Chapter 7

592 15 0
                                    

Days has passed at nagigiling malapit na ako kela Khacy. Sobra akong natutuwa dahil tinanggap nila ako bilang kaibigan nila. It's as if bumawi si tadhana sakin sa mga panahon na Wala akong mga kaibigan.

Khacy, Alley, Lauren and I became best friends.

Palagi ako nilang sinasama sa lakad nila. They also introduced me to different things. Like, I've never taste a street foods before, but sa tuwing lumalabas kami ni Khacy na kaming dalawang lang ay dun Niya ako dinadala.

Khacy is the most simple one. Siya Yung gustong gusto nang simpleng buhay Lang. Yung tipong kahit sa karenderya mo Lang siya pakainin, okay Lang sakanya. Pero Hindi Niya Naman itatanggi na isa siyang Santos. That's why kahit gustong gusto Niya Yung simpleng buhay Lang, ay Hindi Niya iyun magawa. It's because she's bringing Santos, and kagaya ko bilang Sy, ay malaki Ang aming mga responsibilidad. Isa Lang din siyang anak, Kaya Alam ko at naiintindihan ko Yung pressure na nararamdaman Niya. She is a registered nurse. Pero Hindi Naman lihim sakanya na anytime ay pwede siyang huminto sa pag ttrabaho para tumulong sa business nang pamilya Niya.

On the other hand, Alley is someone that I can describe as mahinhin at mabait. Sa kanilang tatlo siya Yung Hindi maingay. Nagkakasundo kami Kasi mapili Lang ako sa mga taong kinikilala ko. Nalaman ko din na noon ay si Lauren Lang talaga Ang kaibigan Niya. Pili Lang din si Alley sa mga taong pinag kakatiwalaan Niya. That's why nag kakasundo kami pag nagyayaya sila Khacy at Lauren mag bar, dahil Hindi namin hilig ni Alley na maki pag kaibigan o maki pag socialize sa ibang Tao.

Si Lauren Naman ay Yung tipong babae na Alam mo ayaw mong maki pag away. Nangingibabaw talaga Yung dugong Lopez Niya sa kanyang mukha, Kaya madaming natatakot sakanya. She's like a fearless woman at Alam mong Hindi Ito mag papatalo. At dun Naman kami nag kakasundo ni Lauren. I am fearless and I know what I want, at ganun din siya. Kaya minsan Hindi din namin maisawan Ang kontrolin ang emosyon sa mukha namin. Like pag kumakain kami at pag ayaw namin nang food na sinerve? Makikita talaga sa mukha namin Ang pag diri. Kaya nga palagi kaming napapagalitan nila Alley at Khacy e, because we don't filter our words.

"Let's watch some movies Kaya?" Napatingin ako Kay Khacy nang mag salita Ito.

Nandito sila ngayon sa office ko. Ewan ko ba, gustong gusto nilang tumambay Lang dito sa opisina ko.

"Game. Pero tatawagan ko lang si Alley." Lauren said.

"Eh diba Sabi niya mag babantay siya nang kambal?" Sabi Naman ni Khacy.

"Oh shoot. Oo nga pala." Lauren said.

Nalaman ko din na may anak na pala si Alley at Alex. Kambal sila at nakita ko na din sila. Their names are Austin and Avery. Sobrang cute nila! Parang gusto ko tuloy mag ka-anak dahil sakanila.

"Tayo na Lang Kaya?" Khacy said. Napatingin Naman silang dalawa sakin.

"Hmm.. sorry girls. Pero may dinner kami ni Jackson e." Nahihiyang Sabi ko sa kanila. Bigla Naman sumilay Ang nakakalokong ngiti sa kanilang mga labi.

"Dinner Lang?" Sabi Khacy.

"O dinner tas may pahabol na Dessert?" Sabi Naman ni Lauren. Bigla ko Naman naramdam Ang pag Pula nang mga pisnge ko.

"Tumigil nga Kayo!" Saway ko sa kanila.

Oh! Bakit ko nga ulit naging kaibigan tong mga to?

"Okay, titigil na kami!" Natatawang Sabi ni Khacy. I just rolled my eyes.

They always do that! Pag sinasabi Kong lalabas kami ni Jackson ay palagi nila akong tinatanong Kung kakain Lang ba talaga kami o baka may iba kaming gawin.

Netong mga nakaraang araw, ay nagiging mas malapit na din Ang loob ko Kay Jackson. Para mas nakikilala ko na siya. At mag sisinungaling ako pag sinabi Kong Hindi ko gusto ni Jackson.

He's very persistent. Gustong gusto niyang mag pakasal ako sa kanya, Kaya sinabi ko sa kanya na ligawan Niya ako, and that was suggested by Lauren by the way. Tapos ayun, sineryoso Niya Yung panliligaw sakin. At infairness din Naman, nakikita ko Naman Ng malinis na intensyon ni Jackson sakin.

"Hindi kapa din ba mag-oo sa proposal Niya?" Khacy asked. Napatingin Naman ako sakanya.

"Natanong kana ba Niya ulit?" Sunod na tanong ni Lauren. Nag kibit balikat na lamang ako.

After Kong sinabi Kay Jackson na ligawan Niya ako, ay Hindi na Niya ulit natanong sakin Kung payag naba ako sa mag pakasal sakanya. Hindi Niya na din na banggit pa sakin Ang tungkol sa arranged marriage na ginawa nila Daddy.

Kung iisipin Kong mabuti, mukhang ni-respeto ni Jackson Ang desisyun Ko. Mas tinuonan Niya nang pansin Ang sinabi Kong ligawan Niya Muna ako.

"You know you have to answer him right?" Khacy asked. Tumango Naman ako.

"Of course Alam ko Yun. But it just that, Hindi pa ako handa para sa ganung responsibilidad. I mean, nag ttraining pa nga Lang ako maging CEO nang company namin e. I still have dreams. Ayokong tumigil Ang mundo ko pag ikinasal na kami ni Jackson." I honestly said to them.

That's true.

Netong mga nakaraang araw, napag isip isip ko Yung dahilan Kung bakit ayaw Kong maikasal Kay Jackson. Noon Yung nakikita Kong rason ay dahil sa Hindi ko siya ganun ka kilala. Pero ngayon na unti unti ko na siya nakilala ay Wala Naman akong nakikitang rason para Hindi ma gustohan si Jackson.

Pero na realize ko, Yung bagay pala na tumitigil sakin sa pag papakasal Kay Jackson ay Yung pangarap ko. I know so well na pag ikinasal kaming dalawa ay magiging iba na yung takbo nang buhay ko. At ayokong mangyari yun. Ayoko maging hadlang si Jackson sa buhay ko.

Kung siya ay natupad na siya Ang mga pangarap Niya. Naging Isa na siyang successful businessman, pero ako Hindi pa. Wala pa akong natutupad sa mga pangarap ko. Ultimong pag hanap pa nga Lang Kay Tatang ay Hindi ko pa Yun magawa nang maayos e. Yung maging successful business woman pa Kaya?

"Just try, Tazanna. Afterall si Jackson Naman Ang papakasalan mo e. Jackpot na Yun." Khacy said. Natawa na lamang ako sa sinabi Niya.

That's true. Jackpot na si Jackson. Wala Naman na akong ibang hihilingin pa. Pero Kasi... I don't know. Hindi ko pa Alam. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko.

My Tazgy (COMPLETED)Where stories live. Discover now