"Tikman mo na kasi." natatawang sabi ko kay Jackson. Akmang susubuan ko na siya nang itlog na pula nang inilayo niya yung mukha niya sakin.
"Ayoko, Tazgy. If you want to eat, ikaw na lang." he said.
"Ang arte naman neto!" sabi ko sakanya bago kumain ulit nang itlog na pula.
Nandito kami ngayon sa condo ko,at akala ko kakain si Jackson. Pero nag kamali ako. Ako lang actually ang kumakain at siya? ayan, tubig lang. Ang arte kasi, ayaw kumain nang itlog na pula. Masarap naman e.
"Alam mo, mabubusog ka diyan sa tubig." sabi ko sakanya. Tinignan niya naman ako nang masama.
"Don't mind me. Kumain ka na lang." He said.
"Bahala ka diyan, di kita titirhan ha." sabi ko sakanya. Tumango naman siya.
At dahil sa masunurin akong bata, ay hindi ko tinirhan si Jackson. As if naman kasi kakain siya nang ulam ko. Parang sinamahan niya nga lang akong kumain dahil gusto niya akong makitang kumain e, at hindi dahil sa gusto niya akong sabayang kumain.
"Nabusog kaba?" Tanong neto nang makalabas ako sa veranda nang condo ko. Tumango ako at nginitian siya.
"Super busog!" nakangiting sabi ko sakanya. Natawa naman ito.
"Ang takaw mo naman palang kumain e." He said. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Nasasanay kana na nilalait ako ah?" I said to him at tinaasan siya nang kilay.
The hell! I'm still Tazanna Sy. At wala akong pakealam kung sino yung matarayan ko, ang importante hindi ako nilalait.
"Joke lang, Tazgy." Malambing na sabi neto. Inirapan ko na lamang siya at tumingin sa langet.
Maganda ang langet ngayon. Maraming bituin. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapa ngiti. Ganito din yung ginagawa namin ni Tatang noon e. Palagi kaming nag Sstar gazing sa veranda nang kwarto ko. Lalong lalo na sa tuwing hindi ko makatulog, at pag ayaw ko pang matulog. Palaging ganito yung ginagawa namin ni Tatang.
"What are you thinking?" Napatingin naman ako kay Jackson nang mag salita ito. Umiling naman ako sakanya. "Come one, I want to know." He said. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Chismoso din pala yung isang Jackson Tan?" natatawang sabi ko.
"Yes. If that's what it takes para malaman ko yung tumatakbo sa isip mo." He said. Natigilan naman ako sa sinabi niya at tinignan siya. Nakita ko na seryoso ang kanyang mukha.
"Why?" I asked him.
"Why what?" He asked me back. Napakunot din ang noo neto.
"Why do you want to know me?" I asked him. Nakita ko naman ang pag iba nang expresyon nang mukha ni Jackson. It soften..
"because you'll be my wife." he said. Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang mag ka dismaya.
Akala ko sasabihin niyang mahal niya ako. Akala ko sasabihin niya na kaya gusto niyang makilala ako dahil mahal niya ako. Akala ko sasabihin niya na kaya niya gustong malaman yung mga bagay na iniisip ko dahil mahal niya ako. Akala ko sasabihin niya na kaya niya gustong malaman yung mga bagay na ayaw at gusto ko dahil mahal niya ako.
I thought he wants to know me because he loves me.
But no...
He's only doing this dahil sa magiging asawa niya ako. He's only doing this dahil kailangan. Dahil ito yung tamang gawin.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang kirot saking puso. I am falling in love with Jackson, my soon to be husband. Dapat nga matuwa ako diba? Dahil yung taong papakasalan ko ay yung taong mahal ko.
But how?
Paano ako magiging masaya kung naiisip ko na kaya niya lang ako papakasalan dahil yun yung gusto nang mga magulang namin? Paano ako magiging masaya kung naiisip ko na ginagawa niya lang lahat nang to dahil yun yung tama at yun yung kailangan?
How can I be so happy knowing that Jackson is only marrying me because of the plan that our parents made 10 years ago? Paano ako magiging masaya?
"I think I'm sleepy.." sabi ko at agad na iniwas ang mga mata ko kay Jackson. Ramdam ko naman na nagulat ito sa sinabi ko.
"Pero kakakain mo lang?" He asked. Pilit naman akong ngumiti at humarap sakanya.
"Kaya nga mas inaantok ako e, kasi kakakain ko lang." Biro ko sakanya. Nakita ko naman ang pag hurma nang ngiti sakanyang labi.
"But you can't sleep.." he said. Tumango naman ako.
"I know. Pero madami pa kasi akong gagawin e. I still have some work to do.." pag sisinungaling ko sakanya.
Of course tapos ko na yung mga kailangin kong tapusin sa trabaho. Hindi kasi ako nakakatulog o napapakali pag hindi ko natatapos yung trabaho ko.
But..
I just want to be alone. Gusto ko lang mapag-isa ngayon.
"Okay. So, alis na ako?" Jackson said. Tumango naman ako sakanya bago ngumiti.
"Ingat." I told him. Nakita ko naman na medyo alanganin siya, pero agad din naman tumango.
"Goodnight, My Tazgy.." he said before kissing me on my forehead. Napapikit na lamang ako habang dinaramdam ang halik ni Jackson.
He's giving me so many reason para umasa. Umasa na baka mahal niya din ako.. Umasa na baka minamahal niya ako..
Pero paano ako makaka sigurado na mahal niya ako kung hindi niya sasabihin yun? I know action speaks louder than words. But can you blame? Masyado na akong nasaktan sa mga nangyari sa nakaraan ko, kaya kailangan ko nang kasiguradohan ngayon.
That's why I'm waiting for Jackson to say that he loves me para masabi ko sakanya na itutuloy ko yung kasal namin. Yun lang naman ang hinihintay ko e. Yun lang yung gusto kong marinig mula kay Jackson.
"I'll get going, Tazgy." Jackson said. Ngumiti naman ako sakanya bago tumango. Sinundan ko lang nang tingin si Jackson habang nag lalakad palabas nang condo ko.
I just want to hear you say that you love me, Gray. I just want to hear the 3 beautiful and magical words coming from you, and I'll be yours... I'll be yours forever.
Pag sinabi mo na sakin yun, Pag narinig ko na yun mula sayo, magiging sayo na ako habang buhay. Papa kasalan na kita... if only you will say those 3 words.
YOU ARE READING
My Tazgy (COMPLETED)
Romanceand then here I am, loving the person I never thought I even like. (RED HEART SERIES) [UNEDITED]