Napansin ni Karl na tatlong buwan na ang nakalipas simula ng mamatay ang Daddy niya ay hindi pa din bumabalik ang dating sigla ng kanyang ina ."Mommy, okay ka lang ba? Tuwing uuwi na lang ako parang pilit 'yung mga ngiti mo. Saka teka parang nangangayayat ka yata mommy. May sakit ka ba?" usisa ni Karl sa ina.
Pinilit namang pasiglahing muli ni Cecille ang sarili at napansin din niya ang bahagya niyang pagpayat dahil lumuwag sa kanya ang ibang pantalon at blouse niya.
"Karl kung anu-ano napapansin mo sa 'kin. Okey lang ako. Madalas nga kami magkausap ngayon ni Tita Doreen mo kasi desidido na siya sa pagtakbo niya kapalit ng Daddy mo." sabi ni Cecille.
"Kausap mo lang pala sa phone, nakakapayat ba 'yun?" tanong ni Karl.
"Napahina lang siguro kain ko nitong mga nakakaraang araw." palusot ulit ni Cecille.
"Sexy ka pa yata ngayon kay Claire mommy." pagbibiro ng anak.
"Naku, binola pa ko ng pogi kong anak." ganti naman ni Cecille.
"Sino kayang nambobola? Ikaw lang naman laging nagsasabing pogi ako eh." sagot naman ni Karl.
"Maiba ko mommy.---"
"Ano 'yun?"
"Kamusta na nga pala ang kaso ni Daddy? Wala pa bang lead kung sino bumaril sa kanya?" biglang seryosong tanong ni Karl.
Umiwas ng tingin si Cecille bago ito sumagot.
"H-hindi ko alam sa mga pulis anak.
Lagi namang pina-follow up ng Lolo mo kina hepe 'yung kaso ng Daddy mo. Hanggang ngayon hindi pa nila mahuli ang suspect." sagot ni Cecille.Hindi na niya binanggit kay Karl kung paano siya nawala sa line-up ng mga pinaghihinalaan. Buti na lang hindi nag-match ang nakuhang finger print sa baril na ginamit sa krimen sa finger print niya. Pribado ang pagkakapatawag sa kanya ng mga pulis sa presinto, kasama niya ang dalawang tauhan ni Lukas na sina Joey at Cholo na pawang kasama sa suspect at nag-negative din pareho sa finger print.
"Sana naman makonsensya na 'yung gumawa nu'n kay Daddy." sabi na lang ni Karl.
Hindi maaaring magkaila ang mga kilos ni Cecille dahil pansin 'yun ng anak niyang si Karl. Napansin nitong mas masigla pa ang ina niya pagkalibing ng Daddy niya. Bakit ngayon kung kailan mas tumatagal ay parang lalo pa siyang lumulungkot at nangangayayat? Naisip tuloy niya na dinaramdam pa din kaya ng Mommy niya ang pagkamatay ng Daddy niya?Alam naman niya na wala naman itong ibang problema o baka hindi lang nagsasabi sa kanya.
"Mommy seryoso nga, baka may problema ka? Dalawa na lang tayo eh hindi mo pa ba sasabihin sa 'kin?" muling tanong ni Karl.
"Wala nga anak." sagot muli ni Cecille.
"Tingin ka nga sa mata ko" si Karl.
"Oh oh oh ayan." sabi ni Cecille na ipinakadilat pa ang mga mata niya sa harap ni Karl.
"Hmm, sige sabi mo 'yan ha. Patunayan mo ha. Kailangan next week mataba ka na ulit." pabirong sabi ni Karl.
"Ano ba gusto mong taba? Katulad nung nagtitinda ng karne du'n sa palengke? Du'n sa suki ko? Naalala mo nu'ng sinama kita?" sagot ni Cecille.
"OA naman ni Mommy. Hindi naman ganu'n. Mukha ka ng buddha kapag ganu'n." natatawang sagot ni Karl.
"Sige na mag-ayos ka na ng gamit mo at magluluto na ko pagkatiklop nitong mga damit mo." sabi ni Cecille para matapos na ang usapang 'yun.
Ang totoo nu'n ay lagi na lang naiisip ni Cecille si Arnold. Matapos silang ihatid ni Karl sa bahay ay nawala na din itong parang bula. Wala na silang komunikasyon. Iniisip niyang kung interesado pa sa kanya si Arnold ay kinuha man lang sana ang phone number niya. Alangan namang lumuwas pa siya ng Maynila at pumunta siya ng hospital at sabihin kay Arnold na nami-miss niya ito.
Hindi naman siguro nagsisinungaling si Arnold nung sinabi nitong wala pa siyang asawa sa loob-loob niya. Gayunpaman, ayaw niyang siya pa ang unang gagawa ng paraan para muling magkalapit sila ni Arnold. Dahil kung talagang mahal pa siya ni Arnold ay siya ang gagawa ng paraan at kung hindi naman bumalik si Arnold ay wala na din naman siyang magagawa.
Naging malulungkutin na si Cecille ng mga sumunod na araw. Kalahating taon na siyang naghihintay na isang araw ay darating si Arnold sa bahay nila. Sa tuwing may humihintong sasakyan ay napapatakbo pa siya upang tingnan kung si Arnold na ang dumating. Napapansin na ni Karl na hindi naibabalik ng mommy niya ang katawan nito na patuloy pa din itong nangangayayat. Lagi naman niya itong tinatanong kung may problema pero laging wala ang isinasagot nito.
Minsang umuwi si Karl ng hindi niya dinatnan ang kanyang mommy sa bahay. Tinawagan niya ito pero nasa loob ng bahay ang telepono nito.
"Mang Carlos nagpaalam po ba sa inyo si Mommy?" tanong ni Karl sa katiwala nila.
"Sumakay lang ato ng tricycle, kanina pa ngang umaga. Hindi naman nasabi kung saan pupunta." sagot ng matanda.
Nag-aalala siya sa mommy niya dahil nararamdaman niyang may inililihim ito sa kanya. Naisip niyang bigla na baka nagpunta sa mga Lolo Delfin niya at Lola Upeng ang mommy niya at duon nagsabi ng problema ito. Gamit ang sasakyang naiwan ng Daddy niya, ginamit ito ni Karl papunta sa mga lolo at lola niya.
"Mang Carlos, 'pag nagkasalisi po kami ni Mommy pakisabi po na nagpunta ko kila Lolo Delfin. Tawagan na lang po niya ko." sabi ni Karl habang nagbubukas ng gate si Mang Carlos.
Ano pa kaya ang magiging problema ng Mommy sa loob-loob ni Karl. Alam niya at saksi siya sa kalupitan ng Daddy niya sa Mommy niya kaya hindi masabi ni Karl sa sarili na imposible namang dinamdam ng husto ng mommy niya ang pagkawala ng daddy niya. Sigurado si Karl na may bumabagabag sa isip ng mommy niya at kung ayaw sabihin sa kanya ng mommy niya 'yun ay siya mismo ang aalam. Hanggang sa narating ni Karl ang bahay ng Lolo at lola niya.
"Tao po, tao po." tawag ni Karl.
Mabilis namang may nagbukas ng pintuan.
"O Karl napasyal ka. Tara dito sa loob." si Aling Upeng.
"Mano nga po Lola. 'Asan po si Lolo?"
"Andyan nakahiga --- ay ayan na pala." sagot ni Aling Upeng ng matanawan ang padating na asawa galing sa kwarto nito.
"Nabosesan ko kaagad 'tong apo natin kaya napatayo na ko agad. Umupo ka iho."sabi ni Mang Delfin.
"Napasyal ka anak. 'Asan ang mommy mo?" tanong ni Aling Upeng.
"Yun nga po ipinunta ko Lola eh. Wala kasi si Mommy sa bahay eh 'andu'n din po phone niya kaya hindi ko din matatawagan kaya nagbakasakali ako na napasyal dito. Sabi ko po kasi dati kapag naiinip siya, dadalasan niya pasyal dito. Napapansin ko kasi Lola nangangayat si Mommy eh." sabi ni Karl.
"Ay ganun ba? Nu'ng isang linggo napasyal dito pero ngayon hindi. Saan kaya nagpunta 'yun? Pero napansin ko din nga, 'di ba Delfin? Si Cecille, napansin mo din 'di ba? Tinanong ko nga bakit 'kako parang payat ka." salaysay ni Aling Upeng.
"Hindi naman ganyan 'yang si Cecilia. Mukha 'kakong may sakit ka." sabi naman ni Mang Delfin.
"Wala po bang naikekwento sa inyo?Tungkol po kay Daddy?" tanong ni Karl.
"W-wala naman. 'Di ba Delfin wala namang naikukwento si Cecille." si Aling Upeng na nilingong muli ang asawa.
Napahimas-himas si Karl sa baba niya habang siya ay nag-iisip.
"Lola, Lolo kailan n'yo po huling nakitang ganyan si Mommy?" Biglang naisip na tanong ni Karl.
Nagkatinginan ang dalawang matanda. Parehas na nakakunot ang mga noo nito na wari'y nagtatanungan sila sa tinatanong ng apo nila.
"Delfin, nakita mo na bang ganyan si Cecille dati?
"Oo. 'Wag mong sabihing nakalimutan mo na Guadalupe." sagot naman ni Mang Delfin sa asawa.
"Kailan po?" tanong agad ni Karl.
BINABASA MO ANG
Till Next Time
General FictionKung hindi ka naging masaya sa buhay mo dahil hindi mo nakatuluyan ang totoong mahal mo, may pag asa pa kayang lumigaya ka?