Part 18

329 18 0
                                    

Ayon sa pagkakabasa ng resulta ng xray ni Lukas, ang isang balang tumama sa katawan nito ay malapit sa puso kaya't delikado ang lagay nito. Nanginginig ang kamay ni Arnold ng una niyang hawakan ang instrumentong gagamitin at napansin yun ng nag-aassist na nurse.

"Are you okey doc?" tanong ng nurse.

Tumango lang si Arnold pero hindi pa din niya mapigilan ang panginginig. Unang pagkakataon sa buhay niya bilang isang doktor ang damdamin na gusto niyang iwan ang kanyang pasyente at tumawag ng ibang doktor pero alam niyang mali ang ganung pag-iisip. Isa pang dahilan ay walang surgeon na naka-detail ng ganoong oras.

Gustong alalahanin ni Arnold ang reaksyon ni Cecille nu'ng sinabi nitong si Lukas ang pasyenteng nabaril. Hindi niya nabasa sa mukha nito kung ito ba ay nag-aalala ng labis kay Lukas dahil sa nangyari dito, natutunan kayang mahalin ni Cecille si Lukas matapos ang mahabang panahon? Ang mas binigyan niyang pansin ay ang mukha ni Cecille na parang kailan lang sila huling nagkita. Ang mga mata ni Cecille na ng tumama sa mata niya ay 'andu'n pa din ang kislap nito sa tuwing sila ay nagkikita at ang mga ngiti ni Cecille na nakakaengganyo na hindi ka maaaring ngumiti kapag nginitian ka nito.

"Forceps." senyas at sabi ni Arnold sa nag aasist.

"Doc?" tanong ng nurse dahil alam ng nurse na mali ang hinihinging instrument ni Doc Arnold,

"i mean clamps sorry." pagtutuwid niya.

Pinunasan ng isang nurse ng tissue ang pawis na nanggagaling sa noo ni Arnold upang maiwasang pumatak yun sa pasyente. Pero napansin ng nurse na patuloy ang pagpapawis nito. Nagkatinginan ang taga-abot ng instrumento at isang nag-assist na nurse. Alam nilang tensyonado at nagkakamali ang kanilang doktor. Aang hindi nila alam, hindi ito dahil sa paggagamot kundi sa taong gagamutin nito.

"We'll be needing a cardiac surgeon. Bumagal ang pag-pump ng heart niya, kailangan maagapan. Please someone call any available doctor." sabi ni Arnold na nakatingin sa monitor.

Sa labas ng operating room ay nanatiling nakaupo ai Cecille, naghihintay anumang sandali sa paglabas ni Arnold o ni Dr. Gatbunton. Naglilipat-lipat ang utak niya sa larawan ni Lukas na ngayon ay inooperahan at sa larawan ni Arnold na matapos ang dalawampung taon ay isa ng ganap na doktor. Nabawasan ng katiting ang pananabik ni Cecille na makita si Arnold dahil bigla niyang naisip na malamang na may asawa n din ito at hindi na tama ang ikinikilos niya na akala mo ay binata at dalaga pa sila. Na akala niya na ang pangako nila sa isa't-isa ay kahapon lang nila binitiwan pero sa loob ng maraming taon ay marami ng nangyari, gayunpaman ang makita niya ulit si Arnold ay sapat na para maging masaya siya ulit kahit pansamantala lang... kahit panandalian lang.

Mag-uumaga na ng dumating ex-mayor na inaalalayan ng isang tauhan nito sa bahay. Hindi na kasama si Mayora dahil marami na itong nararamdaman sa katawan. Sinalubong agad 'yun ni Cecille.

"Daddy." bati agad ni Cecille.

"Si Lukas?" tanong agad ni ex-mayor.

"Nasa OR pa po daddy, tara po upo muna po kayo." yaya ni Cecille sa kanyang inuupuan.

"Si mommy po?" dugtong na tanong ni Cecille.

"Iniwan ko sa bahay, nagpupimilit sumama naku sabi ko eh baka mapano pa siya. Itatawag ko na lang 'kako agad sa kanya. Ayun, iyak ng iyak du'n nu'ng iniwan ko." sagot ni ex-mayor.

"Kamusta daw po imbestigasyon nila hepe daddy?" si Cecille.

"Hindi daw du'n nagtatrabaho sa club 'yung babaeng 'yun. Sabi nung may ari saka nung mga babaeng nagtatrabaho du'n. Patambay-tambay lang daw 'yun sa harap ng club, minsan na daw na i-table 'yun nu'ng isang tauhan ni Lukas, hindi ko mawari kung kanino kina Joey o Cholo o kung kanino pa. Kaya 'yun, patuloy pa din sila sa paghahanap." sagot ni ex-mayor.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon