Part 36

352 19 0
                                    


Matapos ang kanilang hapunan ay umakyat na agad si Karl hindi upang matulog kundi para ipagpatuloy ang kanyang pamagmuni-muni sa mga bagay na natuklasan niya. Alam niyang wala namang masasabing close friend ang mommy niya para mapaglabasan nito ng mga problema niya dahil hindi naman ito palalabas ng bahay dahil binawalan ng Daddy niya. Tiyak naman ni Karl na lalong hindi magsasabi ang mommy niya ng mga saloobin nito sa mga asawa din ng pulitika na nakakasalamuha nito. Inunahan na din ni Karl ang sarili na hindi na sabihin sa Mommy niya ang nalaman niyang istorya nito sa mga lolo at lola niya dahil alam niyang hindi naman ito mag o-open sa kanya ng tungkol doon... dahil mahihiya ang mommy niya sa kanya lalo na kapag nalaman niya na hindi pala mahal ng mommy niya ang daddy niya nang pinakasalan ito. Natatakot si Karl na baka mauwi sa depression ang nangyayari sa mommy niya at marami na siyang nabasa at nabalitaang kaso na kagaya nu'n... na tahimik lang, pero may kinikimkim pala sa loob nito. Kaya kahit nasa Maynila siya at may oras rin lang, hindi siya nakakalimot na kausapin ito sa phone para kamustahin lagi ang mommy niya.

"Mommy tingin ko kailangan mo ng magpa check-up." sabi ni Karl ng minsang nasa bahay siya at nakita niyang parang nahihilo ang kanyang Ina.

"Wala 'to Karl. Isang inom lang ng gamot tanggal 'to. 'Wag mo  'kong masyadong iniintindi Karl." sagot naman ni Cecille na nuon ay nagluluto habang pinapanuod ni Karl sa kusina.

"I insist, after lunch punta tayo sa bayan mommy." sabi ni Karl habang pinagmamasdan ang ina na abala sa pagluluto.

"Okay nga lang ako anak. Hindi ko na kailangang magpa check-up. Alam ko naman sa sarili ko kung may sakit ako o wala." pilit kinukumbinsi ni Cecille ang anak na nasa maayos siyang kalagayan.

Subalit ng mga oras na 'yun ay nakakaramdam na si Cecille na matinding pangangasim ng kanyang tiyan. Pilit niya itong itinatago sa anak pero pakiramdam niya ay pinipilipit ang kanyang mga bituka kaya't napahawak siya sa kanyang tiyan.

"Mommy, bakit?" nang mapansin ni Karl ang mommy niya.

"Nagugutom... aargh... na siguro 'ko Karl, aah." sagot ni Cecille na hindi na niya maiwasang dumaing sa sakit.

Hindi na maiwasan ni Cecille na mamilipit sa sakit. Napayuko na siya habang ang dalawang kamay niya ay nakadiin sa tiyan niya.

"Mommy, mommy." si Karl nang makitang hindi na maipinta ang mukha ng mommy niya sa sakit nitong nararamdaman.

"Aaaaahh. Araaay..." daing ni Cecille.

"Yan na nga ba sinasabi ko sa 'yo mommy eh." inagapan agad ni Karl ang ina niya na baka mapaluhod pa ito sa sakit.

Pinatay agad ni Karl ang kalan at ikinawit nito ang braso ng mommy niya sa balikat niya upang alalayang maglakad hanggang sa garahe nila.

"Mang Carlos, pabukas po ng gate." mabilis na sabi ni Karl.

"Napa'no Mommy mo Karl?"tanong ni Mang Carlos na nagmamadaling magbukas ng gate.

"Biglang sumakit po ang tiyan eh.Dito lang po kami sa bayan. Mauna na po kayong kumain Mang Carlos." si Karl nang paalis na sila.

"Paanong sakit Mommy?" tanong ni Karl sa ina habang nagda-drive.

"Masakit talaga. aaargh... parang pinipilipit ang tiyan ko Karl. Araay.." sagot ni Karl.

"Baka hyper-acidity na yan o ulcer. Tsk tsk. Panay yata palipas mo ng gutom mommy eh." si Karl na palipat-lipat ang tingin sa kalsada at sa ina niya.

Hindi na sumagot si Cecille dahil sa sakit na nararamdaman.

Ilang saglit pa ay narating agad nila ang ospital at diretso agad sila sa doktor. Sinuri agad nito si Cecille.

Matapos check-upin ng doktor at sabihin ni Cecille ang nararamdaman ay binigyan agad ng gamot na paunang lunas sa nararamdamang sakit si Cecille.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon