First day ng Valentine's week celebration. (from~Feb. 12-16)
EVAN'S POV
kasalukuyang nandito ako sa comfort room ko dito sa dorm. Habang bumubuhos ang tubig mula sa shower ay iniisip ko kung paano ako aamin kay Dezirelle. Baka maunahan na naman kasi ako tulad noong year end party.
May iba akong pakiramdam Kay Christopher, parang may gusto din siya kay Dezirelle. Kaya kailangan ko ng kumilos.
Nag-patuloy ako sa pagligo at pagsasabon ng buo kong katawan.
Pag-kalabas ko ng cr ay nakita ko ang gitara sa gilid ng study table ko.
Bakit kaya hindi ko na lang haranahin si Zirelle?? - sabi ko sa sarili ko.
Agad akong nagbihis at pumunta ng study table, kinuha ko ang notebook at ballpen saka ko sinulat ang plano ko.
Nag-chat ako kay Lea.
To: Lea Cassiopeia Uy
Kita tayo mamaya. Sa may bench sa malaking puno.
Hindi siya naka-reply. Baka busy siya may pasok din kasi sa ngayon eh.
Pumasok na ako ng school at napadaan sa mga booth ng biglang may lumapit sa akin.
"Hi, naka-black t-shirt ka po. Ngayong Valentine's week ay bawal po ang black na pang-itaas kaya sumama ka po sa amin sa jail booth dahil lumabag ka po." -sabi ng senior na babae na criminology.
Pinakita niya sa akin ang Do's and Dont's kaya Hindi ako nakapalag at sumama ako sa kanya.
Ban ang selpon. Kinukuha nila dahil bawal sa loob ng kulungan.
Medyo madami na kami sa loob ng kulungan.
Paano kaya ako lalabas dito.
"Paano makalabas dito? " -tanong ko sa lalaking kasama ko dito sa loob.
"Kailangan kang tubusin. Mukhang ng dahil sa t-shirt mo kaya ka nahuli." -sabi niya sa akin.
"Paano? Pera ba? " -tanong kong muli sa kanya.
"Kapag T-shirt, 50pesos ata yung tubos." -sabi niya naman.
"Kanina ka pa dito?" -tanong ko muli sa kanya.
"Magkasunod lang tayo hahaha, nahuli kasi ako dahil sa hikaw ko sa tenga." -naka ngiting sagot niya.
Nasabi din niya na bawal sarili naming pera. Kailangan galing sa ibang tao at kailangan ibang tao ang tumubos.
Naka-upo ako malapit sa rehas ng kulungan na ito.
Hindi na ako natutuwa. Padami na kami ng padami dito sa loob.
Maya-maya ay natanaw ko mula sa malayo ang isang babae. Kilala ko 'to kaya tumayo ako at aaninagin Kung sino para matawag ko.
"Lea!!" -sigaw ko.
Pero Di ako naririnig.
"Leaaaaaa!! " -muli kong sigaw.
Lumingon siya pero di padin niya ako nakikita.
"Lea Cassiopeia Uy!!!! Ditooo! " -malakas kong sigaw.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomanceOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...