CHAPTER 29: Closer to you

242 21 0
                                    

Company outing day...

SHEENA'S POV

"Dezirelle! ang tagal mo naman kumilos. Bilisan mo at kailangan natin makasakay doon sa bus na unang service na aalis." -inis kong sabi kay Zirelle. Dito ko kasi siya inantay sa isang fastfood restaurant malapit sa company namin. Nasa parking lot ang service namin na maghahatid sa airport.

Tumingin siya sakin "Edi sana nauna ka na doon." -she sarcastically said. Kaloka siya na nga inantay eh.

"Tara na." -sabi ko at nauna na akong maglakad papasok sa parking lot ng company.

Sumunod naman siya sa likod ko. Ang call time ay 7am. Pero 6am ang usapan namin ni Zirelle duh! syempre ayoko maiwan noh. Yung super excited ka tapos gumora na ang service masakit yon.

Nang marating namin amg parking lot ay lumapit agad ako kay Sir Ravier para isabay siya samin ni Dezirelle.

"Oh andito na pala kayo." -bungad niya samin. Tumingin siya kay Zirelle "Goodmorning, zirelle." -bati niya kay zirelle. "Goodmorning" -bati niya sakin at sabay kuha niya ng bag. Ng bag ni Dezirelle ano pa nga ba?

"Ah eh okay lang Ravier" -pagpapakipot ni Zirelle kay Ravier. Hindi pa nilang dalawa binibitiwan ang strap ng malaking backpack ni Zirelle.

"Ako na Zirelle, itatabi ko sa gamit ko." -sabi ni Ravier. "Akin na din yung iyo Sheena ilalagay ko na sa compartment ng bus. Ilagay niyo na lang sa handbag niyo ang mga importante niyong gamit."

Binigay namin ni Zirelle ang mga dala naming bag. Dahil maaga kami dumating ay kaonti pa lang ang sakay ng unang bus kaya doon kami sasakay tulad ng gusto kong mangyari..

Pumasok na kami sa loob ng aircon bus. Naupo kami ni Zirelle sa tatluhang parte na upuan para sa aming tatlo ni Ravier.

"Bakit ba kasi gusto mo sa unang bus? Pare-parehas lang naman makakarating sa airport kahit sa ikatlong bus tayo." -sabi ni Zirelle nang makaupo kami.

"May rason ako kaya gusto ko sa bus na 'to" -seryoso kong sagot sa kanya.

Her brows forrowed "Ano naman?"

Umirap ako "Basta! Mamaya mo na lang malalaman." -sagot ko.

10 mins before 7am ay nakita kong pumasok dito sa bus si Ravier kaya naman tinaas ko ng kanan kong kamay para tawagin ang atention niya.

"Here! Sir ravier!" -sabi ko nang makita kong luminga linga siya. Narinig naman niya ako at agad lumapit sa inuupuan namin ni Zirelle.

"Ahmm Zirelle pwede bang sa bintana ako?" -pakiusap ko kay Zirelle. Tumango lang siya.

Nagpakit kami ng pwesto, siya na ang nasa gitna at katabi niya sa kabilang dulo ng tatluhang upuan si Ravier.

Maya-maya pa ay naagaw ng lalaking naghahanap ng upuan ang atensiyon ko. Siya ang rason kung bakit gusto ko na dito sa bus sumakay para makasabay ko siya.

Siniko ko ng mahina si Zirelle. "Ayan yung rason" -nagtataka siyang tinignan ako. Kaya ininguso ko ang lalaking tinutukoy ko. "Gusto ko siya makasama sa bus na 'to." -tinignan naman niya ang tinutukoy ko.

Hindi ko na tinignan ang reaksyion ni Dezirelle dahil abala akong titigan si Sir Christopher habang kausap ang isa pang lalaki. Nang matapos silang magusap bumaba ng bus yung lalaking kausap niya at ibinaling niya muli ang atensiyon niya sa paghahanap ng upuan. Dahil sa late na siya sa call time ay puno na ang harapang parte na mga upuan. Pero dito banda sa likod ay may bakante pa.

Nang makita niya ang bakantemg upuan na nasa row ng inuupuan namin ay napatingin siya sakin kaya agad kong inalis ang tingin ko. Nakakahiya baka makita niya na tumutulo ang laway ko. Ilang segundong inalis ko ang tingin ko sa kanya ay nakita ko naman ang tingin niya na kay Dezirelle na abala sa pakikipag usap sa katabi niyang si Ravier. Nag-tuloy ng lakad si Sir Christopher at umupo sa dulo ng center aisle ng bus tulad ng pwesto ni Ravier.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon