DEZIRELLE'S POV
shokt padin ako sa lahat ng nangyari kahapon. Damang-dama ko February 14 hahaha!
Speechless...
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto di ko alam kung papasok ako or hindi. Wala naman akong class the whole day.
So I decided na hindi na lang pumasok, bukas na lang ako papasok.
Nag-chat ako kay Lea para ipaalam na hindi ako papasok habang maaga pa.
To: Cassie lovekita.
Besh hindi ako papasok today wala din naman akong class tsaka na-shookt pa ako kahapon hindi ko pa din alam kung paano kakausapin si Evan tsaka tatapusin ko din ibang school works ko.
(sent)
From: Cassie lovekita
Sige, ako din hindi muna papasok. Pupunta ako jan sa dorm mo.
Pumayag naman ako tsaka okay lang naman sakin na dito siya. Tsaka nachat niya din sakin na may sasabihin siya.
Ano kaya yun?? Curious na agad ako.
1hr ang naka-lipas ng dumating si Lea.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Lea at si Jacob na magkasama. Nag-taka ako sa kung ano bang meron sa kanilang dalawa at baka tungkol nga sa kanila yung chichika niya sa akin.
Maya-maya rin ng onti pagkahatid kay Lea ay agad namang nagpaalam si Jacob at umalis dahil may gagawin pa daw siya.
Pumasok na kami ni Lea sa loob naupo siya at nagpakawala ng buntong hininga.
"Ano ikukwento mo? Dali curious na ako eh." -tanong ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim bago magsalita.
"May nangyari kasi sa amin ni Jacob noong isang gabi."
Nagulat ako at nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi na Lea kaya agad niya napansin ang reaksyon ko kaya muli siyang magsalita.
"Ahh... Ehh.. Hindi yun yung tulad ng iniisip mo zirelle!! Ang dumi mo. " -inirapan niya ako.
"Eh ano Pala? " -nagtatakang tanong ko.
Naikwento na nga sa akin ni Lea lahat-lahat, kita ko sa mukha niya na na-trauma siya noong gabi na yun. Nasabi narin niya na nanliligaw na sa kanya si Jacob kahit Hindi pa naman daw niya ganoon kagusto pero dahil sa sincere naman daw si Jacob eh kaya binigyan daw niya ng chance.
Nalulungkot ako sa mga nangyari kay Lea, kaya naka-isip ako ng gagawin para mapasaya ko siya.
"Punta tayong amusement park sa may San Juan." -sabi ko sa kanya.
Agad namang nagbago ang timpla ng mukha niya.
She smiled. So it means, YES!
Nag-chat ako kay Nuknok kasi sabi ni Lea magsama daw kami ng lalaki para safe.
May lakad si Jacob at si Evan naman ay may training. Kaya si nuknok last chance ko. Ayoko naman kasing whole day na namasyal kami ni Lea eh hindi niya menjoy. Gusto ko man mawala takot niya pero iilang araw pa lamang ang nakalipas.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomanceOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...