CHAPTER 25: Still Lost

246 24 1
                                    

NP: Every time by A1

*****

LEA'S POV

Ilang araw na ang nakalipas simula noong graduation namin magkakaibigan, sobrang saya ko noon dahil proud sakin ang magulang ko at isa pa ay kasama ko pa ang love of my life ko na si Evan. Pero sa kabila ng kasiyahan na nararamdaman ko ay ang lungkot na pilit na tinatago ni Dezirelle, inaasahan kasi niya noong araw na iyon na darating si Christopher ngunit kahit ultimo anino niya ay hindi dumating o nagpakita.

"Babe.." -mahinang tawag ko kay Evan pero sapat lang para marinig niya.

Lumingon siya sakin "Hmm?" -sagot niya. His brows furrowed dahil sa malungkot na tono ng boses ko.

"Babe, nalulungkot at nag-aalala ako para kay Dezirelle" -malungkot kong sabi kay Evan.

Kasalukuyan kaming nagmomovie marathon sa bahay nila Evan at katabi ko siya ngayon na busy mag-hanap ng palabas sa netflix.

Humarap siya sakin at diretsong tumingin ng seryoso sa mga mata ko. "Bakit babe?" -tanong niya.

Tumungo ako para makaiwas sa tingin niya "Kasi ano.. alam mo naman na inaasahan niya talaga na makikita niya si Christopher noong araw ng graduation natin pero hindi siya dumating.." -natigil ako sa pagsasalita dahil hinawakan niya ang chin ko at itinaas hanggang sa magka level na kami ng tingin. "Alam ko na nasasaktan ang kaibigan natin at wala man lang ako magawa para pagaanin man lang ang nararamdaman niya." -pagpapatuloy ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at ikinulong sa mga palad niya. "Look at me Cassiopeia. Don't feel guilty about what Zirelle feels. Wala ka namang kasalanan, it's just normal kahit sino naman na tao na nag-eexpect na dumating yung taong inaantay nila ay masasaktan." -seeyosong sabi niya. Tinanggal niya ang mga kamay niya sa pisngi ko at dahan dahan akong niyakap.

"Pero.." -sabi ko pero hindi ko na natuloy dahil "Shhhh" pinigilan niya.

"Don't be sad babe, I understand what you feel but we need to stay beside zirelle at iparamdam sa kanya na nandito tayo." -bulong niya sakin at kumalas na siya sa pagkakayakap namin.

Tumingin ako sa mga mata niya. Ang mga mata niya na nalulungkot tulad ko. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit, higpit na hindi masakit o nakakasakit tama lamang na iparamdam sakin ang comfort.

"Yun ang magagawa natin para sa kaibigan natin Lea." -sabi niya at saka kinuha ang remote ng TV at muling naghanap ng movie sa netflix.

Hindi na niya tinaggal ang pagkakahawak sa kamay ko kaya tinitignan ko lamang siya habang abala siyang maghanap ng mapapanood. Napaka-swerte ko kay Evan. Kaonting kibot ko alam na ang ibig sabihin, alam niya kung malungkot ako, nasasaktan, natatakot at masaya. Siya lang ang nakakaintindi sakin bukod kay Dezirelle.

DEZIRELLE'S POV

Masaya ako para kay Lea at Evan. Matagal ko na naamoy ang mga feelings nila, ayaw lang nila panindigan at subukan. Pero perfect timing naman din dahil graduate na sila at permanenteng trabaho na lang ang kulang. Both parents naman ay boto sa kanila aantayin ko na lang na ikasal sila at maging ninang ako.

1 week after graduation plano namin ni mama na bumalik sa probinsiya dahil balak kong mag-pahinga muna ng isang buwan bago mag-apply ng trabaho. Para makapag-isip isip din ng mga gusto kong gawin ngayong tapos na ako ng kolehiyo.

"Mamimiss ka namin ni Evan. Ingat kayo don wag mo pabayaan sarili mo." -malungkot na sabi sakin ni Lea. Paalis na kasi ako ngayong araw at sumama sila sa paghatid samin dito airport.

"Lea naman isang buwan lang naman o kung madagdagan man ng ilan pang buwan doon ay babalik din naman ako at dito padin naman ako mag-tatrabaho." -nakangiti kong sabi sa kanya. Mukhang paiyak na kasi.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon