Malapit lang ang private hospital na pinagdalhan kay Lukas sa mismong kabayanan lang ng San isidro. Kinse minutos lang ang itinakbo ng ambulansiya hanggang doon.
"Emergency emergency." sigaw ng isang guard.
Mabilis namang lumalabas ang dalawang nurse na lalaki para tumulong sa pagbuhat ng stretcher.
Pagkababa ay halos itakbo ito kasunod naman si Cecille.
"Ano pong nangyari?" tanong ng isang nurse na may buhat.
"May tama siya ng baril sa dibdib." sagot naman ni Cecille.
Hindi na muling nagtanong ang nurse hanggang narating nila ang emegency room.
"Mam,maiwan muna po kayo dito sa labas." paalala ng nurse kay Cecille.
Hindi mapakali si Cecille ng naiwan sila ni Joey sa labas.
"Joey." tawag niya dito.
"Yes mam?" tanong naman ni Joey.
"San nyo ba dinampot yung babaeng yun ha. Kaninong baril ang ginamit?" pigil na pigil ang paglakas ng boses ni Cecille upang walang makarinig na iba sa kanilang pag uusap habang lumilinga linga pa siya sa kanyang paligid habang nagsasalita.
"Mam sa pasay pa po.h Hindi ko po alam kung kaninong baril ginamit mam eh." sagot ni Joey.
Napailing na lang si Cecille. Natanawan niyang may bench at tinungo n'ya 'yun upang maupo at mapahinga pansamantala. Kahit madaling araw pa lang ay may mga tao pa ding labas-masok ng ospital. Maaaring mga bantay 'yun ng pasyente dahil bawal naman ang dalaw ng ganuong oras.
"Emergency na naman, si vice daw 'yun, nabaril."
Naulinigan ni Cecille na pinag-uusapan ng dalawang dumaan sa kanyang harapan.
"Diyusko bakit kaya noh? Akala ko eh may manganganak na naman." sagot ng kausap nito.
May nanganganak pala ng emergency sa loob-loob ni Cecille. Maaaring biglaan ang pag le-labor siguro. Naalala pa niya nung nanganak siya kay Karl du'n mismo sa ospital na 'yun.
Hindi pa siya nagtatagal sa pagkakaupo ay gusto na naman niyang tumayo dahil hindi siya mapalagay. Marami pa sana siyang gustong itanong kay Joey pero naisip niyang wala ding maitutulong ang pagtatanong niya.
Nasa kanyang paghihintay si Cecille at pagmumuni-muni ng dumaan ang isang doktora na medyo may edad na. Napalingon ito sa kanya at para itong nagulat. Binati ng doktora si Cecille at mas naging mabilis ang paglalakad nito ng makalagpas na kay Cecille. Nakilala ni Cecille ang doktora. Ang doktorang nagpaanak sa kanya. Na siyang pinagpapa-check-up-an niya nu'ng nagbubuntis pa lang siya. Halatang iniwasan siya nito. Nagtama lang ang kanilang tingin kaya sapilitan siya nitong binati. Biglang bumalik sa alaala niya nung siya ay nagbubuntis pa lamang.
Isang buwan pa lamang silang nagsasama ni Lukas ng makaramdam siya ng pagkahilo na nauuwe sa pagsusuka. Hindi na niya pinaalam kay Lukas ang nangyayari sa kanya kaya't siya na mismo ang kusang nagpunta ng ospital para magpa-check up.
"Congratulations mam, you're two months pregnant" bati ni Dra. Francisco sa kanya.
Laking gulat niya sa sinabi ng doktora. Parang gusto niyang himatayin sa narinig. Hindi dahil sa saya kundi dahil sa pagkabigla. Dahil isang buwan pa lang sila nagsasama ni Lukas. Nahalata ni doktora ang reaksyon niya.
"Hindi mo ba nararamdaman ha Cecille na buntis ka? Sabagay unang pagbubuntis mo pa lang 'yan kasi. Matutuwa tiyak si Mayor niyan at magkakaapo na siya sa panganay niya." natutuwang sabi ng doktora.
Hindi pa din makahanap ng sasabihin si Cecille dahil hindi niya akalain na buntis siya at sigurado siyang hindi kay Lukas 'yun. Napaluha bigla si Cecille.
BINABASA MO ANG
Till Next Time
General FictionKung hindi ka naging masaya sa buhay mo dahil hindi mo nakatuluyan ang totoong mahal mo, may pag asa pa kayang lumigaya ka?