Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin dito sa loob nang kwarto ko. Inusisa ko yung suot ko. I'm just wearing a Button-Down, Shorts, Straw Tote, and Sandals. This is usually what I wear pag nag bbeach ako. Ngayong araw na kasi yung alis namin papuntang Beach para mag celebrate nang birthday ni Lauren.
Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Jackson. Well, obviously, siya naman talaga yung may kasalanan sa nangyari. But... It will be awkward kung hindi ko siya kakausapin mamaya. At knowing Lauren at Khacy? Mag tatatanong talaga sila kung bakit di kami nag kikibuan ni Jackson, and of course, I don't want that to happen.
Hindi naman kasi ako pinanganak na kulang sa pansin, kaya gusto ko lahat nang attensyon nasa akin lang. Nope Girl, I ain't like that.
Nang masigurado kong okay na ako, at ayos na din yung mga gamit na dadalhin ko. Ay agad na akong bumaba nang kwarto ko at dumiretso sa sala dito sa condo ko. Sa pag kakaalam ko kasi, susunduin ako nila Lauren e. Sabi kasi nila mag Van daw kami, para naman sama sama kaming pumunta dun.
Nakaupo lang ako dito sa sofa at nanonood nang TV nang may biglang nag doorbell. Hindi na ako nag dalawang isip na hindi patayin ang TV ko at dalhin ang mga gamit ko. For sure naman sila Lauren na yun. Nag lakad na ako papunta sa pintuan nang condo ko, at nang makarating ako dun ay agad ko din naman binuksan.
Ngunit laking gulat nang hindi si Lauren o si Khacy ang bumungad sa harap ko.
"What the hell are you doing here?" iritadong tanong ko kay Jackson. Nakita ko naman ang inis sa mukha niya.
"Sakin ka sasabay." sabi niya at akmang kukunin na ang mga dala ko nang pigilan ko siya.
"The hell? I'm not going with you." I said. Isasarado ko na sana yung pintuan nang condo ko nang hinarangan niya ito. "Anu ba, Jackson? Alisin mo nga yang kamay mo." I told him.
"Can you just go with me? Wag kana umarte diyan." He said. Napabuka naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya.
Wow.
Just wow!
Ako pa talaga yung maarte ngayon? The hell!
"At ang kapal din naman nang mukha mong sabihan ako nang maarte anu?!" galit na sigaw ko sakanya. Nakita ko naman ang pag kairita sa mukha niya.
"Let's just go, okay? Wag mong hintayin na buhatin kita mula dito hanggang sa parking lot." He said. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"You can't do that." sabi ko sakanya. Ngumisi naman siya.
"Oh don't try me, Tazanna." He said. Tinignan ko naman siya at nakita kong seryoso ang mukha niya. Tila nakakatakot yung pag kakasabi niya nun. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang nag sitayuan ang mga balahibo sa katawan ko.
Oh fuck! Ito nanaman! Na aapektohan nanaman ako kay Jackson!
"I'll go with Lauren!" sabi ko at pinag cross ang kamay ko sa harap nang dibdib ko.
Kung matigas siya, mas matigas ako!
Ayokong sumama sakanya! Ayokong kasabay siya! Ayokong katabi siya sa buong biyahe! Ayoko! Ayoko! Ayok--
"What the fuck! Ibaba mo ako!" sigaw ko nang bigla niya akong binuhat.
"I told you, don't fucking try me." He said bago niya isinara ang pintuan nang condo ko. Hawak niya sa isang kamay niya ang mga gamit ko.
The hell! I didn't know na kaya niyang gawin yun. Well, duh?! Maganda ang katawan ni Jackson at hindi na dapat ako nagtataka kung bakit niya ako nabuhat nang ganun ganun lang.
YOU ARE READING
My Tazgy (COMPLETED)
Romanceand then here I am, loving the person I never thought I even like. (RED HEART SERIES) [UNEDITED]