Pagkaraan ng tagpong iyon ay nagpaalam muna si Cecille kay Arnold na susuporta muna siya kay Doreen sa pagtakbo nito bilang mayor na inayunan naman ni Arnold.Naging abala sa pangangampanya si Cecille para sa kanyang hipag habang inaayos naman ni Arnold ang titulo ng lupa nila sa iniwan nilang maliit na lote sa San Isidro. Plano din niyang bilhin ang bakanteng lote sa tabi ng dati nilang bahay. Nais niyang patayuan 'yun ng isang malaking bahay para sa kanilang mag-anak kasama ang mga magulang ni Arnold at aamukiin niya si Cecille na ibenta na din ang lote ng mga magulang nito at patayuan ng maliit na bahay ang mga magulang ni Cecille katabi ng bahay nila. Kasama din sa plano niya, na ang naipundar niyang bahay sa Manila ay magiging uwian nila ni Karl kapag weekdays, kapag duty niya sa ospital at kapag may pasok si Karl.
Makalipas ang isang buwan ay naging matagumpay ang pagtakbo sa pulitika ni Doreen. Siya na ngayon ang bagong punong-bayan ng San Isidro.
"Doreen, este Mayora, hihingi sana ko sa 'yo ng tulong eh." si Cecille.
"Si ate naman, kapag tayo-tayo lang Doreen pa din tawag mo sa 'kin. Ano ba 'yun ate?" tanong ni Mayor Doreen Valentin Bautista.
" Di ba naikwento ko sa 'yo minsan na nagkakamabutihan na ulit kami ni Arnold. Magpaalam sana ko sa 'yo saka sana tulungan mo din kaming magsabi kila Mommy at Daddy." pakiusap ni Cecille.
"Ate, you deserved to be happy." tanging sinagot ni Doreen.
Makalipas ang isang buwan ay lumapit sila Arnold at Cecille sa mag-asawang Juancho at Lillia na tinulungan naman ni Mayor Doreen na magsabi ang mga ito. Hindi naman nagdalawang-isip ang mga matatanda na hayaan sila at ibinibigay pa nito ang bahay nila Lukas at Cecille para sa kinilalang apo na si Karl at inalok silang duon na manirahan.
Hindi naman tinanggihan nila Arnold at Cecille ang alok na 'yun pero desidido pa din si Arnold na magpatayo ng kanilang sariling bahay at ang bahay na binigay nila ex-mayor ay nakalaan kapag nagkapamilya na ng sarili si Karl. Pansamantala ay sa Maynila nanirahan sina Arnold at Cecille kasama si Karl at kumuha sila ng tao na laging titingin at kikilos sa mga pangangailangan ng mga magulang ni Cecille.
Ang lihim ng pagkatao ni Karl ay hindi na isiniwalat ni Cecille at Doreen dahil gaya nga ng sinabi ni Mayor Doreen, may tamang panahon na ang lihim ay nangangailangan ding ibunyag kung kinakailangan.
Makalipas pa ang dalawang buwan...
"Mahal.." si Cecille.
"Oh bakit mahal may problema ba?" tanong ni Arnold. Dahil sa narinig niyang tono ng pagsasalita ni Cecille ay naisip niyang may pag-aalala ito.
"Mahal natatakot ako." may pangamba sa salita ni Cecille.
"Ha? Ano naman kinatatakutan mo Mahal?" nagtatakang tanong ni Arnold.
"M-mahal kasi ano... buntis ako. Kakayanin ko pa ba mahal na manganak?" sabi ni Cecille.
"Ha? Buntis ka mahal? Magiging tatay ulit ako? Magiging Kuya na si Karl? Yahoo. Hooh.." sigaw ni Arnold ng marinig ang sinabing pinangangambahan ng babaeng nagbigay muli ng kulay sa kanyang mundo kahit hindi pa huli ang lahat.
❤❤******************❤❤
Maraming salamat po sa inyong pagbabasa.
Ryan de Lara
BINABASA MO ANG
Till Next Time
Художественная прозаKung hindi ka naging masaya sa buhay mo dahil hindi mo nakatuluyan ang totoong mahal mo, may pag asa pa kayang lumigaya ka?