Part 39

401 18 3
                                    


Matapos ang pananghalian ay nagyaya si Karl maglaro ng scrabble para may pagkalibangan sila. Nang bandang hapon naman ay nanuod na ng sci-fi movie si Karl at Arnold na may kaugnayan sa medisina habang naghahanda ng meryenda si Cecille. Pero bago dumilim ay nagpaalam na si Arnold na uuwi na ito.

"Kailangan ko ng bumalik ng Manila. Wala pang pagkain ang pamilya ko." si Arnold.

"Ikamusta mo ko kila Aling Milagring at Mang Fredo ha. Mag-iingat ka." si Cecille habang hinahatid hanggang garahe si Arnold.

"Tito salamat po. Mag-iingat po kayo." si Karl.

"Sige salamat din. Cecille kakain ka ha. Dapat may laman ka na kapag nagkita tayo ulit. Karl ikaw na bahala sa mommy mo." paalam ni Arnold ng nakasakay na sa kotse.

"Sige po tito. Ingat po ulit. Bagalan lang po ang pagtakbo." nagkatawanan si Arnold at Karl.

Hindi ipinahalata ni Karl na siya ang nagplano ng araw na 'yun. pansin niya ay tama nga ang hinala niya na si Tito Arnold nga niya ang magbabalik ng saya at sigla sa mommy niya. Pero dapat pa din niyang makasiguro na 'yun nga ang dahilan.

"Tara na sa loob Karl." yaya ni Cecille na nakangiti pa rin.

Nang mga sumunod na linggo ay napapansin ni Karl ang pagbabago ng kanyang ina. Naging mapag-ayos ito sa sarili kahit nasa bahay lang. Kahit naka-pulbos lang ang mukha ng mommy niya ay kitang maaliwalas na ang mukha nito na masaya naman niyang ibinabalita sa kanyang Tito Arnold.

"Karl samahan mo naman akong manuod ng sine, may bago daw sci-fi ngayon eh gaya ng pinanuod natin sa inyo. Pwede ka ba?" nang minsang tumawag si Arnold kay Karl.

"Ah. Mga six pa po uwe ko Tito eh." sagot ni Karl.

"Oh, tamang-tama. Six din ang off duty ko. Sa labas na lang din tayo kumain. Ano, pwede ka?" muling tanong ni Arnold.

"Sige po." sagot ni Karl.

Pagkatapos nilang manuod ng sine ay bumili ng kahit ano lang si Arnold at sinabi niya kay Karl na ipasalubong sa kanyang Mommy. Ang iniisip ni Karl ay kaya ginagawa ng Tito Arnold niya ang mga ganuong bagay gaya ng pagbili nito ng pasalubong ay upang isipin ng mommy niya na inaalala pa din siya ni Arnold  na siyang nagbabalik ng sigla sa buhay nito. Pero ang totoo ginagawa ni Arnold 'yun ng taos sa kanyang kalooban at sa sarili niyang kagustuhan.

Hindi lang iisang beses na nangyari 'yun. Basta't alam ni Arnold na pauwi na si Karl tuwing weekend ay pinupuntahan niya ito para sa pasalubong nito kay Cecille.

Ilang buwan pa ang lumipas ay malaki na ang ipinagbago ni Cecille, na kahit kailan ay hindi 'yun nakita ni Karl sa kanyang ina. Pero nangangamba si Karl dahil alam niyang may mali sa ginagawa niya. Iniisip niya na hanggang kailan kukuha ng lakas ang kanyang mommy kay Arnold. Paano kung malaman ng asawa ni Arnold na may pinapadalhan ito ng mga pasalubong, kaya't kahit minsan ay hindi binigay ni Karl ang phone number ng Tito Arnold niya sa mommy niya.

Baka pagmulan pa 'yun ng isang malaking eskandalo. Natatakot si Karl na dumating ang araw na 'yun at muling bumalik ang mommy niya sa pagiging malulungkutin. Baka mas malala pa ang mangyari sa mommy niya 'pag nagkataon.

Aminado si Karl na naging magaan ang loob niya sa Tito Arnold niya at napalapit na din siya dito. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng panibagong ama sa katauhan ni Arnold. Lagi na lang niyang sinasabi sa sarili na kung nakikita man siya ng Daddy niya ay maiintindihan siya sa mga ginagawa niya.

Kailangan na niyang sabihin sa Tito Arnold niya ang mga pangamba niya para habang mas maaga ay may katulong siyang umisip ng paraan. Dahil maaaring isang araw ay wala na siyang dalang pasalubong na galing sa Tito Arnold niya at wala na din siyang ihahatid na mga salitang "kamusta ka daw"  at "lagi ka daw mag-iingat" na manggagaling sa Tito Arnold niya.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon