Part 26

336 20 0
                                    

"Saan ka na naman ba galing Cecille?Alam mong wala kaming lahat sasabayan mo din ng alis eh paano kung may humanap na doktor? Sino ang haharap? Kung magising si Lukas, sino makikita niya? de wala." galit na turan ni ex-mayor ng datnan na ni Cecille sa labas ng ICU katabi si Doreen at Karl. Samantalang nasa loob si Mam Lilia sa tabi ni Lukas.

"N-nag-CR lang po ako Daddy." sagot ni Cecille.

"Nag-CR? Eh tagal mo ng nag CR kanina CR ka na naman ngayon." si ex-mayor.

Nakatingin lamang si Doreen at Karl kay Cecille. Hindi na nangatwiran pa si Cecille sa biyenan dahil alam niyang wala siyang katwiran sa matanda at hahaba lang ang usapin.

"Cecille, parang gusto ko na yatang maniwala kay hepe dahil sa nakikita kong mga kilos mo.Isa ka sa mga pinagsusupetsahan sa pagkabaril kay Lukas." dire-diretsong pagsasalita ni ex-mayor na galit pa din.

"Huwag mong piliting maniwala ako Cecille." Saan ka ba punta ng punta talaga ha? Tinaon mo pa talagang wala kami ha. Baka naman nakikipagharutan ka pa nga kay Arnold hanggang ngayon. Mahiya ka naman sa sarili mo, sa amin saka sa anak mo, lalo na sa asawa mong wala pa ding malay hanggang ngayon. Napapansin kita kanina ka pa. Hindi ka mapalagay sa kinalalagyan mo simula nung makita mo 'yun. Matatanda na kayo baka akala nyo eh mga  teen-ager pa kayo. Walang malay ang asawa mo tapos sasamantalahin mo ang pakikipaglandian sa Arnold na 'yun. Sinasabi ko lang sa 'yo Cecille. Tiyak na kukunan ka ng statement ni hepe Cecille, hindi lang kita maharap ng maayos at inaaala ko 'tong si Lukas pero nagpapahalata ka naman masyado." walang pasubaling pagsasalita ni ex-mayor kay Cecille.

Pahiyang-pahiya si Cecille sa lahat ng sinabi ng biyenan niya. Napapatingin siya kay Doreen pero sa tingin niya ay hindi naman kagaya ng nasa saloob ng biyenan niya ang tingin sa kanya ni Doreen pero nahihiya pa din siya sa mga binitiwang salita ng biyenan niya na narinig ni Doreen. Nagulat naman si Karl sa mga narinig, pilit nitong iniintindi kung anung ibig sabihin ng kanyang lolo sa mga sinabi nito sa kanyang ina.

Bagama't alam na niya na suspect siya ay nagkunwari siyang inosente.

"Bakit naman pati po ako eh naging suspect?" tanong ni Cecille.

"Saka tayo mag-usap Cecille ha." patingin-tingin si ex-mayor kina Karl at Doreen na parang pigil na pigil ito sa gustong sabihin at ayaw lang nitong marinig ng dalawa.

"Ang intindihin mo eh 'yung asawa mo, hindi 'yang kung sinu-sino iniintindi mo." madiin na sabi ng kanyang biyenan.

Pakiramdam ni Cecille ay bigla siyang lumiit sa mga paratang na sinabi sa kanya ni ex-mayor. Hindi na siya makatingin kay Doreen at sa kanyang anak. Naiiyak siya sa ginawa nitong pambabastos sa kanya sa harap ng anak niya.

"Doreen, baka pwedeng mag-request ng ibang doktor o baka pwedeng 'wag palapitin kay Lukas 'yang Arnold na 'yan. Baka may masamang plano pa 'yang mga 'yan sa kapatid mo. Tawagan mo nga iba mong kapatid para may kasalitan ka dito. Mahirap ng magtiwala. Sige Cecille kung hindi ka pa tapos sa gagawin mo eh humayo ka. Marami kami dito." sabi ni ex-mayor na tinapunan pa ng mabalasik na tingin si Cecille bago tuluyang pumasok ito sa loob ng ICU.

Napaiyak si Cecille pagkapasok ng biyenan niya sa ICU, sinulayapan niya ito sa salamin at nakita niyang parang sinasabi nito sa asawa ang kakatapos lang na nangyari. Hindi naman pinahalata ni Doreen na napansin niya ang pag iyak ni Cecille kaya't naglakad-lakad ito habang nakatingin at nagpipipindot sa phone nito. Nanatili si Karl sa kanyang kinatatayuan. Baanag sa mukha nito ang awang nararamdaman para sa ina at nanatili pa din sa mukha nito ang pagtataka at pagtatanong.

Lumayo muna si Karl sa ina para hayaan itong mapag-isa dahil batid niyang napahiya ito sa kanila.

Alam ni Doreen ang lahat ng tungkol kay Kuya Lukas niya, kay Ate Cecille niya at kay Arnold dahil teen-ager na siya nu'ng panahon na 'yun. Hindi lang siya sigurado at hindi na niya inalam kung paano nagkahiwalay si Arnold at ang hipag niya, at ang nakatuluyan nga ay ang Kuya Lukas niya. Ganumpaman, nakikita naman niyang normal lang ang kilos ng dalawa nang magkita ang mga ito. Maaaring dahil lamang sa sobrang pag-aalala ng Daddy niya kay Lukas kaya naging taklesa ito sa pagsasalita.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon