Part 29

329 15 0
                                    


Habang pinagmamasdan ni Karl ang kinikilalang ama ay nakaramdan siya ng panlulumo. Naiintindihan niya ang nangyayari at alam niyang hindi mabuti ang kalagayan nito. Nais pa niyang mabuhay ang ama upang makita nito ang pagtatapos niya sa pag aaral, na kung sakaling maging doktor na siya ay ikarangal siya nito. Hindi na niya iniisip ang nakaraan, lalo na nu'ng bata pa siya, na para siyang nanlilimos sa pagmamahal nito. Lagi na lang puro paliwanag ang Mommy niya kung bakit ganu'n ang trato sa kanya ng Daddy niya. Paminsan-minsan ay pinupunan ng kanyang Lolo ang mga pagkukulang ng kanyang Daddy sa kanya, gaya ng pagbili sa kanya nito ng mga laruan nu'ng bata siya. Sinasama siya ng Lolo at Lola niya kapag namamasyal ang mga ito at nakikita niyang natutuwa ang mga 'yun kapag binabalita n'ya ang mga grades na nakuha niya sa report card pati na ang mga medalya niya. Gusto niyang magrebelde sa kanyang ama nu'ng siya ay nasa high school na pero naisip niyang walang kabutihan ding maidudulot 'yun sa kanya.

Samantala sa labas ng ICU ay hindi mapakali ang mag-hipag na Cecille at Doreen. Nakaupo si Doreen habang si Cecille ay panay ang lakad ng pabalik -balik.

"Doreen, paano sila Mommy at Daddy?"si Cecille.

"Yan din iniisip ko Ate. Baka mas mauna pa si Daddy kapag sinabi ko agad sitwasyon ni Kuya." si Doreen.

"Oo nga eh. Saka si Mommy, alam mo naman 'yun. Paano ba to?" napapalatak pa si Cecille.

"Ate wait lang ha tumatawag si Cheche." paalam sandali ni Doreen upang kausapin ang isang kapatid sa cellphone.

Natanawan ni Cecille si Karl sa loob ng ICU. Kitang-kita niya ang lungkot sa mukha ng anak na kahit hindi nito sabihin ay alam niya ang pakahulugan 'nun.

"Ate papunta pala si Dixie at Cheche kasama mga anak nila. Sinabi ko na ang sitwasyon ni Kuya. Sabi ko hindi pwede mga bata dito." saad ni Doreen pagkatapos kausapin ang kapatid sa cellphone.

"Ah, paano 'yung mga bata?" tanong ni Cecille.

"Maiwan na lang daw sa sasakyan. Ewan ko ba sa mga 'yun. May mga yaya naman ang mga anak eh sinama pa. Alam naman nilang ospital ang pupuntahan nila. Lalo na si Cheche, dalawang taon pa lang 'yung bunso niya." sagot ni Doreen.

"Eto nga pala ate, may tshirt pala ako du'n sa kotse. Magpalit ka muna." dugtong ni Doreen.

"Sige mabilis lang ako." paalam ni Cecille.

Samantala, dahil pinapa-monitor ni Arnold ang kalagayan ni Lukas, nabalitaan niya ang nangyari dito. Mula sa maikling pagkakaidlip ay nagbihis lamang siya ng maong na pantalon at puting polo shirt at pumunta na agad siya ng ICU. Dinatnan niya na si Doreen lang ang nasa labas. Napansin agad ni Doreen ang pagdating ni Arnold.

"Doc." bati ni Doreen.

"Doreen, nabalitaan ko ang nangyari." sagot ni Arnold na may lungkot sa mukha nito.

"Ano na lagay niya kapag ganu'n doc?" tanong ni Doreen.

"Hirap ang puso ng kuya mo Doreen kaya ganu'n. Although nagpa-function siya pero hindi gaya ng sa atin na normal. Kaya posible talagang magkaroon siya ng blood clot. Pwede siyang umulit anytime." paliwanag ni Arnold.

"Pasensya ka na nga pala doc kay Daddy, malamang na nasabi na sa 'yo ni Karl." singit ni Doreen.

"Wala 'yun. 'Wag mo ng isipin 'yun Doreen. Mainitin talaga ulo ni Mayor pero mabilis namang mawala 'yun." turan ni Arnold.

"Kilala mo pa din pala ugali ni Daddy." si Doreen.

"Nasan na sila?" tanong ni Arnold ng matanaw na wala sa loob ang mag-asawang Juancho at Lilia at si Karl lang ang nasa loob.

"Pinagpahinga ko sa sasakyan. Mabilis na mapagod pareho mga 'yun. Saka iinum pa ng maintenance niya si mommy." sagot ni Doreen.

"S-si Cecille?" bantulot na tanong ni Arnold.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon