CHAPTER 32: Your drunk

257 22 0
                                    

DEZIRELLE'S POV

Natulala ako, hindi ko alam kung bakit walang gustong lumabas na salita sa bibig ko. Nagulat ako sa mga sinabi niya hindi ko inexpect na sasabihin niya yun ang buong akala ko ay kinalimutan niya ang lahat sa amin at ang mas ikinagulat ko at nagpaurong ng dila ko ay ang nakikita kong lungkot at sakit sa mata niya.

"I have to go, enjoy the party." -malungkot na sabi niya at saka tumalikod sa akin at umalis.

Sinundan ko ng tingin ang paglalakad niya palayo sakin.. naalala ko yung huling gabing nakita ko siya na naglalakad palayo sakin, palabas siya ng dorm ko non. Yun ang huling beses na nakita ko siya dahil kinabukasan ay tuluyan na niya akong iniwan. Pumasok na siya sa loob ng hotel, ibinalik ko ang tingin sa ko sa dagat. Sa dagat ako nakatingin pero ang nakikita ko ay ang malungkot at nasasaktang mukha ni Christopher.

"Dezirelle!!" -bumalik ako sa sarili ko nang tawagin ako ni Sheena.

"Sorry hindi ako nakabalik agad kanina. May kinausap kasi ako." -sabi niya.

Nilingon ko siya. "Okay lang" -sabi ko.

"Okay ka lang ba?" -nag aalalang tanong niya.

"Ha? ahhh Oo. Okay lang ako." -pilit ang ngiting sagot ko.

"Tara magswimming na tayo!" -excited na sabi niya sakin.

Tumango ako. "Sige, pero kumuha muna tayo ng towel, para hindi tayo lamigin pag-ahon natin mamaya." -sabi ko.

Kumuha kami ng tig-isang towel at kumuha ma din kami ng beach mat para ilapag ang damit namin. Naka-dress pa kasi kami na pang-beach, yung suot namin kanina sa party.

"Dito na lang" -sabi ni Sheena ng makakita na siya nang malilim na pwesto. Nasa ilalim kami ng puno.

Inilatag ko na ang beach mat na hawak ko. Tinulungan naman ako ni sheena na mailatag ng maayos. Inilapag niya ang nakatuping towel naming dalawa. Hinubad na niya ang dress niya at hinubad ko na din ang akin. Natira na lamang sa aming daalwa ng two piece namin. Itinupi muna namin amh dress namin at saka itinabi sa towel na nakalagay sa mat.

"Tara!" -excited na aya sakin ni Sheena. Tumango ako.

Naglakad kami sa buhanginan patunging dagat, may mga naliligo na din doon.. kaya nakaramdam ako ng hiya. Kahit naman maganda ang hubog ng katawan ko ay hindi ako ganon ka-confident kapag nakasuot ng ganito hindi tulad ni Sheena.

Naunang sumuong sa dagat si Sheena. Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa nakalubog na ang katawan namin parehas.

"Whooo! sarap ng tubig!" -masayang sabi niya.

"Tama ka! Nakaka-relax pa!" -pag sang ayon ko sa kanya.

"Nasaan pala si Ravier?" -tanong niya.

"Tinawag siya ng event organizer, nagpaalam siya sakin kanina." -sagot ko.

Ngumiti naman siya. "Umamin ka nga sakin, kayo na ba? boyfriend mo na ba si Ravier?!" -curious ma tanong niya.

Umiling ako. "Hindi" -sagot ko.

"Asuss!" -sabi niya sabay sampal niya sa tubig kaya naman napapikit ako sa ginawa niya dahil tumalsik sa mukha ko ang tubig. "Kunwari ka pa!" -sabi niya pa. Pilit amg tawang ipinakita ko sa kanya. Hindi na lang ako nagsalita para hindi na humaba pa.

Nag-pasya kaming mag-swimming ng magkahiwalay.. kahit na dinidistract ko ang sarili ko sa paglangoy na ginagawa ko ay hindi ko padin talaga maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Christopher, lalo na ang expression na ipinakita niya sakin kanina. Nakaka-durog ng puso ang lungkot na nakita ko sa mata niya. Hanggang sa nagpag-desisyuman ko na umahon na. Naglakad ako sa buhanginan papuntamg pwesto namin kanina, hindi ko pinansin ang tawag ni Sheena sakin. Kinuha ko ang towel at ipinunas ko sa braso ko at pagkatapos sa katawan ko, itinapis ko ang towel at saka ako naupo.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon