CHAPTER 22: Beer Night

265 23 1
                                    

"Sino ang masuwerteng tanggera sa gabing ito?" -excited na tanong ni Lea ng salubungin namin si Evan sa pintuan.

"Syempre ikaw! Bihasa ka sa ganitong bagay eh" -barubal na sagot naman ni Evan kay lea.

"Akin na nga yan at ng maayos ko na sa kusina." -sabi ko naman sabay kuha ko sa mga bitbit ni Evan na alak at pulutan. "Bahala kayo mag-sabong dalawa jan" -nangaasar kong sabi bagi ko sila iwan sa sala.

Tuloy padin silang nag-sasagutan sa sala habang inaayos ang maliit na lamesa ni Lea sa may sala.

Inilagay ko sa plato ang ibat-ibang inihaw, nilagay ko sa platito ang suka. Binuksan ko rin ang malaking fish cracker at inilagay ko na lahat sa mini table ni Lea.

Tatlong baso din ang inilapag ko sa lamesa habang binubuksan ni Evan ang alak.

"Cheers!" -sabay-sabay namin sabi habang ibinangga ng marahan ang mga baso namin sa isat-isa. Sabay din namin namin ininom at inubos para sa unang tagay.

"So habang nagiinuman dapat may laro. May baraha ako dito. Ginamit namin sa play last month naitago ko ramdam ko kasi na magagamit ko pa eh." -masayang sabi ni lea sabay tayo at pumunta ng kwarto niya. Kinuha ata ang sinasabi niyang baraha.

"Zirelle! Kalimutan muna natin lahat, enjoy muna tayo ngayong gabi ah?" -naka ngiting sabi ni Evan sakin habang iniinom ng paunti-unti ang alak sa baso niya. Ngumiti at tumango lang ako kay Evan. Oo naman!!


"I'll explain the rules!" -pasigaw na sabi ni Lea pagkabalik niya dito sa sala.

Nilapag niya ang baraha sa lamesa. "Ikakalat ko pa-circle shape ang baraha then bubunot tayo nang tig-isa pataasan ng nabunot na number tapos kung sino ang nakakuha ng mataas siya ang mag-tatanong ng truth or drink! isang basong alak ang tuloy-tuluyin na iinumin ha?! Game na!!!" -excited niya na sabi habang inihahanda ang baraha. Kinakabahan ako sa laro na 'to ah?

"Bunot na agad sus!" -sabay kuha ni Evan ng baraha sa lamesa. Kumuha na din ako at si Lea.

"Pagbilang ko tatlo ipapakita ang card ah?" -sabi ko naman. Kinakabahan baka ako ang unang mabinyagan.

1.. 2... 3.....

"Swerte naman ni Evan!" -sabay turo ni Lea sa card ni Evan.

Evan- 10 speed
Lea- 5 hearts
Ako- 6 flowers

"Okay! Sa inyo mga magagandang binibini, Truth or Drink?!" -masayang tanong ni Evan sa aming dalawa ni Lea habang nagsasalin ng alak sa baso namin ni Lea.


Nang makita ko yung baso jusq ang taas ng lagay. Tatamaan agad talaga ang sino mang iinumin ng mabilisan.

"Truth!" -sabay namin na sagot ni Lea, ngingiti ngiti pero kinakabahan na.


"Hmmm, unforgettable moment na kasama ako?" -tanong ni Evan.

"Noong naging pilit na partner mo ako. HAHAHAHA" -natatawang sagot naman ni Lea.

"Ako naman, nung sinurprise mo ako." -natigil sa pag-tawa sila Evan at Lea at tumingin sakin, biglang nagseryoso ang ihip ng hangin sa pagitan naming tatlo. Wrong answer Zirelle!!


"Okay next na!" -pang-babawi naman ni Lea. Buti naman ay nawala na ang ibang ihip ng hangin.

Bumunot ulit kaming tatlo. This time si Lea ang masuwerteng nakabunot ng mataas na number ng baraha.

"Truth or Drink? wahahahaha!" -masayang tanong niya habang pumapalpak pa.

"Truth syempre!" -sagot ni Evan.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon