Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana na malapit sa kama ko. Wala na si Lea sa tabi ko, nasaan na kaya siya?
"Zirelle!! Anong oras na tumayo ka na jan besh at mag-almusal na tayo. Nakapag-luto na ako ng itlog tara na." -masiglang sabi ni Lea habang naka-apron pa at may hawak na sandok.
Tumango na lang ako at nagtataka kay Lea.
Teka? Okay na ba siya? Nakapag-luto na siya na parang hindi siya ngumawa kagabi. Hayss kakaiba talaga tong kaibigan ko. She is strong enough to handle the pain. Kahit kita padin ang lungkot at sakit sa mga mata niya nagagawa niya padin tumawa.
Tumayo na ako at nagligpit ng higaan. Nang natapos na ako ay nagpunta na ako sa kusina.
"Okay ka na Lea?" -nagaalalang tanong ko kay Lea habang nag-sasandok siya ng pagkain para sa aming dalawa.
Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sakin tango at ngiti lang ang isinagot niya sa tanong ko at ibinalik na niya ang atensiyon sa paglalagay ng kanin at ulam sa plato.
Tumayo muna ako sa kinauupuan ko at kumuha ng tubig sa mini ref ko at sinalin sa baso naming dalawa. Bago ako bumalik sa pagkaka-upo ko ay sinilip ko ang sofa kung saan iniwan ko si Christopher na natutulog kaninang madaling araw.
"Kumain na ba si Christopher?" -tanong ko kay Lea na katatapos lang maghugas ng kamay.
"Hindi pa, sabi niya maliligo lang daw muna siya at sasabay daw siya satin kumain." -sagot ni Lea sakin.
"Pupuntahan ko muna siya saglit para sabihin na kakain na." -sabi ko at naglakad na papalabas ng room ko para tawagin si nuknok.
*tok tok tok*
Sa unang subok ko ng pagkatok ay walang lumabas kaya pinihit ko ang door knob at ng malaman na hindi naka-lock ay napag-pasyahan ko ng pumasok. Agad na inilibot ko ang aking mga paningin sa kwarto niya para hanapin siya. Saking paghahanap ay narinig ko ang boses ni Christopher sa may terrace at nilapitan ko yun. Sa paglapit ko ay nakita ko na may kausap siya sa phone niya.
"Butler, paki dalhan ako dito ng hair color na black lumilitaw na naman ang kulay ng buhok ko." -mahinahong sabi niya sa kabilang linya.
"Kamusta na pala si dad? Is he doing fine? What's with the results?" -sunod-sunod niyang tanong.
Hindi ko marinig ang sinasabi ng kausap niya but after ng ilang minuto ay nagpaalam na siya sa kausap niya kaya lumapit na ako sa kanya.
"Halika na, kakain na tayo." -sabi ko sa kanya at agad naman siyang lumingon sa gawi ko.
Ngumiti siya at hinagkan ako sa kanyang mga bisig. Masaya ko yung ibinalik sa kanya yumakap din ako. Alam ko sa sarili ko na mabigat ang pinag-dadaanan niya dahil sa nangyayari sa daddy niya at wala man lang akong magawa.
"Tara na." -humiwalay siya sa pagkakayakap namin at hinawakan ako sa kamay. Kaya naglakad na din ako papuntang kwarto ko.
Pumasok kami at nakita namin si Lea na patapos na kumain. Nakonsensiya tuloy ako. Napatagal ng kaonti ang pagsundo ko Kay Christopher kaya patapos na tuloy kumain si Lea.
Kasalukuyan na kaming kumakain ni Christopher at si Lea naman ay katatapos lang maglipit ng pinagkainan niya kaya bumalik siya sa upuan niya kanina at nag-scroll ng kung ano-ano sa phone.
"Christopher, ano nangyari sa buhok mo?" -biglang nagsalita si Lea na ikinagulat ko ng bahagya. Kanina pa kasi ako naiintriga sa buhok ni Christopher kung saan saan na nga nakarating ang isip ko eh kaya buti na lang at naitanong ni Lea kasi nahihiya akong magtanong ng direkta kay Christopher.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomanceOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...