DEZIRELLE'S POV
1 month later...
Kasalukuyan akong nag-rereview para sa parating namin na exam.
Isang buwan ng nakalipas pero naririto padin ang pink na rosas na binigay ni Kagashimito na nakalagay sa maliit na vase at may tubig, ang sticky note naman na ay idinikit ko sa vase.
Kinuha kong muli ang huli niyang inuwang sulat matapos niyang lumisan noong gabi na 'yon.
"osaki ni shitsurei shimasu."
osaki ni shitsurei shimasu (Excuse me for leaving first)
Huling sulat niya na katumbas ng limang salita sa wikang ingles. Limang salita na nagdulot sakin ng matinding kalungkutan.
Isang buwan na pero parang kahapon lang nangyari lahat. Hindi naman pwedeng sabihin na panaginip na naman ulit iyon dahil nakita ni Lea at Evan si Kagashimito, lalo na ako at nahalikan ko pa siya.
Halik na magpaparamdam sa akin ng mga paro-paro sa aking tiyan at ang kakaibang tadyak ng kabayo sa dibdib ko.
Dahil hindi ko nahingi at nakumpirma ang pangalan niya ay tuluyan ko na siyang tinawag na kagashimito. Oo, nanghihinayang ako dahil hindi ko sinulit ang gabi na yon, na sana hindi ko na siya hiniyaan na umalis, hindi sana ako pumayag. Na sana napigilan ko siya. Sana hiniling ko na lang na manatili na lang siya.
Mahirap paniwalaan, walang maniniwala pero hindi ako maaring magkamali dahil. Sampung taon ko na minamahal ang isang anime character, kilala at kabisado ko ang itsura, pananalita at ang mga mata niya katulad lahat kung idedetalye kay Kagashimito. At isa pa nihongo din ang paraan ng pananalita niya, hindi nalalayo sa isang anime character na nagmula sa Japan.
Naging magical ang gabi na yun. Maihahalintulad sa mga Disney Princess na naisayaw nila ang lalaking mahal nila, tumigil din ang mundo na tanging siya lang ang nakikita ko. Kaya gayon na lamang ang pagtitig ko sa kanya, hindi ko inaalis ang paningin ko dahil kakaiba ang nararamdaman ko. Walang salita ang makakapag-paliwanag ng nararamdaman ko noong gabing iyon.
Kaya nalungkot talaga ako ng sobra. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa na muli ko siyang makikita at makakasama. Sa sandaling mangyari yon hindi ko na hahayaan pa na lilisan siya.
Kaya na-inspire ako lalo at nagpursigi sa pag-aaral. Naging motivation ko siya para kayanin ang sabay-sabay na gawain ng school at stress.
6pm, Itinigil ko muna ang pag-rereview para bumili ng makakain sa labas. May bagyo ngayon kaya suspendido ang klase sa Metro Manila.
Nagdala ako ng payong at lumabas na ng dorm. Bibili ako ng ulam as karinderya at pupunta ako ng 11/11 na dalawang kanto ang layo.
Pabalik na ako galing 11/11 ng makita kong may nakasandal na lalaki sa poste nakaupo sa sidewalk at basang-basa ng ulan.
Nilapitan ko para maishare ang payong ko at mag-offer ng tulong.
Malapit na ako sa kinaroroonan niya ng makita ko kung sino.
Si..
Si Nuknok!!!
Nagmadali akong naglakad palapit sa kanya.
"Hala nuknok-ay este Christopher?! Ano ginagawa mo dito? Bat nagpapakabasa ka ng ulan jan?" -nag aalalang tanong ko sa Kanya
Hindi siya sumagot kaya inalalayan ko siyang tumayo.
Amoy alak siya at halos hindi na makadilat.
"Jusq ka nuknok!! Mag-kakasakit ka niyan eh." -naiinis kong sabi.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomanceOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...