CHAPTER 36: A day together

344 25 0
                                    

AN: It took me a week to type and finish this chapter because I can't able to make a time for this. Busy sa paper works and online classes but as I promise, I will update another chapter. Enjoy reading Tenshi!

DEZIRELLE'S POV

Nanatiling nakatayo ako 'di kalayuan sa pinagkaka-upuan niya.  Hindi ko alam kung ano ang itsurang ipinapakita ko sa kanya ngayon dahil hindi talaga ako makapaniwala.  Inisip ko pa nga na panaginip lang lahat kagabi pero detalyadong naalalala ko pwera na lang sa ala-ala kung paano ako nakapag-palit ng suot.

Agad akong tumingin sa suot ko.  Takteee!!!

"P-paano a-ako nakapag-palit nang suot?!" -mauutal-utal kong sabi.  Pinag-ekis ko din ang dalawa kong kamay takip sa aking bakat na dibdib.

"Can't remember what you did last night?" -He calmy said, smirking. Automatic na nanlaki na naman ang mata ko, ngayong araw ilang beses na ko nagulat. Kulang na lang atakihin ako sa puso at mahimatay. Pwede rin naman na mahimatay na lang kesa isipin ang ginawa ko kagabi.

What?! Teka ano ginawa ko kagabi?  bat wala akong maalala?

"Teka.. A-ano ba gi-ginawa ko kagabi?" -tanong ko sa kanya, parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. Ngayon na!

Tumayo siya. Humakbang papunta sakin, nag-lalakad na siya ngayon. Dahan-dahan,  kada tapak sa sahig palapit sa direksyon ng kinatatayuan ko ay kasabay nang pabilis ng pabilis na tibok ng puso ko.  Napako ang tingin ko sa mukha niya, Nang tuluyan na siyang makalapit at inalis niya ang ilang pulgada na layo namin sa isat-isa. Yumuko siya, libel sa height ko. Tumitig siya ng diretso sa mata ko.  Para akong malulusaw ano mang oras, maigi na rin yun siguro. Kesa maramdaman ang halo-halong emosyon na di ko tukoy lahat pero siya lang ang nakakapag-paramdam sakin.

"Why you can't remember what you did to me last night huh?" -He said. Hindi agad naiprocess ng utak ko ang sinabi niya at mas lalong 'di ko namalayan na wala na siya sa harap ko.

Di ako makagalaw, parang kinabog ko pa ang puno na matagal nang panahon naka-tayo.

"I ordered deserts, sa restaurant sa baba. I'll wait you there." -Bumalik lamang ako sa akin sarili ng nagsalita muli siya mula sa likod ko.  Kasunod ang pagbukas at pagsara ng pinto hudyat na nakalabas na siya ng unit.

Napa-upo at napa-sapo ako sa ulo ko.  "Ano bang ginawa mo zirelle sa kanya?! sa ex mo?  sa...  shit!  ako nga pala pumunta dito kasi gusto ko siyang maka-usap. Naka-inom nga pala ko kagabi, naparami 'yun dahil kumuha pa ko ulit sa baba. Hays!! ano bang ginawa ko kase, bat di ko man lang ba maalala! kainissss!"

Matapos kong pagsalitaan ng kung ano-ano ang sarili ko at pilit inalala mga kaganapan kagabi lalo na ang ginawa ko ay nag-ayos na ko ng sarili.

Dumagdag pa sa iisipin ko ang maleta ko at gamit na nandito na rin sa loob ng unit niya, ni Christopher. Alam kaya ni Sheena na nandito ako? Ano ba naman yan! ang tagal ko naman kasi nakatulog bat parang pagod na pagod ako at di ako nagising agad.

"Hala!" -natigilan ako sa pagbubukas ng pinto palabas na sana ng unit niya ng biglang may pumasok sa isip ko. "May nangyari kaya samin? ang sakit ng ulo ko paggising ko, Di kaya buntis ako?!  hala pwede ba yon?  No! no Dezirelle nanaginip ka ng gising tulala sa hangin" -nabaliw na nga talaga ko.  Kumanta pa nga.

Kahit punong-puno ang isip ko sa mga kung anong pangyayari at posibilidad ay pumunta padin ako sa sinasabi ni Christopher na restaurant kung saan din kami nag-party kahapon. Nadatnan ko siya na nakaupo sa pang-dalawahang tao na table area, seryosong naka-tingin sa laptop niya. Wala pang naka-lagay na food sa lamesa, inaantay niya talaga ako.

"Sorry,  natagalan ata ako." -may kahinaan na sabi ko ngunit sapat lang na marinig niya.

"Hindi naman, don't worry." -sabi niya sabay tayo at lumapit sa upuan ko at hinatak para paupuin ako.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon