Late na akong bumiyahe papasok ng office. Dahil sa kakaisip ko kagabi ay napuyat ako at anong oras na nagising. Sana hindi ako pagalitan ni Sir William mamaya kasi baka umiyak na naman ako, emosyonal ako ngayon kaya baka simpleng sigaw lang ay hindi ko na mapigilan na maiyak ulit.
Dumating ako ng building ng kumpanya namin ng 10mins. late. Bago ako bumaba ng sasakyan ay tinignan ko muna sa salamin ang sarili ko.
"Shit!" -bulong ko sa sarili ko ng makita kong mugto ang mata ko at parang kinagat pa ng ipis.
Hinanap ko ang shades ko sa mga lalagyanan ko sa loob ng sasakyan nang makita ko ay agad kong isinuot. Buti na lang at tirik ang araw kahit na 8:30 pa lang kaya hindi naman papansinin pa ang shades ko pero kailangan ko na itong tanggalin kapag nakapasok na ako sa loob ng office kasi mukha naman akong tanga non.
Pumasok ako ng building taas noo, confident na naglakad parang hindi napuyat at umiyak kagabi. Laking pasasalamat ko talaga sa shades ko dahil natatakpan nito ang gabing hindi ako tinantanan ng sakit.
Pagkadating ko sa cubicle ko ay inilapag ko ang bag ko at umupo sa upuan ko. Tinanggal ko amg shades ko at inilagay sa gilid ng monitor. Uumpisahan ko na ang trabaho ko. Maswerte ako dahil hindi ako pinatawag sa office ni Sir William kaya gagawin at tatapusin ko na agad itong trabaho ko para magpa-good shot. Hehe
Sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ko ay lumapit si Ravier at inilapag ang lunch meal na siya mismo ang nagluto sa bakanteng table na nasa gilid ko. Simula kasi noong pinayagan ko siya manligaw nagluluto siya bago pumasok ng trabaho at dinadalhan ako. Tumanggi ako nung una at sinabi ko sa kanya na hassle yun at baka maging reason pa ng pagka-late niya pero tutol naman siya dahil gusto niya daw ang ginagawa niya at hayaan ko lang daw siya. Tinignan ko ang oras sa screen ng monitor ko at hindi ko na namalayan ang oras-1hr na lang at lunch break na pala.
"Are you okay? Ano nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?" -sunod-sunod na tanong ni Ravier nang mapansin ang mugto kong mata. Hindi ko siya tinitignan at ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.
"I'm okay Ravier. Don't worry." -malamig kong sabi, diretso ang tingin sa monitor.
"Don't lie Zirelle, may problema noh? Ayaw mo lang sabihin sakin. Pero zirelle alam mo naman na I'm willing to listen lalo na sayo." -malungkot ang tono ng boses niya. Humarap na ako sa kanya at tinignan siya.
"Hindi ako nakatulog kasi masakit yung tiyan ko, LBM you know." -nakangiti kong sabi. Sorry Ravier wala na akong maisip na irason sayo.
"Okay na ba ang tiyan mo? Sana hindi ka na lang muna pumasok para nakapag-pahinga ka." -kunot ang noo niya.
"Uminom na ako ng gamot kagabi, okay naman na ako kanina pagka-gising ko. Don't worry na okay?" -kalmado kong sabi sa kanya.
Tumango siya. "I am here to inform you na they already signed your teams proposed project." -umaliwalas ang mukha ko at napangiti bigla sa sinabi ni Ravier.
"Really?!" -nanlaki ang mata ko hindi makapaniwala sa sinabi niya. Tumango siya at tumawa.
"Oh my!" -tumayo ako at niyakap si Ravier sa sobrang saya. Akala ko ay hindi aaprubahan yung project namin dahil baka hindi ko naipaliwanag kahapon lahat. Pero shit! kaya pala walang tao dito sa loob ng office kanina pagdating ko hanggang ngayon ilang oras na nakalipas simula ng dumating ako.
"You deserve it Zirelle, your team deserves it." -masayang sabi niya habang yakap ako.
Kumawala ako sa yakap namin dalawa at hinarap siya. "Thank you sa tiwala at sa support!" -nakangising sabi ko habang nakatingin kay Ravier.
"Another thing, magkakaroon ng company trip sa isang beach resort sa palawan, I dont know about the other details and I'm not yet sure kung sasama ang mga big boss or ang CEO." -excited na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomansOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...