(Flashback padin)
RAVER'S POV
Ang weird ni Dezirelle ngayong araw ah. Palagi siyang nagugulat tuwing iaapproach or tatawagin at kahit nga marinig lang ang pangalan ko ay manlalaki na ang mata niya na oarang nakakita ng multo.
"Ayos ka lang ba talaga? Baka may masakit sayo. Daan muna tayo sa clinic." -sabi ko sa kanya habang nagaantay kami ng elevator.
"Okay naman ako. Wag ka na masyado magalala sakin. Baka gutom lang 'to" -pilit ang ngiti na sagot niya sakin.
"Ako na bibitbit sa bag mo." -offer ko sa kanya. Umiling naman siya agad.
"Please?" -paki usap ko.
"Okay lang naman Raver eh." -tanggi niya.
"Ako na, sige na. Mukhang hindi ka okay. May mga folder sa bag mo. Hindi mo iniwan sa table mo." -sabi ko. Hindi niya inilabas at iniwan sa table niya ang mga folders ng mga kliyente kaya parang busog yung bag ni Zirelle.
"Ah eh.. Nakalimutan ko ilabas." -nauutal na sagot niya.
"Its okay." -sagot ko at iniabot niya sakin ang bag niya. Kinuha ko iyon at isinukbit sa balikat ko. May kabigatan nga tulad ng naiisip ko dahil sa mga folder na nasa loob na may mga laman na papeles.
*Ting*
Tumunog ang elevator at bumukas. Hahakbang na sana ako pero nakita ko ang CEO namin. Si sir Christopher.
"Good morning Sir!" -masiglang bati ko.
Hindi niya pinansin ang bati ko at diretsong nakatingin kay Dezirelle at pagkatapos ay sa bag ni Desirelle na nasa akin.
"Go-goodmorning" -nauutal na bati no Dezirelle na katabi ko.
"Morning." -maikling sagot ni Sir Christopher. Nakaramdam ako ng kakaibang tension kaya hinawakan ko si Desirelle sa braso niya at dahan dahan na iniusog palapit sakin para tuluyan ng maka-daan sila sir pati ang secretary niya.
Nakayuko si dezirelle nang tignan ko bago ako tumingin kay Sir Christopher. Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway ng makita ko ang mata niyang seryosong nakatingin sakin. Agad naman niyang inialis at tumalikod na sa amin.
What the?! Ano yon?!
Naglakad na kami papasok ng elevator no Dezirelle. Binitawan ko na siya at pinindoy ang button papuntang lobby.
Nakarating kami ng restaurant at naka-order na pero si Dezirelle ay tahimik pa din. Parang may malalim na iniisip. Ngumingiti naman siya pabalik kapag ningingitian ko pero nasobrahan naman ata ang pagiging tahimik niya ngayon.
Dumating ang pagkain na order namin at tahimik naming kinain ang kanya-kanya naming order.
"So, kamusta ang meeting mo with the investors? may work ka pala after ng outing sa palawan. I didn't know. Kahit si sheena sakin nagtanong haha" -paguumpisa ko ng topic. Napainom naman ng tubig si Dezirelle.
"Ahh oo, biglaan kasi yon. Ako yung tinext na pumunta just to represent the company. Wala naman masyado ginawa besides nandoon naman yung ibang boss mula sa ibang mga branch ng company." -sagot niya.
"Ohh, I see." -sagot ko sabay subo ng carbonara.
"Raver, pwede ba tayo magusap mamaya?" -biglaang tanong niya. Napatingin ako agad sa kanya biglang may pumitik sa dibdib ko na hindi ko alam kung saan ng galing.
"Tungkol saan?" -nag tatakang tanong ko. Naguusap naman na kami bakit hindi pa ngayon? Haha nakaka-curious naman kaya tinanong ko agad kung tungkol saan.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomanceOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...