Gaya ng inaasahan ni Cecille, hatinggabi na naman ang uwi ng asawa niyang si Lucas. Narinig niya ang pagbukas ng gate ng garahe na binuksan ng isa ding madalas mapuyat na katiwala nila na si Mang Carlos. May sarili itong maliit na quarter sa likod-bahay nila at matagal na nilang kasama ito simula pa lang ng sila ay kinasal. Mas matagal na itong nakasama ng asawa niyang si Lucas dahil katiwala at hardinero nila ito sa kanilang matandang bahay nu'ng hindi pa sila nagsasama. At dahil bumukod na nga si Carlos dahil may asawa na ito at sariling bahay na pinagawa ng Daddy niya para sa kanya, sa kanila na pinatira si Mang Carlos upang makasama nila sa bahay at para na din may matirahan ito. Naaawa si Cecille kay Mang Carlos dahil sa madalas nitong mapuyat paghihintay sa palaging hatinggabi uwi ng kanyang asawa sa kabila ng edad nitong nasa humigit-kumulang sitenta na.Mula sa itaas ng bahay, ang kanilang kwarto ay nakaharap sa kalsada kaya't kita mula doon kung sino man ang nasa labas ng bahay nila kahit na mataas ang kanilang bakod at gate. Alam ni Cecille na galing sa pagpupulong ang kanyang asawa para sa nalalapit nitong pagtakbo bilang punong-bayan o mayor sa kanilang nasasakupan, ang bayan ng San Isidro sa Cavite. Kasalukuyang vice mayor ngayon ang kanyang asawa sa nasabing bayan at nais nitong kalabanin ang kasalukuyang nakaupong mayor.
Sa pagsilip ni Cecille mula sa bintana ay aktong nagbubukas na ng pinto ng sinakyang Fortuner ang mga nakasakay dito. Unang bumaba mula sa likod ng driver's seat ay ang kanyang asawa at sa kabilang pinto ay isang babae na naka black dress na halos malapit ng lumabas ang puwet sa ikli nito. Halos kasabay na din na bumaba si Cholo na bodyguard ng kanyang asawa na bumaba sa harapan katabi ng driver. Maingay pa din ang mga to at panay pa din ang tawanan na maaaring may nakakatawang pinagkukuwentuhan habang nasa sasakyan. Lumipat mula sa kaliwa si Lucas at nilapitan ang kasamang babae nito sabay umakbay. Nang nai-park na ng maayos ni Joey ang sasakyan, na isang ding bodyguard at driver ni Lucas ay nagpaalam na ang mga ito.
"Paano vice este mayor, mauna na po kami." paalam ni Joey na kasalukuyang sumasakay sa kanyang motor na iniiwan niya sa garahe kapag may lakad sila nila Lukas.
"Joey... joey... may makarinig sa yo. 'Wag muna, darating tayo d'yan. Baka akala ng makakarinig eh masyado tayong kumpiyansa na mananalo tayo." sagot agad ni Lukas na sinabayan ng pagtawa.
"Eh du'n na naman po talaga papunta yun vice," singit naman ni Cholo na nakasakay na din sa kanyang sariling motor.
"Isa ka pa Cholo ha. Magsiuwi na kayo at baka antukin pa 'tong babes ko." tumatawang turan pa din ni Lukas kasabay nu'n ay niyugyog pa niya ng bahagya sa kanyang pagkakaakbay ang babaeng kasama.
"Sige po vice, sama ko ng beinte," pahabol ni Joey na nag start na ng motor at tuluyan ng pinaandar, kasunod na din si Cholo na nagpaandar ng motor nito.
Nakaantabay lang si Mang Carlos sa mga tauhan ni Lukas na makalabas upang isara muli ang gate.
"Mang Carlos pasok na kami," paalam naman ni Lukas sa matanda ng makaalis na mga tauhan nito.
Dalawang barangay lang ang pagitan ng bahay nila Lukas at ng Daddy niya kung saan ginanap ang kanilang pagpupulong pero kabisado na ni Cecille ang asawa na hindi agad ito umuuwe. Mag gu-goodtime pa ito kasama ng kanyang mga tauhan at pangkaraniwan na sa kanya ang makitang senaryo na may kasama itong babae sa pag uwe,gayundin si Mang Carlos. Kahit hindi lang iilang beses na niyang nasasaksihan ang garapalang pambababae ng asawa ay hindi pa din mawala sa kanya ang damdaming parang kinukurot ang puso niya. Alam niyang pagpasok ng mga ito ay sa guestroom ang tuloy ng mga ito at bago mag umaga ay nakalisan na ang babaeng kasama nito.
Minsan na ding nakita ng kanilang nag-iisang anak na si Karl na ngayon ay bente anyos na, ang pagtataksil ng kanyang ama sa ina niya. Hindi alam ni Cecille ang sasabihin sa anak nu'ng unang nagtanong ito tungkol sa nakita nito, sinabi na lang niyang hayaan na lang nila ang kanyang Daddy. May sapat ng isip si Karl nu'ng una niyang makita ang Daddy niya na may kasamang ibang babae, pero dahil sa laki ng takot sa ama na saktan siya muli nito ay hindi niya din kaya itong kausapin tungkol duon at ngayong bente anyos na siya,gaya ng kanyang ina ay nagbulag-bulagan na lamang sila subalit nakatanim sa puso nito ang lahat ng galit at kinikimkim na sama ng loob sa ama.
BINABASA MO ANG
Till Next Time
General FictionKung hindi ka naging masaya sa buhay mo dahil hindi mo nakatuluyan ang totoong mahal mo, may pag asa pa kayang lumigaya ka?