LAST CHAPTER

262 26 31
                                    

This will be the last chapter of the love story of an anime character and a human being.  Expect the unexpected.

******

DEZIRELLE'S POV

Pagod na idinilat ko ang mata ko.  Bigla akong napaupo nang maalala ang paglaho ni Christopher na parang bula sa harapan ko mismo.

"Christopher?!" -nagpapanic kong tawag kahit alam ko na ako lang din naman ang makakarinig. 

Natulala ako ng ilang minuto at hindi na namalayan ang pagpatak ng luha galing sa mga mata ko.  Paulit-ulit akong umiling at hindi parin makapaniwala na wala na si Christopher, wala na si Kagashimito.

Bumalik na kaya siya sa anime world? tuluyan na niya ba akong iniwan at naging character na lamang sa favorite ko na anime movie?! Paano na kami? Paano na kami ng anak niya?

Patuloy ang agos ng luha ko nang nilingon ko ang side table ko at kinuha ang phone.  Binuksan ko ito at nakita kong alas-onse na pala ng umaga. Agad-agad kong i-dinial ang number ni Christopher.

*Kringggggg*

*Kringggggg*

*the number you have dial is not attended or out of coverage area please try again later.*

Muli kong tinawagan.

*the number you have dial is not attended or out of coverage area please try again later.*

Hindi...

Tinawagan ko ng ilang ulit ngunit pare-parehas ang sinasabi.

"Shit! " -bulalas ko at frustrated na napahawak sa ulo. 

Ibinalik ko ang phone sa side table at nakita ko ang pregnancy test na positive.  Napatitig ako bigla. Nang natauhan ay dahan-dahan ko itong kinuha at mas lalo akong naiyak. Niyakap ko ang pregnancy test.

Nanginginig na hinawakan ko ang tiyan ko at hinimas. 

"Baby..." -tawag ko sa anak kong wala pang muwang na nasa loob ng tiyan ko.  "Baby..  Nandito lang si mommy ha.. " -sabi ko habang humihikbi.  "Hindi kita iiwan anak. Gagawin ni mommy lahat para sayo ah... " -malambing kong sabi.

Ilang minuto rin akong natulala bago ko pa maisipan na tumayo at kumain. Makakasama sa baby ko kung hindi ako kakain.  Dapat ay kumain ako. Tama dapat kumain ako.

Pinalis ko ang luha ko.  Masakit, Oo.  Pero alam ng puso ko na nandito lang siya na hindi niya kami iniwan ng anak namin. Ibinalik ko ang pregnancy test sa side table ko katabi ng phone at saka dahan-dahan bumangon.  Nahihilo ako pero kaya ko pang maglakad. Pakiramdam ko ay susuka ako pero hindi ko na lang iisipin dahil alam ko makakasama ito kay baby kung susuka ako tapos wala pang kinakain. Masasaktan siya..  dapat ako lang ang masaktan. Hindi siya.  Wag lang siya.

Lumbas ako ng kwarto at dumeretso sa kusina.  Una kong nakita ang pamilyar na likod ng lalaki na kasalukuyang nagsasalin ng niluto niya sa mangkok. Nang matapos siya ay nilingon ako.

"Good afternoon, sleepy head." -sabi niya sabay lapag ng hawak niyang mangkok sa dining table di kalayuan.

Naglakad ako ng may kabilisan at agad na ipinulupot ang braso ko sa leeg niya at mahigpit siyang niyakap. Hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Niyakap niya din ako pabalik.

"Why? what happen? " -nagaalalang tanong niya.

"Akala ko iniwan mo na kami." -sabi ko habang umiiyak yakap padin siya.

"Kami?" -nagtatakang tanong niya. Tumango ako at saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya.  Tinignan ko siya at nagtataka niya akong tinignan.

Ipinadausdos ko ang dalawa kong kamay mula sa leeg niya pababa sa braso niya hanggang sa hawak ko na ang mga kamay niya.  Ngumiti ako at inilapat ang dalawa niyang kamay sa tiyan ko.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon