Part 22

340 17 0
                                    

"Yan pa din ba hilig mo?" si Arnold ang unang nagtanong ng nasa mesa na sila.

"Oo, ikaw ba?" balk na tanong ni Cecille.

"Oo naman. Makakalimutan ko ba naman 'to? Ikaw lang malilimutin eh." sagot ni Arnold na hininaan ang huling sinabi.

"Ano kamo?" tanong ni Cecille bagamat narinig niya 'yun kahit mahina pa pagkakasabi ni Arnold.

"Wala. Tumatanda ka na talaga. Humihina na din pandinig mo." pabirong sagot ni Arnold ng nagsimula na itong sumubo.

"Bakit ikaw lang?" dugtong na tanong ni Arnold.

"Kumain daw sila bago nagpunta dito." sagot ni Cecille na nagsimula na ding kumain.

"Yun ba si Karl, 'ung anak mo?"

"Ah o-oo. Si Karl 'yun. Binata na noh." bahagyang naudlot ang pagnguya ni Cecille.

"Pogi nga eh. Mana sa inyo ni Lukas." nakangiting puri ni Arnold.

Pilit na ngiti lang ang isinagot ni Cecille.

"Bakit naman isa lang ang naging anak n'yo,ang yaman-yaman ng mga Valentin?" tanong ulit ni Arnold.

Hindi pa din sumagot si Cecille. Naiilang siya sa mga tanong ni Arnold at hindi iyon ang tamang lugar at oras para sabihin niya dito ang totoo. Imbes na sagutin niya ay iniba niya ang tema ng kanilang usapan.

"Arnold, diretsahin mo nga ako. May pag-asa ba si Lukas?" seryosong tanong ni Cecille.

Napansin ni Arnold na hindi sinagot ni Cecille ang tanong niya at sumeryoso ang mukha nito. Uminom muna siya ng tubig bago sagutin ang tanong ni Cecille.

"Magiging honest ako sayo Cecille ---"

Napansin ni Cecille na seryoso talaga si Arnold sa sasabihin nito dahil nahalata niya sa mukha nito.

"Alam mo Cecille ang pinagdaanan ko sa mga kamay ng mga Valentin. Kung gusto ko gumanti, kanina pa patay si Lukas. Sa sobrang daming tumapon na dugo sa kanya, halos wala ng oxygen sa ulo niya, buti naagapan agad. Saka ginawa ni Dr.Deogracias ang lahat. Tatapatin kita, milagro na lang ang makakatulong Ma...este Cecille."sabi ni Arnold.

Sa narinig na naudlot na tawag sa kanya ni Arnold, pakiramdam ni Cecille ay namula siya. Naalala pa pala nito ang tawagan nilang Mahal dati. Pero mabilis na bumalik ang isip niya sa sinabing sitwasyon ni Lukas.

"Pero may mga cases na nakaka-survive sng pasyente. Kapag gumaling agad yung ni-repair ni Dr.Deogracias na tissue sa gilid ng puso ni Lukas at rumesponde ang utak niya then he will survive, pero gaya nga ng sabi ko sa 'yo, napakadalang na case yung ganu'n. Alam mo ba na gahibla na lang  ng buhok ang pagitan eh sapul na ang puso niya? Hindi n'yo na siya madadala dito. Hindi na siguro tayo magkikita." pagkasabi nu'n ay sumubo ulit si Arnold pero nanatiling nakatingin kay Cecille.

Ayaw bigyan ni Cecille ng kahulugan ang huling sinabi ni Arnold. Mas gusto muna niyang alamin ang sitwasyon ni Lukas.

"Pwede ba 'ko magtanong Cecille?Kung okay lang?" si Arnold matapos kumain at lumagok ulit ng tubig.

Iniisip ni Cecille kung papayagan ba niyang magtanong si Arnold dahil parang hindi tama sa sitwasyon kung tungkol sa kanila ang itatanong nito. Sa isang banda naman ay may pananabik siyang malaman kung ano ang itatanong nito at mas nanaig nga ang pananabik pero hindi niya ito pinahalata.

"A-ano 'yun Arnold?"

"Okey ba kayo ni Lukas? I mean, n-naging masaya ka ba sa kanya?" Hindi kumukurap si Arnold sa pagkakatanong niya nu'n.

Dahil hindi pa tapos kumain, ginawang dahilan ni Cecille ang pagnguya habang nag-iisip ng isasagot kay Arnold pero hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon