CHAPTER 27: My heart beat

225 17 1
                                    


Presentation day na at nag-reready na kami ng projector sa loob ng board room. Maaga kami nag-prepare para less hassle. Hindi ko alam kung sino-sino ang mga aattend sa araw na ito basta ibibigay ko lang lahat ng best ko. Matagal-tagal din namin ito pinaghandaan.

Ilang minutes na lang at magsstart na. Nagsisidatingan na din ang mga boss namin. Mas lalo ako makaramdam ng kaba.

Kinalabit ako ni Mika na kasalukuyang katabi kong nakaupo."Zirelle, Dadating pa kaya ang CEO? sana wag na, nakaka-kaba eh." -sabi niya, diretso ang tingin. Nasa mahabang lamesa kami, nasa harap namin ang mga boss at ang mga heads kada department. Naka-ngiti lang ako at nangangawit na ang panga ko.

"Nakita mo na ba yung CEO natin?" -tanong ko sa kanya. Humarap siya sakin at tumango.

Tumingin din ako sa kanya. "Kumalma lang tayo at mag-focus ha? Kaya natin 'to." -sabi ko.

"Masungit kasi 'yon, ngayon lang ako magsasalita sa harap nang najan siya.Paano kung magtanong siya sakin tapos hindi ko nasagot. Nako baka matanggalan ako ng trabaho." -kinakabahan niyang sagot sakin.

"Mika, wag ka ngang nega jan, focus ka lang tsaka alam mo naman ang laman ng presentation natin, magtiwala ka sa sarili mo. Alam kong kaya mo yan." -naka-ngiti kong sabi sa kanya. Tumango siya at umayos na ng upo.

Hawak ko ang mga papers na naglalaman ng presentation namin, binabasa ko muna para marefresh ako. Ready naman na ako noong isang araw pa kaso baka magka-mental block ako habang nagsasalita wag naman sana.

Inhale-Exhale, ilang beses na ako mag-salita sa harapan ng mga boss sa ilang taon ko dito sa kumpanya.

"Attention ladies and gentelmen." -nag-salita na ang head ng department namin. Napukaw niya ang attention ng lahat. Itinigil ko muna ang pagbabasa at inilapag sa lamesang nasa harap ko.

Hindi ko na nasundan ang mga sinabi ng head namin, napako na ang tingin ko sa pamilyar na lalaki na naka-upo sa tapat ko. Nanlalaki ang mata ko at nanigas sa kina-uupuan ko.

"Mr. Christopher Jamie Chua, CEO of CJC Publishing Company." -pormal na pag-papakilala sa kanya. Tumayo siya at nag-head bow, tinignan niya halos lahat ng tao na nakaupo sa mahabang lamesa na'to ng hindi man lang ngumingiti. Nag-tama ang paningin namin. Shit! iniwas ko ang tingin ko dahil baka mangisay na lang ako dito o umiyak na lang bigla.

Nung tinignan ko siya ay agad kong napuna ang mga pagbabgo niya physically tulad ng build ng pangangatawan niya, mas tumingkad ang maputi niyang balat, mas tumangkad din siya at mas naging seryoso ang mukha pero overall siya padin si Christopher, yung lalaking matagal ko ng inaantay.

Shit! Ano ba Dezirelle! Naiinis ako sa sarili ko, sa ilang taon na wala siya dahil iniwan niya ako ay hindin padin nawala o nabawasan man lang ang nararamdaman ko para sa kanya pero sa kung paano niya ako tapunan ng tingin at sa kung paano ko siya tinitignan ay talagang naka move-on na siya.

Seryoso siyang nakikinig sa unang speaker ng presentation namin, sunod na magsasalita ay si Mika at pagkatapos niya ay ako na. Tatlo kaming naatasan mag-present ng project na naisip ng buong team.

Tumitingin ako sa kanya ng ilang segundo at ibabalik ko na naman ang tingin ko sa harapan. Kasalukuyan ng nagsasalita si Mika. Lumakas ang tibok ng puso ko at nagsisimula ng mangatog ang tuhod ko. Juice ko!

Teka nga! Bakit hindi ko man lang kase naitanong kung sino ang may-ari ng kumpanya na 'to dati?! Ni hindi ko man lang alam na kanya 'to? So, nagkaroon na pala sila ng branch dito sa Pilipinas? Takte naman bakit koba siya iniisip? Eh mukha namang wala na siyang pake sakin.

"The next speaker will going to elaborate each examples." -last na sinabi ni Mika at naglakad na pabalik sa tabi ng upuan ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harapan.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon