DEZIRELLE'S POV
Maayos at matagumpay na natapos namin ang presentasyon. Di ko alam pero sobrang saya ko. Iba yung saya kesa noong mga nakaraang araw, Hindi na ako kasi ako ganoon kasaya simula noong hindi ko na nakakasama sila mama. Mag-dadalawang buwan ng nakalipas.
Naalala ko na naman yung ginawa kong kagagahan sa huling scene namin. Ibinigay ko lang ng ganon-ganon yung first kiss ko tapos Kay nuknok pa. Ganon na ba ako kadesperada makakuha ng mataas na marka. Hindi tuloy maalis sa isip ko yung paglapat ng labi ko sa labi niya. Ni hindi man lang ako nagdalawang isip. Ayy wow self gusto din eh.
--------------
Second semester..
*Tok tok tok tok*
"Zirelle!!! Tao po!"
Nagising ako sa mala-eskandalosang bibig ni Lea.
"Sandaliii!!!"- iritado long sigaw sa kanya.
Binuksan ko ang pinto at dire-diretsong pumasok si Lea.
"Hoy babae! Tulog tulog ka jan. Mag-eenroll tayo sis. Hala sige mag-gayak ka na at ako ay mahihiga muna dini sa kama mo."-nakangiting sabi ni Lea.
"Oo na. Antayin mo ako jan. Wag kang gagalaw ng kahit na ano." -masungit kong sagot sa kanya.
Naligo na ako at nag-ayos. Enrollment na namin para sa ikalawang sem. Parang kailan lang ay kakalipat ko lang dito sa dorm tapos ngayon second sem na ang bilis ng panahon.
Nagsasara ako ng kwarto ko ng lumabas si Nuknok.
Matapos nung role play namin ay hindi na kami nag-papansinan. Di ko alam kung bakit. Feeling ko may nagawa ako sa kanya ay ewan. Ang weird niya kahit kailan.
----------------
Last month of the year.
Mabilis na lumipas ang mga buwan at ngayon ay pinag-hahandaan na ng mga officers ng course namin ang year end party.
Kasalukuyan kong kasama si Lea, Trixie at Jacob. Nandito kami sa little Theater kung saan ginaganap ang General Assembly. Ibaba nila ang mga importanteng detalye sa event na dadating.
Si Trixie at Jacob ay magka-sintahan, nakilala namin sila ni Lea sa isa naming subject nitong second sem lang.
Nagsimula ng mag-salita ang President ng officer namin.
"For the last announcement, Ang ating year end party ay gaganapin sa gymnasium sa ganap na 7:30pm. 8pm ang official start ng event, 7:30pm ay maari na kayong makapasok. 300 pesos per head ang ambagan para sa decorations, sounds, lights and catering. Pinagdedesisyunan pa kung magkakaroon ng competition or performance na lang. Ang theme ng ating party ay semi-formal with self provided mask it's either fix na may tali/garter or naka-kabit sa stick. It's up to you... See you'll there guys. Have a nice day ahead!"
Naglalakad na kaming apat palabas ng school.
"Sino kaya mag-aaya sa atin noh?" -tanong sakin ni Lea.
"Escort-escort pa pwede namang wala for sure maeenjoy natin. Sana may banda kaya naman ng mga nalikom na pera kasi ang dami natin eh." -sabi ko naman
Napaisip ako kung sino ang magiging escort ko. Wala naman sigurong mag-aaya sa akin. Haysss. Pero okay lang enjoyin ko na lang isa pa stress ako sa acads madami pinapagawa so doon ko na lang irerelease lahat.
------------
Kinabukasan..
Maaga ako pumasok kasi may gagawin pa ako sa library. May library research ako about culture ng pilipinas.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomanceOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...