Part 10

371 17 0
                                    


Kumuha ng bedspace si Arnold at lingguhan ang magiging uwe niya. Mahirap sa kanya ang malayo dahil unang pagkakataon niya na mawalay sa pamilya at mapalayo sa kanilang lugar at malalayo din siya kay Cecille. Pero para sa pangarap niya ay titiisin niya ang lahat ng 'yun.

Regular na umuuwe ng weekend si Arnold sa unang buwan ng kanyang pag aaral at nagkakaroon sila ng pagkakataon ni Cecille na magkita at magka-usap.

"Kamusta naman ang buhay sa Maynila Arnold?" si Mang Delfin.

"Nasasanay na po kahit papano. Saka mas higpit po ng sinturon, ang mahal po ng pagkain du'n. Kaya madalas de-lata na lang po inuulam ko, dalawang beses ko pa naiuulam. "sagot naman ni Arnold.

"Naku kaya pagbubutihan mo. Sabi ko nga dito kay Cecille eh kayo lang na mga anak namin ang makakapag-ahon sa 'min sa kahirapan." si Aling Upeng.

"Iwan muna natin ang mga bata Upeng ng makapag-kwentuhan naman yang dalawa." sabi ni Mang Delfin sa asawa.

"O siya, ikaw na bahala Cecille. Pagkapehin mo si Arnold, may spanish bread pa yata tayo dyan." si Aling Upeng.

Natutuwa si Arnold dahil sa magandang pakikiharap sa kanya ng mga magulang ni Cecille subalit napansin niyang nagbago ang mga ito ilang buwan lang ang lumipas.

Lagi nilang sinasabi na may pupuntahan sila ni Cecille sa tuwing dadalaw siya ng sabado o kaya naman ay masama ang pakiramdam ni Cecille at hindi makabangon. Hindi naman niya masaktuhan na si Cecille ang makaharap niya sa pagpunta niya.

Nasagot ang mga tanong niya ng minsang dumalaw siya at datnan si Lukas sa bahay nito.

"Pasok ka Arnold. Ba't ngayon ka lang yata napasyal? Mukhang sobrang busy mo sa pag aaral." bungad sa kanya ni Cecille.

Napansin agad ni Arnold ang pumpon ng bulaklak at mga chocolates sa gilid ng inuupuan ni Cecille.

"Hindi naman. Mukhang ikaw ang laging busy." sagot ni Arnold sabay sulyap kay Lukas.

"Ehem. Ah, mauna na siguro ko Cecille. Aling upeng Mang Delfin ---" paalam ni Lukas.

Mula sa kwarto na dingding lang din na kahoy ang pagitan ay lumabas sila Mang Delfin at Aling Upeng.

"O iho, bakit naman nagmamadali ka?" si Aling Upeng.

"Lukas, magkape ka muna o kaya bibili muna ko ng de-bote kung gusto mo ng malamig na maiinom." si Mang Delfin.

"Cecille, pigilan mo muna si Lukas aba'y hindi pa nag-iinit ang puwet niyan sa upuan. "si Aling Upeng.

Hindi kumibo si Cecille sa sinabi ng ina.

"Naku 'wag na po kayo mag-abala, saka dadaanan daw po ako ng isang tauhan ni Daddy. Baka padaan na po 'yun. Sa susunod na lang po." magalang na sabi ni Lukas.

"Hindi ka na ba talaga papipigil iho?" si Aling Upeng na abot-abot ang istima kay Lukas.

"May mga susunod pa naman pong araw. Sige po tuloy na po ako. Sana po nagustuhan n'yo po 'yung mga dala ko." pahabol pa ni Lukas bago ito bumaba ng hagdanan.

Patuloy pa din ang habol ng mga magulang ni Cecille kay Lukas at hinatid pa ito hanggang kalsada. Hinintay pa nitong dumaan ang susundo kay Lukas bago bumalik ng bahay.

"Magandang hapon po, Mang Delfin, Aling Upeng." bati ni Arnold.

Imbes na batiin si Arnold ng mga magulang ni Cecille ay ang anak ang binalingan nito.

"Bakit naman Cecille hinayaan mong umalis agad yung anak ni Mayor? Hindi ka na nahiya. Paano kung magsumbong sa Ama niya 'yun? Hindi ka nag-iisip." galit ang tono ni Aling Upeng.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon