CHAPTER 18: Tears

268 24 1
                                    

NP: Fix you By Cold play

*****

DEZIRELLE'S POV

so? si Christopher yung partner ko noong year end party almost 3 years ago? ngayon na sinabi niya at ipinaliwanag sakin ay naguguluhan padin ako. Wait! kung siya yun, bakit kamukhang-kamukha niya si Kagashimito? Ang sakit sa ulong isipin.

"A-akala ko na si ka-kagashimito yung kasayaw ko noon." -uutal-utal kong sabi sa kanya. Kaya pala parang pamilyar ang labi niya noong hinalikan ako. Pero hindi ako pwedeng magkamali hawig na hawig sila ni Christopher at Kagashimito.

"Kagashimito?" -nag-tatakang tanong ni Christopher. Oo nga pala hindi niya kilala ang long time anime crush ko, hindi ko pala nagawang ipakilala si Kagashimito sa kanya kasi mas pinili kong ipagsawalang bahala at kalimutan si Kagashimito.

"Si Kagashimito, isa siyang anime character. Bida siya sa favorite kong movie. Namatay siya sa movie na yun kaya nalungkot ako. 10 years ko na siya mahal noon pero dumating ka sa buhay ko at ikaw na ang mahal ko... Hindi ko alam kung normal pero iba yung nararamdaman ko sa kanya, kaya naman kahit ilang beses ko panoorin ang palabas na yun ay hindi ako nagsasawa." -pagpapaliwanag ko kay Christopher.

Hindi siya nakapagsalita. Hindi ko alam kung galit siya o ano. Hindi ko naman siya masisisi kung magagalit siya sakin dahil sa inihahalintulad ko siya kay Kagashimito na isang anime character.

Kaya kinuha ko ang phone ko na nakalagay sa study table. Binuksan ko ang gallery ko at nag-brows. Nang makita ko ang litrato ni Kagashimito ay inabot ko sa kanya ang phone ko para makita niya.

Kinuha niya naman sakin at tinignan.

Wala siyang reaksyon habang tinitignan ang mga pictures. Natatakot ako sa sasabihin niya. Magagalit kaya siya sakin?

"Kamukhang-kamukha mo si Kagashimito, alam ko imposible pero ilang beses ko ipinagsawalang bahala. Nakikita ko sayo lahat ng physical features niya pati pananalita lalo na kapag nag-ninihongo ka. Hindi ko maiwasan isipin na baka ikaw siya. Mahal ko siya pero mas mahal kita." -sunod-sunod kong sabi sa kanya pero nanatili lang siyang tahimik at nakatitig sa phone ko.

"Buong akala ko na si Kagashimito ang kasayaw ko noon. Magical para sakin ang gabing yun. Hindi ko ina-"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng hinawakan niya ang ulo niya at bumubulong ng mga mura.

"Minahal mo lang ba ako dahil nakikita mo sakin si Kagashimito?" -malungkot niyang tanong sakin. Hindi niya ako magawang tignan o harapin man lang.

"Hi-hindi.." -nauutal kong sabi. Nag-uumpisa na kasing mag-unahan ang luha sa mga mata ko ng makita ko siyang umiiyak na.

"Sa lahat ng mga pinapakita ko sayo. Iniisip mo lang ba na isa akong anime character na Mahal mo ng sampung taon?" -sabi niya sakin sa basag na boses. Bumuhos na din ang mga luha niya. Hindi ko alam kung paano pipigilin.

"Hi-hindi lov-"

"Ba-bakit ang sakit isipin na.. na-nakukumpara ako sa isang anime character. Ako yung nandito.. pero parang siya ang ka-kasama mo."

Hindi ko magawang magsalita kasi baka mas lalo ko lang siya masaktan. Hindi naman ganon yun. Mahal ko naman siya. ni minsan hindi ko naman inisip na si Kagashimito ang kasama ko at hindi siya.

"Oo, hindi ko alam kung saan ako nanggaling, wala akong maalala na kahit na ano. Kaya hindi ko maisip na maririnig ko sayo lahat ng 'to." -sinasabi niya ang bawat salita sa pagitan ng bawat pag-hikbi niya.

"Mahal kita, Mahal na Mahal." -sabi ko sa kanya. Seryosong sabi ko sa harapan niya kahit wala na akong makita dahil sa dami ng luha na lumalabas sa mga mata ko.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon