3 months later..Mabilis lumipas ang mga buwan. Naging busy kami sa mga school works namin ni Christopher pero hindi namin nalilimutan mag-laan ng oras sa isat-isa.
Bukas birthday na ni Christopher, kaya pupuntahan ko ngayon si Lea para tulungan akong mag-plano para birthday surprise para sa kanya.
*tok tok tok*
"Oh, dezirelle pasok ka!" -masayang bungad ni Lea sakin.
Pumasok na ako sa room niya at dire-diretso papuntang sofa at inilapag ko ang bag ko at mga cartolina.
"Ano pa ba dapat ko idadag?" -tanong ko kay Lea.
Tumawa siya, hindi ko mainrindihan kung bakit tumatawa siya eh seryoso yung tanong ko.
"Hayss dezirelle, masyado ka namang kabado para namang may contest bukas na kailangan mong ipanalo. Paalala ko lang sayo birthday ni Christopher kailangan lang ng presensiya mo sa araw na 'yon." -mapang-asar na sagot ni Lea sakin.
Inirapan ko lamang siya. Duh Hindi siya nakakatulong. Kinakabahan ako na baka Hindi niya magustuhan or hindi siya matuwa sa birthday niya.
"Alam mo naman na gusto ko maging special ang araw niya bukas." -malungkot na sagot ko.
"Oh sige planuhin natin maigi okay?" -sagot niya.
"Balak ko kasi na sa kwarto niya ganapin ang surprise. Kaya ikaw mag-didistract sa kanya habang inaayos ko yung venue ha?" -sabi ko Kay Lea. As If naman na May choice si Lea. Haha
"Okay madali lang yan kasi classmate ko naman siya bukas eh." -confident na sagot ni Lea.
Abat napakadali lang sa kanya non ah.
Kasalukuyang tinutulungan ako ni Lea maglettering ng Happy Birthday keneme na ididikit. Bumili na din ako ng balloon na one tsaka nine kasi nineteen na siya bukas.
"Teka nga zirelle, sinagot mo na ba si Christopher?" -tanong naman niya na halos mabilaukan ako ng sarili kong laway.
Natahimik ako. Kasi naman hindi ko pa siya sinasagot 5 months na siyang nanliligaw. Bukod sa hindi ko pa nasasabi kay mama eh, natatakot ako kasi never pa ako nagkakaboyfriend ganoon din si Christopher.
"Abat zirelle?! Kaloka ka so hindi mo pa pala siya sinasagot. Kelan mo naman siya balak sagutin ha? kapag wala na siya?" -nang-aasar niyang sabi.
Inirapan ko lang siya. Hindi naman sa ganoon. Sasagutin ko naman siya kaso di ko pa alam kung kailan. Alam ko bantot pakinggan na nagkakatabi na kami matulog ng hindi pa kami pero nakakatakot kasi magka-label, syempre kapag kasi magjowa na baka mag-chukchakan na eh bata pa kami parehas.
Matapos na tulungan ako ni Lea sa pag-gugupit gupit ng crepe paper at ng mga pictures namin ni Christopher ay nagpaalam na ako sa kanya para umuwi na.
Gusto pa ako sunduin ni nuknok pero nagdahilan ako. Tsaka makikita niya yung pinag-handaan ko para bukas kaya buti na lang at hindi na siya masyadong nagpumilit kahit napaka-kulit niya. Sinabi ko na lang sa kanya na ihahatid ako ni Lea kahit hindi naman kasi ayoko na maistorbo pa si Lea.
8pm nakarating na akong dorm. Kaya naman ibinagsak ko kaagad ang katawan ko. Maaga pa ako gigising bukas
Kinabukasan
Hindi ako pumasok sa isang subject ko ngayong araw kasi mag-checheck lang naman ng exam. Samantalang si nuknok naman ay may tatlo pang exam ngayong araw so pabor sakin yun dahil mapaghahandaan ko ang birthday niya. Isa pa binigay niya sakin ang isang susi ng kwarto niya para daw kapag tulog pa siya at may pupuntahan kami pumasok na lang daw ako agad.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomansaOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...