Part 30

354 22 6
                                    


Kagaya ng unang stroke ni Lukas, muling ginawa ang uri ng paggagamot ng mga doktor. Hindi naman malaman ni Cecille ang gagawin, kahit malayo siya ng bahagya sa kutson ni Lukas ay nakikita niya lahat ang ginagawa ng mga doktor. Nakikita niya ang mga biglaang pagkilos ng katawan ni Lukas at para itong matigas kapag bumabalik. Ayaw niyang gumawa ng anumang ikapapansin ng mga doktor kaya't siya na mismo ang nag-desisyon na lumabas ng ICU.

Sa labas ay nakadungaw pareho sila Doreen at Karl sa bintana upang tingnan ang nangyayari. Halos marinig na nila ang kabog ng dibdib ng isa't-isa. Siya namang dating nila Dixie at Cheche na biglang nagmadali dahil nakita ng dalawang magkapatid ang kilos ng mga nakasilip sa bintana na mukhang may nangyayaring hindi maganda.

"Bakit ate?" humihingal na tanong ni Dixie.

"Si Kuya nag-stroke ulit." kabadong sagot ni Doreen.

"Tita." simpleng bati ni Karl sa dalawang tiyahin dahil abala din ito sa pag-antabay ng anumang mangyayari sa loob ng ICU.

Nakita nilang nag si-CPR muli ang doktor gaya kanina subalit mas matagal ang ginagawa nito ngayon. Nakaantabay silang lahat sa monitor. Sa mga linyang gumagalaw. Nakikita pa nila ang patuloy na pagzigzag nito pero paliit ito ng paliit. Kapagdaka'y dumiretso ang linya at hindi na muli ito nag-zigzag .

Lumayo si Karl sa bintana. Napatakip ng bibig si Cecille, napayakap naman si Dixie at Cheche kay Doreen. Nakita pa nilang tinanglawan ng parang maliit na flashlight ang idinilat na mata ni Lukas. Pinulsuhan--- muling pinulsahan. Pinakinggan ang heartbeat. Nagpatuloy ang linya sa pagkakadiretso nito. Hindi nakawala sa paningin nila na nagkatinginan ang dalawang doktor at umiling-iling sa  isa't-isa.

Mula sa loob ng ICU ay tumingin sa kanila si Arnold. Malungkot ang mukha nito at gaya ng senyas nito sa isang doktor, iniling din nito ang ulo. Wala na si Lukas.

Nanlaki ang mga mata ni Doreen, parang nanigas ang kanyang mga panga sa pagkakanganga ng bahagya. Napaurong ito kasama ang mga kapatid na nakayakap sa kanya. Nagsimulang mag-iyakan sila Dixie at Cheche. Hindi pa din makakilos si Doreen, humawak siya sa magkabilang likod ng mga kapatid dahil pakiramdam niya ay bubuwal siya.

"Ate, si Kuya." palahaw ni Cheche.

Mula sa pagkakanganga ay nangatal ang bibig ni Doreen. Nakaipon na ang mga luhang gusto ng bumagsak sa kanyang nanlalaki pa ding mga mata. Hanggang sa nagsimula ng magbagsakan ang kanyang mga luha.

"K-kuya. K-kuyaaaaa." at parang noon lang nagbalik sa sarili si Doreen.

Napayakap siya sa mga kapatid na humahahugulgol sa magkabila niyang balikat.

Si Karl agad ang naisip ni Cecille, wala ito sa kanyang tabi. Luminga siya at nakita niyang nakasalampak si Karl at nakatukod ang ulo nito sa mga tuhod niya. Hindi kinaya ni Cecille makita ang anak sa ganoong sitwasyon. Tinakbo niya ito sabay luhod at yakap sa anak.

"Mommy .Mommy, iniwan na tayo ni Daddy." bungad ni Karl sa ina. "Mommy 'di ba si Daddy pa sasama sa graduation ko?"

"Mommy, ang daya naman ni Daddy... Hindi pa nga niya 'ko nasasamahan iniwan na 'ko ni Daddy." patuloy na pagtangis ni Karl.

Pinakamasakit para kay Cecille ang makitang paghihinagpis ng anak..
Hindi niya alam kung paano patatahanin ito. Parang gripo ang mata niya sa pag-agos ng luha sa mga mata niya habang parang musmos na kumakasat sa sahig si Karl.

"Anak, n-nandito naman si mommy." tanging nasabi lang ni Cecille.

Naitawag na ng nurse sa ibang attendants ang pangyayari at kailangan ng ilipat sa morgue si Lukas. Paalis na ang dalawang doktor at huminto ito sa mga kaanak ni Lukas.

"I'm sorry po. Hindi na po kinaya ng pasyente ang second stroke niya. Hindi na po nag-pump ang puso niya due to blood clot. Ginawa po namin ang lahat. Sorry, excuse po. Mauna na ko doc." paliwanag ng isang doktor bago nagpaalam kay Arnold.

Nakikinig man ang magkakapatid ay patuloy sa pag-iyak ang mga ito.

