NP: Unbreak my heart by Toni Braxton
*****
Kasalukunyan akong nasa labas ng pintuan ni Christopher. Alam ko galit pa siya, alam ko kailangan niya ng space sabi nila part daw yun ng relationship pero kung hindi niyo naman nakasanayan ang mag-bigay ng space at mas sanay na hinaharap ang problema ng magkasama siguro mahirap para sakin, lalo na para sa kanya.
*tok tok tok*
Napapikit ako dahil walang sumasagot, balisa na ako kagabi pa hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa loob. Kinakabahan ako sa maaring maging reaksyon niya sakin ngayon. Pero wala na akong pake! Gusto ko siya makita at masamahan.
*tok tok tok*
Matapos kong kumatok ay nakarinig ako ng mga hakbang. Baka pagbuksan na niya ako. Miss ko na siya.
Bumukas ang pinto ngunit ibang tao ang niluwa ng pinto. Hindi si Christopher, hindi yung taong inaasahan ko na lalabas galing sa likod ng pinto na 'to.
"Ma'am?" -tanong sakin ng lalaking kasalukuyang nasa harapan ko. Naka uniporme, mukhang butler ito ni Christopher dahil sa pormal na suot at sa hubog ng katawan. Nasa mid 40's na din siguro siya.
"A-asan po si-" -hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng tumabi ang butler niya dahil may dadaan na iba pang mga kalalakihan na may dala-dalang maleta, ilalabas nila ang mga maleta... alam ko na kay Christopher 'to ano.. anong ibig sabihin bakit hinahatak palabas ang mga gamit ng boyfriend ko?
"Ahh ma'am, ako po si Butler Mejong.nauna na po si Sir Christopher sa airport kaninang madaling araw. Pinakukuha niya po ang mga gamit niya dito." -diretsong sabi niya. Nanatiling hindi nagproproseso ang mga sinabi niya sakin.. parang ito ang ayaw kong paniwalaan.
"Sa-saan po siya pupunta?" -nauutal kong tanong. Baka naman nagbibiro lang siya eh.
"Uuwi na po siyang Japan ma'am. " -bakit lahat ng sagot ng butler niya ay nasasaktan ako, sinasaksak ako.
"Hi-hindi n-niya po sinabi sakin. Nag-away lang kami iiwanan na niya ako?" -hindi padin ako makapaniwala. Hindi pa kami nakakapag-usap, hindi pa namin naayos ang away namin. Bakit aalis siya ng ganito? alam ko naman na kailangan niyang bumalik sa Japan. Pero ilang oras lang naman ang ilalaan niya sa paguusap namin. Para bang ipinagkakait niya sakin.
"Pasensiya na po ma'am hindi ko po alam. May ipinapabigay lang po si Sir na sulat para daw po sa inyo" -inabot niya sakin ang isang papel, nanginginig ko iyong kinuha.
Hindi na ako nakasagot pa, tinititigan ko lamang ang papel.
"Sige po ma'am, aalis na po kami." -matapos niyang magpaalam ay umalis na silang lahat dala ang mga gamit ng boyfriend. Ngayon lamang nag-sisink in sakin na umalis na siya.
Pumasok ako sa kwarto niya. Sa walang bakas na Christopher na naiwan at tanging ang amoy niya lang ang naiwan. Ang mabangong boyfriend ko at ang mga ala-ala na lang ang naririto sa loob. Bawat hakbang ng mga paa ko ay siya namang pagbaon na lamang mga matulis na bagay sa dibdib ko. Hindi ko mapaliwanag ang sakit, ngayon ko lang naranasan kaya naman hindi ko alam kung paano haharapin na magisa na walang 'siya'.
Umupo ako sa kama niya kung saan naalala ko ang mga bisig niya na hinahagkan ako sa gabing malamig at tanging siya ang nagaalis ng mga negatibong enerhiya. Tinignan kong muli ang sulat niya na nabasa na ng pawis at luha ko.
Tumahan muna ako at nagpunas ng mga luha para maayos kong mabasa at maunawaan na rin kahit hindi ko alam kung mauunawaan ko nga ba. Huminga ako ng malalim bago ko imumpisahan ang pagbabasa.
Gomennasai Dezirelle-san, For everything. O-negai shimasu forget about me.
O-negai shimasu (Please)
Gomennasai (Thank you)
![](https://img.wattpad.com/cover/222896767-288-k377995.jpg)
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomanceOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...