itong nakatingin at naka ngiti kay Jackson. Agad naman napataas ang isang kilay ko dahil dun. Akmang mag sasalita na sana ako nang mag salita si Jackson.
"Can you call a waiter please?" He said. Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya, halatang nagulat din yung waitress na nasa harapan namin.
"Bakit po?" Tanong neto. Napatingin naman ako sakanya at lahat na lang yata nang pag pigil ko ay nagawa ko na para hindi siya sabunotan.
Ang landi talaga tumingin! Napaka landi talaga!
"My fiance is here, and even though she's not saying anything, I know she's going berserk inside of her." Jackson said. Gulat naman akong napatingin sakanya, at nakita kong nakatingin lang din ito sakin. Bigla ko naman naramdaman ang pag pula nang aking mga pisnge.
Oh shoot! He's making me blush!
"S-Sorry po Sir.." sabi nang waitress at halatang napahiya. Agad itong tumalikod samin at tumawag nang iba niyang kasamahan.
Nang makarating na yung waiter na tinawag niya, ay agad na namin binigay yung order namin ni Jackson. Tinignan ko ito at nakita kong nakatingin lang siya sa labas.
Paano ba ako mag sasalita neto? Like.. anu ba yung sasabihin ko?
Should I say Thank you to him kasi pinaalis niya yung malanding waitress na yun, dahil alam niyang naiinis ako sa babaeng yun? Or.. should I ask him why? Bakit niya pinaalis yung waitress na yun?
Eh duh?! Alam ko naman na yung rason kung bakit niya pinaalis, kaya bakit ko pa tatanungin? Argh! Di na lang ako mag sasalita! Tatahimik na lang ako dito.
"Ilang beses?" Napatingin ako sakanya nang bigla itong mag salita. Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya.
"Anung ilang beses?" Tanong ko sakanya.
"Ilang beses mong namura at nasabunotan yung waitress na yun at yung ibang babae dito sa isip mo?" he asked. Nakita ko naman na sumilay ang isang ngiti sakanyang labi, kaya napa nguso ako.
"Hindi naman e!" Deny ko. Bigla naman itong tumawa.
"Really?" He asked teasingly.
"Wala nga!" Deny ko ulit. Tumawa naman ulit ito.
"It was obvious, Tazgy." He said. Nagulat naman ako dahil tinawag niya akong Tazgy.
Oh my gosh! Tinawag niya ulit ako nang Tazgy! I don't know why pero nakaramdam ako nang saya. Argh! Am I going crazy? Yung tipong pag tawag lang sakin ni Jackson nang Tazgy, nababaliw na ako!
"Tsk! Coz they were looking at you as if they you're naked in front of them!" sabi ko sakanya. Tinignan niya naman ako bago ngumisi nang nakaka loko.
YOU ARE READING
My Tazgy (COMPLETED)
Romanceand then here I am, loving the person I never thought I even like. (RED HEART SERIES) [UNEDITED]