"Ginawa namin ang lahat Doreen, Cheche, Dixie. I'm sor---" sabi ni Arnold.

Hindi pa nakakatapos si Arnold magsalita ay tumayo si Karl at mabilis itong sumugod sa harap ni Arnold.

"H-hindi mo pinagaling ang Daddy ko Tito Arnold. Napakaramot mo. Alam mo bang hinihintay pa ni Daddy 'pag graduate ko ha. Pero hindi na niya makikita 'yun Tito. Siguro tama ngang may galit ka pa sa Daddy ko. Pero sana nga hindi mo pinersonal." may galit sa boses ni Karl habang umiiyak ito.

"Karl..." napamaang si Arnold sa tinuran nito.

"Alam mo ba kung ano ginawa mo ha. Tinanggalan mo ko ng Daddy . Nu'n pa lang ako mapapansin ni Daddy eh, nu'n pa lang." patuloy na pagtangis ni Karl.

"Anak---" awat ni Cecille kay Karl habang yakap ito sa likod.

"I'm sorry Karl." tuluyan ng iniwan sila ni Arnold. Naglakad ito na mabigat ang bawat hakbang.

Bakit tumatagos sa puso niya ang sakit na nararamdaman ni Karl sa loob-loob ni Arnold. May mga pasyente na din siyang namatayan pero hindi pa niya naramdaman ang awa na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang yakapikln si Karl upang mabawasan ang nararamdamang sakit nito. Bakit siya naiiyak? Bakit gusto niyang balikan si Karl  at yakapin at sabihing tumahan na ito. Hindi maintindihan ni Arnold ang kanyang nararamdaman. Dumukot siya ng panyo upang punasan ang luhang pumatak sa kanya habang siya ay naglalakad.

Dalawang attendant ang may dalang stretcher upang kunin na ang katawan ni Lukas. Pinagmamasdan nila ito habang inililipat ng dalawang lalaki sa stretcher nitong dala, matapos ay tinalukbungan.

Pagkalabas n pagkalabas pa lang ng pinto ay sinalubong na agad 'yun ni Karl. Inasog ng bahagya ng dalawang attendant ang dalang stretcher upang hindi makabara sa pintuan ng ICU. Tinanggal ni Karl ang nakatalukbong na kumot sa gawing mukha ni Lukas at niyakap agad ito.

"Daddy. Daddy. Yakapin mo naman ako daddy oh."

Pilit kinukuha ni Karl ang mga braso ni Lukas na wala ng buhay at iniyayakap sa kanya.

"Daddy higpitan mo naman ang yakap mo oh. Kahit ngayon lang Daddy."

Kalunos-lunos ang itsura ni Karl na siyang lalong nagpaiyak sa mga Tita at mommy niya.

"Daddy promise hindi na 'ko mangungulit sa 'yo, saka hindi na kita sasagutin. Daddy. Daddy." hindi maawat na palahaw ni Karl.

At dahil sa inip na ay sumunod ang mag-asawang Juancho at Lilia na sinamahan ng tauhan ni ex-mayor .Malayo pa lang ay naririnig na nila ang mga palahaw. Hanggang sa napalapit sila at nakita ang mga kaanak na siyang nag-iiyakan.

"Why? Anong nangyari?" nangangatog ang boses na tanong ni Mam Lilia.Punung-puno ito ng pangamba.

"Doreen, 'wag mo sabihin sa 'king si Lukas 'to." nanginginig na boses ni ex-mayor.

Patuloy sa pag-iyak si Karl na nakayakap pa din kay Lukas.

Nang mapalapit pang bahagya ang mag asawa ay sinalubong na agad ito ng magkakapatid.

"Diyos ko. Lukas, anak ko." biglang tangis ni Mam Lilia sa anak.

Inalalayan naman agad ni Cheche at Dixie ang kanilang ina.

Nilapitan naman ni Doreen ang ama at inalalayan papalapit sa nakahigang si Lukas. Nang makita ni Karl ang Lolo niya ay tumayo ito at yumakap sa kanyang Lolo. Sa unang pagkakataon ay bumagsak ang luha ng dating mayor. Tahimik lang ito pero makikita mo ang paghihinagpis at lungkot sa mukha nito.

"Lolo, wala na po si Daddy." si Karl habang nakayakap sa kanyang Lolo.

"Si mommy." sigaw ni Dixie.

Hinimatay si Mam Lilia na sinaklolohan agad ng mga nurse na naroroon. Pansamantala itong iniupo sa bench malapit sa ICU. Matapos bigyan ng first aid ay muling nanumbalik ang ulirat nito.

Sumama ang buong pamilya sa paghatid kay Lukas hanggang sa morgue.

Samantala, hindi mawala sa isip ni Arnold ang itsura ni Karl ng hinarap siya nito. May galit sa mata ni Karl at punung-puno 'yun ng emosyon. Bakit parang ang daming dinadala ng batang 'yun sa loob-loob niya at bakit nakaramdam siya ng awa dito?

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon