NP: can't take my eyes off of you by Engelbert Humperdinck
*****
LEA'S POV
As usual walang nag-aya sa akin para maging partner sa Year end party. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko, maganda naman ako ah kaso inaamin ko masungit ako pero mabait naman kapag naka-palagayan ko ng loob at isa pa kalog ako sa bakettt?!?!!
May mga kaibigan din akong lalaki, pero mostly sa kanila may mga girlfriend na. Masusuwerte yung mga girlfriend nila dahil matitino sila at alam kong wagas mag-mahal. Yuckk!! Puring-puri naman ako, Lea inaamag love life mo tapos nag feflex ka pa ng iba haha!
Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang selpon ko.
Chat(2) : [Lovekita for RELLE]
Siz! May partner ka na bukas para sa party.
Surprise kung sino. Kaya wag ka na mangulit. Wala akong balak sabihin.
(seen)
Reply (4): [CASSIE lovekita]
Ha?? Sino na naman yan Zirelle. Baka naman fake news yan.
Nako baka naman naawa ka sakin kaya nag-hired ka pa.
Oh, Ikaw meron na ba?
Kung wala kang partner ayoko magkaroon ng partner.
(seen)
Chat (3): [lovekita for RILLE]
Basta mabait to, pogi, gentleman at masaya kasama.
Yes, may partner na ako.
Actually katulad mo eh hindi ko din siya kilala.
So humaba pa ang chat naming dalawa, chinika niya sakin lahat. Yung tungkol sa pa-letter ni Mr. Unknown, actually sweet sister guy kaso di maiwasan na mag-alala. Kapag may ginawa talaga yung mokong na yun. Ipupokpok ko yung takong kong 5inches.
Chineck ko nickname namin ni Zirelle. Ang cute lang uwu.
lovekita for RELLE, Pinalitan ko yung word na real ng name niya haha.
Naisip niya naman yung CASSIE lovekita na dapat ay word na kasi eh pinalitan niya ng second name ko. Sweet namin shems.
--------------
EVAN'S POV
Hindi ko maiwasan malungkot dahil hindi ako magiging partner ni Dezirelle para bukas. Naunahan na pala ako, kung sana hindi ako dinaga noong nakita ko siya sa little Theater na araw ng general assembly namin sana ako yung mas pinili niya makasama niya sa party.
Naging kababata ko si Zirelle. Dahil lagi kami mag-kasama ay naging kumportable na ako sa kanya, noong una ay akala ko normal lang kasi friends kaso noong dinala ako ni Daddy ka Japan para doon mag-aral ay may part ko na kulang.. Ilang buwan ko ding hinanap kung ano ba ang kulang dahil nagiging rason yun ng lungkot ko. Isang gabi napag-tanto ko na lang na si Dezirelle ang kulang na iyon, siya yung hinahanap nitong puso ko. Siya pala ang nag-iwan ng masayang alala na hindi ko kailanman nakalimutan.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomanceOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...