CHAPTER 21: Stay strong

289 23 2
                                    

Gumising ako ng sobrang bigat ng mata bukod sa kakaiyak ay hindi naman talaga ako naka-tulog dahil maya't-maya ako nagigising. Matapos kong sabihin kay Evan lahat ay nag-pasya na kaming mag-pahinga nasabi niya sakin na galing siya sa bakasyon sa palawan pagka-uwi niya kahapon ay dumeretso na siya dito. Pagod siya sa biyahe kaya naka-tulog siya agad sa may sofa, hindi ko na siya pinilit umuwi dahil anong oras na at baka mapano pa siya sa daan.

Kailangan kong bumawi kay Evan kaya mag-luluto ako ng almusal namin para kapag nagising siya may pagkain na, baka kapag siya yung unang magising ay lutuan na naman niya ako.

Pumunta ako ng kusina at tinignan ang mini ref ko, may mga itlog pa at ham ipiprito ko na lang ito habang inaantay maluto ang kanin sa rice cooker.

Maya-maya pa ay nagising na si Evan,  pumunta siya dito sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom.

"Good morning!" -naka-ngiti niyang bati sakin. Hindi man good ang morning ko kailangan ko padin bumati pabalik sa kanya at ngumiti.

"Morning, Evan. Maupo ka na jan maluluto na ang kanin." -sabi ko sa kanya. Gulo-gulo ang buhok niya naka-gray v-neck shirt at sweat short, yun padin ang suot niya niya simula kahapon na umuwi siya galing sa Palawan.

"Sige! Mukhang masarap yan ah. Excited na ako matikman ka ay este yung luto mo. Haha" -nakakaloko niyang banat, kahit nakaka-green ay napa-ngiti naman ako.

"Bibig mo pasmado. Batukan kita jan!" -masungit kong sabi pinipigilan ang pag-tawa. Dahil sa pagpigil ko ay mas lalo siyang natawa at tuluyan na akong nahawa. Nag-tawanan kami na parang baliw.

Napuno ng kwentuhan ang hapag. Kahit na natapos ang pagkain namin ay nanatili pa kaming naka-upo at nag-kukwentuhan. Sa tagal namin na hindi nag-kita at nag-kasama ay talagang 'di maikakaila na madaming kwento na naipon.

"2pm ang class ko ngayon hanggang 7pm. Umuwi ka na, may pasok ka din." -sabi ko sa kanya. Pinaalala ko na may pasok kami parehas at wala pa naman siyang dalang kotse kaya matatraffic siya kung don padin siya sa dating condo niya tumutuloy.

"Opo boss. 3pm pa naman class ko until 6pm, isang subject lang. Major subject. Before lunch na ako uuwi. Kaya wag mo na ako palayasin haha!" -mapang-asar niyang sabi.

Nagligpit na ako at nag-hugas ng mga pinag-kainan naming dalawa. Kahit sa sandaling oras ay hindi ko inalala ang problema na kinakaharap ko ngayon.

Bumalik ako sa sala kung saan nakita ko si Evan na may pinag-aabalahan. Hiniram niya kasi ang laptop ko pero 'di ko alam kung para saan, hindi naman niya sinabi sakin.

"Ano yan?" -tanong ko habang tinitignan ang screen ng laptop ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko na sinisearch niya si Christopher.

"Hinahanap ko si Christopher sa twitter. Naka-deactivate kasi siya sa facebook pati sa IG. Sabi mo nasa iyo ang phone niya naisip ko na there's no why of contacting him, sa ngayon." -malungkot niyang sabi sakin habang nakaharap padin sa screen ng laptop,  nagsscroll ng twitter user.

"Kung ayaw niya akong kausapin uunawain ko na lang siya kahit masakit at mahirap sakin. Leaving me without leaving a reason why, unfair niya." -napa buntong hininga ako ng malalim ng ma-realize na ayaw niya pa talaga ako harapin o kausapin man lang. Galit ba siya? Naiinis ba siya?

"Kasing lalim naman ng Pacific Ocean yang buntong hininga mo. Mukhang ayaw niya talagang mag-pahanap kaya bigyan niyo muna ng oras ang isat-isa, hindi niya pa gaanong maunawaan ang tungkol kay Kagashimito, dahil hindi mo naman naikwento ng buo. Kapag nagka-chance pagusapan niyo ng maayos. Sa ngayon mahirap din sa part niya kasi nag-luluksa pa siya sa pagkawala ng daddy niya." -pagpapaliwanag niya sakin. Naliwanagan naman ako sa sinabi niya,  Oo Tama siya. Hahayaan ko muna si Christopher.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon