Part 40

558 30 26
                                    


"Hello Ate Cecille?" si Doreen nang tumawag ito sa cellphone.

"O Doreen!" sagot naman ni Cecille.

"Ate nag-file na 'ko ng leave sa trabaho next month. Ilang araw after ng death anniversary ni Kuya start na ng campaign period. Suportahan mo 'ko ha." pakiusap ni Doreen.

"Oo naman Doreen. Marami na 'kong mga grupo at samahan na nakausap. Nagkaroon na kami ng mga meetings nitong mga nakakaraan kaya marami ang tutulong." sagot ni Cecille.

"Kinakabahan na ko ate."

"Kaya natin 'yan. Basta pray lang tayo lagi."

"Kamusta ka na nga pala saka si Karl?"

"Okay naman kami. Si Karl board exam na para makapagtuloy-tuloy na siya sa medicine. Naku, gusto nga sumama sa kampanyahan sabi ko maiintindihan ka na ng Tita Doreen mo. Unahin n'ya na lang 'kako ang pagre-review."

"Naku oo nga ate. Loves na loves talaga 'ko ng pamangkin ko na 'yan. Tawagan ko siya minsan ate. Basta ate ha. Saka uuwi naman kami d'yan sa death anniv ni Kuya then mag i-stay na ko d'yan kila Daddy saka 'yung mga bata. 'Yung mister ko pauwi-uwi na lang daw siya pag weekend."

"Ah sige Doreen. Usap tayo ulit para makaharap mo na 'yung mga magiging coordinators natin saka 'yung mga campaign managers mo."

"Sige ate Cecille salamat sa effort mo ha."

"Naku saka ka na magpasalamat kapag nag victory party na tayo."

"Haha. 'Yan ang gusto ko sa 'yo eh. Positive vibes lagi."

"Siempre naman. Sa positive tayo. Haha."

"Thank u ate. Sige."

" Sige bye." palaam ni Cecille.

"Bye ate." si Doreen.

Magaan ang katawan ni Cecille sa bawat araw na pakikipag-usap sa mga taong tutulong para sa kanyang hipag sa kandidatura nito. Hindi siya nagpapabaya sa kanyang itsura at pananamit sa tuwing may bibisita sa bahay niya dahil alam niya isang araw ay maaaring surpresahin na naman siya ni Arnold sa pagbisita nito. Nais niyang makita ni Arnold ang pinagbago niya.

Dahil nakita niya si Arnold na mukhang hindi pa din ito tumatanda, gumawa din siya ng paraan para hindi siya maging alangan dito. Natuto siyang maglagay ng kung anu-anong cream sa mukha bago matulog. Kumakain na siya ng ayos at sinasamahan pa niya ng ehersisyo. At nakikita naman niya na may mga pagbabagong naidulot sa kanya ang mga ito.

Samantala, nag-uusap na palagi sila Arnold at Karl para sa kanilang mga plano.

Tinanggap na ni Karl sa sarili niya na isang araw ay mag-aasawa muli ang kanyang ina. Maaaring 'yun na ang pinakamalaking ganti na magagawa niya sa kanyang ina sa kabila ng maraming sakripisyo, paghihirap at kalupitang dinanas nito. Panahon na para ang mommy naman niya ang maging masaya at ang kanyang Daddy Arnold ang sagot sa lahat ng 'yun.

Dumating ang araw ng anibersaryo ng kamamatayan ni Lukas. Nag-alay ng misa ang pamilya Valentin bilang paggunita sa pagkamatay ni Lukas na dinaluhan ng mga kamag-anak, kaibigan at ng mga taga-suporta ng mga Valentin. Nagkaroon ng pagkakataon si Doreen upang pasalamatan ang mga nagsidalo sa misa at nag-imbita ito ng maliit na salo-salo sa kanilang bahay. Pagkakataon din niya 'yun upang makita siya o makilala ng ibang taong bayan. Simula ng pagiging visible niya sa anumang okasyon sa bawat barangay o anumang pagtitipon.

Matapos ang misa ay tumungo na sa sementeryo ang pamilya Valentin upang dalawin ang puntod ni Lukas. Nakaalalay si Karl sa kanyang Lolo Juancho at asawa naman ni Doreen ang nakaalalay kay Mam Lilia. Karga ni Cheche ang bunso niya at akay naman ang panganay niya ng asawa niya. Akay din ni Dixie at ng asawa niya ang dalawa nilang anak. Habang papalapit sa puntod ay nagkatabi sa paglalakad sila Cecille at Doreen.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon