Part 33

329 18 1
                                    


"Mommy inaantok ka na ba?" tanong ni Karl ng makapasok na sila ng bahay.

Naramdaman ni Cecille na magtatanong na naman si Karl tungkol kay Arnold kaya umarte siyang inaantok.

"Uhm, Oo anak eh. Bakit? Magpahinga ka na din. Bukas na lang tayo magkwentuhan ulit. Magdasal ka muna ha. Ipagdasal mo ang daddy mo." tuloy-tuloy na pagsasalita ni Cecille habang papanhik sila ng hagdan ni Karl.

"Okey sige Mommy. Na-miss ko na bigla si Daddy." si Karl.

"Anak, sige na. Pahinga na muna tayo." si Cecille nang paliko na siya sa kwarto nila ni Lukas.

Wala naman halos nagbago sa loob-loob ni Cecille. Pagbukas niya ng kwarto ay tanging siya lamang ang naroon. Ang kaibahan lang sa ngayon eh gigising siya na wala na siyang katabi palagi. Binabagabag pa din ang kaisipan niya tungkol kay Jocelyn. Kailangan na niyang makausap si Doreen para desisyunan na nila kung ano ba ang dapat nilang gawin tungkol sa kaso nito.

Samantala, nawala na ang antok ni Karl, marahil ay sa pagkakakape sa bahay ng Lolo Delfin at Lola Upeng niya. Naiisip niya ang mga nagdaang araw simula ng namatay ang Daddy niya. Ang bilis ng mga pangyayari at babalik na siya ulit sa pag-aaral at sa sariling boarding house niya. Mas madalas ng walang makakasama ang mommy niya. Dapat pala makausap niya ang Lolo niyang ex-mayor at ang lola niya para may makasama ang mommy niya sa bahay.Ang mommy na lang niya talaga ang magiging inspirasyon niya sa kanyang pag-aaral at tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa sa pagmamahal ng isang ama. Inisip na lang ni Karl na may mga anak na pinalaki ng single mother. Inisip niyang mas lamang siya sa mga 'yun dahil may Daddy naman siyang nagisnan hanggang sa lumaki siya. Dahil na din sa mga payo ng mga nakiramay at sermon ng pari, naiibsan ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng ama.

Maagang nagising sila Karl at Cecille dahil ginising sila ni Mang Carlos upang sabihing may bisita sila. Natanaw agad ni Cecille ang mga kapitbahay nila na hindi nakapunta sa burol o sa libing ni Lukas.

"Mam, good morning po. Narito po 'yung mga ibang samahan po. Ibibigay din po namin 'yung naging abuloy po. Pasensya na po mam at napakaraming tao daw po sabi nu'ng isang kapitbahay nating nagpunta po doon." sambit ng isang mother leader.

"Karl, pagtimpla mo sila ng kape saka juice bahala na sila mamili." si Cecille.

""Tulungan na kita Karl." boluntaryong sabi ng isang kasama pa ng mga dumating.

""Salamat po. Saka po may mga tinapay at palaman diyan, palabas na din po du'n sa may garahe. Ate pasabi po sa nasa labas ipagitna po 'yung mesa para makapaghain po du'n." sabi ni Cecille.

"Mam Cecille, nagpaplano po ang mga samahang binuo dati ng daddy n'yo na --- na kayo daw po ang patakbuhing mayor dahil po sa pagkakawala ni vice." sabi ng isang health worker.

"Naku ate, wala akong alam sa ganyan. Wala akong alam sa pulitika. Saka sila daddy ang kausapin n'yo kapag tungkol sa ganyan." sagot ni Cecille.

"Ako nga ang pinatatakbo ni Daddy eh."

"Doreen?" gulat ni Cecille.

"Mam Doreen, payag na po ba kayo sa sinabi ng Daddy n'yo?" may pananabik na tanong ng isang naroroon.

"Yan din ang pinag-usapan namin kanina sa bahay nila mommy at daddy. Pag-iisipan ko pa po. Tingnan po natin kung kakayanin po." sagot naman ni Doreen.

Mula sa umpukan nila Doreen at Cecille ay mabilis agad kumalat hanggang sa mga taong nasa tabi ng gate ang nasabi ni Doreen na siya ang patatakbuhing mayor ng daddy niya.

"Oh ayan na pala ang meryenda. 'Yung gustong mag almusal, ayan may kape din." sabi ni Cecille.

Lumabas muna ng bahay sila Doreen at Cecille upang harapin ang mga kababayan nilang naroroon na nakikiramay pa din at nagpapakita ng kanilang patuloy na pagsuporta. Hanggang sa isa-isa ng nagpaalam ang mga ito.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon