Part 38

382 21 6
                                    

"Tito Arnold pwede bang pagdating ng bahay 'wag mong sasabihing pinag-usapan natin 'to?"

"Okay. Bakit naman?"

"Gusto ko lang isipin niyang kusang-loob 'yung pagpunta mo sa 'min."

"Eh pa'no 'yun, sabay tayong darating?"

"Sabihin ko na lang na nakita mo ko sa bayan na naghihintay ng tricycle... nadaanan mo ko. On the way ka sa 'min. Ayun. Ganun."

"Sige."

"Magagalit pa sa 'kin 'yun 'pag nalaman nu'n na pinilit pa kita."

"Hindi mo naman ako pinilit ah."

"Parang ganu'n na din 'yun Tito. Oh sige inabala kita, 'yun siguro tamang salita 'dun."

"Hahaha. Hindi naman. Okay lang naman 'yun. May pinagsamahan naman kami ng mommy mo."

"Pansinin mo agad tito 'yung katawan niya. Payat niya po talaga ngayon. Mukha nga siyang may sakit."

"Sige Karl ako na bahala."

"Ang alam ko may subject kaming theater arts nung high school, baka magamit ko ngayon 'yung napag-aralan kong pag arte du'n." dugtong ni Arnold ng natawa ng malakas.

Habang nasa biyahe sila ay pinag-usapan naman nila ay ang tungkol kay Karl. Ang pag-aaral nito, kung ano gusto nitong specialization... pati na ang girlfriend ni Karl na si Claire ay napagkwentuhan din nila.

"Malapit na tayo Tito Arnold." sabi ni  Karl nang makita ang palantandaan malapit sa kanila.

"Okay. Basta kapag tungkol sa pag-aaral mo, tawagan mo 'ko. Baka makatulong 'yung mga nalalaman ko." si Arnold habang iginigilid na ang minamanehong kotse nito.

"Tito 'yung sinabi ko po ha." habilin ni Karl bago bumaba ng sasakyan.

Kumindat na lang si Arnold bilang sagot sa sinabi ni Karl.

Tumingin muna ulit si Arnold sa salamin at nagwisik ng kaunting pabango bago sumunod sa pagbaba ni Karl.

"Mang Carlos, mano po. Si mommy?" tanong ni Karl sa sumalubong at nagbukas ng gate na si Mang Carlos.

"Nandiyan sa loob, baka nasa kusina." sagot naman ng matanda.

Nagmano din si Arnold at sumunod na kay Karl pagpasok, bitbit ang mga biniling pasalubong.

"Mommy... Mommy..." si Karl habang hinahanap ang mommy niya.

"Para kang naliligaw ah." sagot naman ni Cecille.

"Mommy may bisita po tayo." sabi ni Karl at bago pa tanungin ni Cecille kung sino ang sinasabing bisita ni Karl ay kasunod na nito si Arnold na dumarating.

Nakaantabay si Karl sa magiging reaksyon ng mommy niya sa oras na makita nito ang kanilang bisita.

"Mommy si Tito Arnold po. Nagkita kami sa bayan." sabi agad ni Karl at tumingin agad siya kay Arnold. Kinindatan nya 'to na ibig sabihin ay siya naman ang magsalita.

"P-papunta talaga ko dito. Eh natanawan ko 'tong si Karl mukhang naghihintay ng masasakyan, madaming dalang gamit. Ah pauwe 'kako 'to. Kaya isinabay ko na." sagot ni Arnold at ibinalik niya ulit ang kindat kay Karl na parang sinasabing okay ba ang intro niya.

Nangiti si Karl nang makita niyang muling sumilay ang natural na ngiti sa labi ng kanyang ina at ang kislap na nagmumula sa mga mata nito.

"Naku  Karl bakit hindi ka kaagad tumawag, nakapagbihis man lang sana ko ng maayos." si Cecille na todo ang ngiti at pupunas-punas ng kamay sa suot niyang apron.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon