5 years later...
I got promoted sa work ko at sa halos isang taon kong ipon ay nakapag-pundar na din ako ng sarili kong kotse. Naging workaholic ako these passed years, ito ang naging way ko para mai-distract ang sarili ko.
Narealize ko din na totoo pala yung sinasabi ng iba na malaking responsibilad ang kaakibat ng pagiging adult at madami din ang natutunan at napag-tanto.
Kasalukuyan akong busy na naglalay-out ng book cover ng isang manga book ng lumapit sakin si Sheena.
"Sabay tayo lunch later, Zirelle." -sabi niya ng nakangiti sakin. Oo friends na kami ni Sheena at mas nakilala namin ang isat-isa nitong mga nag-daan na taon.
Tumango ako. "Sure! Tapusin ko lang 'to." -sagot ko. Nag-thumbs up siya bago bumalik sa table niya.
Natapos ko ang layout ng front page. Saktong lunch time na inaya ko na si Sheena bumaba para kumain. Pagka-pasok namin ng restaurant malapit sa building namin ay agad na nag-order si Sheena ng pagkain same order lang naman kami so siya na daw. Ako naman ay naghanap ng pwesto para sa aming dalawa.
"So, ready na ba kayo sa Proposed project niyo? Next week na yung presentation, I'm sure busy na kayo ng members niyo this week." -sabi ni Sheena ng maka-balik na dito sa inuupuan ko. Inaantay na namin ang food namin.
Uminom ako ng tubig. "We're still preparing pa Sheena. Actually kinakabahan ako. I heard na aattend daw yung CEO ng company kaya pressurred ako ng bongga. Pero kaya naman namin." -naka ngiti kong sabi sa kanya.
"Alam mo balita ko galing pang ibang bansa si Mr. CEO, sabi pa sakin ng friend ko sa higher office pogi daw yun tsaka single. Sis! Baka chance ko na'to!" -kinikilig na kwento niya sakin. Hays chismosa talaga tong babae na 'to kahit kailan.
Umirap ako. "Ayan ka na naman, kaka-break mo pa lang tapos naghahanap ka na naman ng mananakit sayo." -pabirong sabi ko.
"Ah basta baka siya na ang para sakin. " -pag-iilunsiyon niya habang hinahawakan ang labi niya.
Ang dami talaga nitong alam ni Sheena sa makamundong ginagawa, akala ko si Lea na ang pinaka may maduming pagiisip hindi pala. Kasi yung kay Sheena mala-imburnal sa sobrang dumi.
Dumating na ang order namin at natigil na sa pag-iilusyon si Sheena. Nagumpisa na kaming lantakan ang foods.
"Ma'am may nag-papapigay po." -sabi ni manong guard sabay abot sakin ng Boquet of roses.
"Sa-salamat." -sagot ko. Tumango na siya at umalis.
Nabaling ang tingin ko kay Sheena na nag-uumpisa ng bumuo ng kung anong hyphothesis sa utak.
"Wala akong boyfriend okay? Totoo yung sinabi ko sayo kaya wag ka nga jan." -sabi ko. Habang tinitignan ang boquet. Napansin ko ang letter na nakasuksok sa loob nito.
"Asus! Eh kanino yan?" -atribididang sabi ni Sheena sabay turo sa hawak ko.
Umiling ako at kinuha ang letter. Binuklat ko at binasa.
Good day! beautiful lady. I just want to say that I'll fetch you later.
~Ravier :))
Walang pakundangan na inagaw sakin ni Sheena ang letter. Hinayaan ko na lang, sanay na ako sa kanya.
"Bakit kasi hindi mo pa pabayaan manligaw sayo si Sir?" -naka ngisi niyang tanong habang tinutupi ang letter.
Inabot niya sakin ang letter. "Ayaw ko naman siya paasahin sa wala. Tsaka sabi ko naman sayo na wala sa isip kl ang mga ganyan." -seryosong sabi ko habang nilalapag ang boquet sa katabing upuan ko na bakante.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomanceOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...