Part 21

336 21 0
                                    


Hindi agad nakapagsalita ang sinuman sa kanila at mas hinintay nila ang sasabihin ng doktor. Napansin agad ni Arnold na dumami ang nasa labas na naghihintay at una niyang nakita agad ang asawa ng ex-mayor.

"Mayora." bati ni Arnold at niyakap niya agad ang asawa ng dating mayor.

"Arnold ikaw ba talaga 'yan? Ikaw na ikaw nga. Parang walang nagbago ah. Arnold kamusta lagay ni Lukas?" mas interes ni mayora malaman ang kalagayan ng anak.

"Si Dr. Deogracias po ang kasama ko po sa OR kanina, cardiac surgeon po siya. Siya po mag-explain sa inyo. Hi Doreen." pakilala ni Arnold sa kasamang doktor sabay bati kay Doreen at kinamayan ito.

"Nagtulong po kami ni Dr. Gatbunton sa operation po ng pasyente. Gaya po ng nasabi ni doc, ako po ang in-charge  sa vitals n'ya, especially the heart. Ang good news po ay narecover po natin o naagapan po natin ang blood loss n'ya, marami pong nawalang dugo sa pasyente. The bad news, actually not so bad, he is unconscious up to now. May tissue po sa heart nya na na-damage po ng bullet. So iyon po ay nakaapekto ng circulation o pag-pump po ng dugo na papunta sa brain o sa utak natin. So nirepair po natin 'yung tissue na 'yun para po manumbalik ung flow po ng blood  vessels  niya." paliwanag ni Dr. Deogracias.

"So ano ibig sabihin doc?" si Mam Lilia ang agad nagtanong habang tutop nito ang dibdib.

"He has a little chance to survive, for the meantime, we'll put him on ICU. Kapag hindi po siya nagising within 24 hours, it may lead to coma." dugtong ni Dr.Deogracias.

"Oh my God!" napayakap bigla si Mam Lilia kay Doreen.

Gulat naman ang reaksyon ng mag-inang Cecille at Karl.

"Gawin n'yo lahat ng magagawa n'yo. Arnold, gamutin mo naman si Lukas. Sulitin mo naman 'yung ginastos ko sa 'yo. Ngayon man lang eh mapakinabangan kita." pasigaw na sabi ni ex-mayor

Nagulat si Dr. Deogracias sa naging reaksyon ng kaharap. Napatingin ito kay Arnold na parang nagtatanong kung ano ang sinasabi ng matanda sa harap niya.

Nahalata ni Arnold ang tingin sa kanya ng kasamang doktor at nakaramdam siya ng pagkapahiya dito. Magsasalita na sana siya ng humirit ulit ang dating alkalde.

"Sabihin n'yo kung magkano magagagastos. Babayaran ko agad, basta pagalingin n'yo, buhayin n'yo ang anak ko." sigaw muli ni ex-mayor habang dinuduro ang dalawang doktor.

Napansin ni Cecille na napapahiya ang dalawang doktor pero pinipilit nitong maging kalmado sa sitwasyon. Nilapitan niya agad ang biyenan na lalaki dahil inaalala din niya ito na baka mapaano sa sobrang galit at maaaring nerbiyos  na nararamdaman para sa anak na si Lukas.

"Daddy, relax ng konti. Baka mapano ka niyan." alo si Cecille.

"Mayor, mayora, ginagawa po namin lahat po ng aming makakaya. Nagawa na po ni Dr. Deogracias 'yung dapat po niyang gawin subalit sadya pong malapit sa puso niya 'yung bala na tumama kay Lukas." malumanay na paliwanag ni Arnold.

" Chance of survival doc?" tanong ni Doreen kay Dr. Deogracias.

"40/60" diretsong sagot ni Dr.  Deogracias.

"Oh my God! Diyos ko si Lukas ko." napahagulgol si Mam Lilia sa narinig.

Napatakip ng bibig si Doreen. Napayakap ito sa ina at napaiyak din.

Napahawak naman sa dibdib si ex-mayor na pakiramdam niya ay nanikip ang kanyang paghinga sa narinig.

"Daddy!" agap agad ni Cecille.

"Mayor!" si Arnold na umakmang aalalay.

"Gusto kong makita ang anak ko." sagot ni ex-mayor.

"Pagkalipat na lang po niya ng ICU. Samahan po natin ng dasal na magising po siya mamaya. We'll be monitoring his conditiom time to time, so excuse po. Doc, mauna na ko, sa clinic lang ako." paalam ni Dr. Deogracias.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon