CHAPTER 10: Valentine's Day

331 17 1
                                    

NP: beautiful in white by Westlife

*****

DEZIRELLE'S POV

Magka-sabay na naman kaming papasok ni Christopher, hindi ko alam kung paano nangyari pero nakakasanayan na naming dalawa.

Dahil unti-unti ko na siyang nakikilala eh gumagaan na ang loob ko kay nuknok. Natatakot ako na baka masanay ako na palagi kaming magkasama at naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.

"Hindi ako makaka-sabay sa inyo mag-lunch mamaya." -sabi ni Christopher sakin habang papasok ng school.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

Naglalakad kami ng may natapakan kaming dalawa na metallic paper na kakulay ng sahig na naka-kalat sa sahig .

Hindi namin napansin ni Christopher dahil seryoso kaming naguusap dalawa.

May lumapit naman sa amin na tatlong senior year students.

"Sorry to inform both of you na nakatapak kayo ng metallic paper sa sahig kaya dadalhin namin kayo sa booth namin." -sabi ng babaeng tourism.

"Kailangan namin kayong piringan" -sabi naman ng lalaki na kasama nila.

"Ha-ha?! Ba-bakit?" -tanong ko naman.

"Kasama po sa rules ng booth namin yun, magtiwala lamang kayo sa amin. Maeenjoy niyo po ang booth namin. " -nakangiting sabi sa akin ng isa pa nilang kasama.

Tumango lang kaming dalawa ni Christopher. As if may choice kami diba? Hahaha

Piniringan nila kami ni Christopher at inalalayan sa paglalakad.

"Ipapasok na namin kayo sa loob. Bawal pa po tanggalin ang piring." -paalala ng babae.

"Sige po." -sabay naming tugon..

Iniupo ako sa upuan at may nilagay sa ulo ko, Hindi ko alam kung ano. Wala akong ideya. May inilagay naman na tela sa bewang ko.

Nang tapos na ay itinayo na nila ako at may pinahawak sa kamay ko. Hindi ko din tukoy kung ano.

Maya-maya pa ay muli akong inalalayan sa paglalakad at dinala sa kung saan. Naka-piring padin ako kaya Hindi ko makita.

"Nandito na po tayo. Kapag inalis ko po ang piring ay manatili padin po kayong nakapikit hanggang sampung segundo. Magbilang ka lamang gamit ang isip mo. " -sabi ng babae.

Tumango lang ako.

Nag-simula na akong magbilang.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

Dumilat ako at nagulat ako sa mga nakita ng mata ko.

Nasa isang church theme ako na kwarto. Nasa unahan si Christopher malapit sa altar.

So nasa wedding booth kami? Sabi ko naman sa isip ko.

What the?!!!

Nag-hihintay sakin sa unahan ang mga organizer ng booth na ito at si Christopher.

Nag-simula na akong maglakad na parang tulad sa bride.

Habang papalapit ako ay natatanaw ko ang nakapakong tingin sa akin ni Christopher. Ngiti lamang ang tanging ibinabaling ko sa kanya.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon