CHRISTOPHER'S POV
Nagpasya akong umakyat na matapos ng ilang mga shot sa table namin. Nagkakatuwaan pa sila, nakipagkwentuhan din ako sa iba patungkol sa negosyo but I am tired so I excused myself and my secretary."ahhh Sir sabi po ng kaibigan ni Sheena na si Jen na nagpapahinga na daw po si Sheena.. nalasing daw po siya."
"Kung ganon ay padalhan mo na lang mamayang umaga sa staff ng hotel ang mainit na sopas at hang over medicine." -utos ko sa kanya. Nakokonsensiya din naman ako sa sinabi ko sa kanya.
"Okay po sir." -sagot niya.
"Magpapahinga na ako." -sabi ko. Tumango siya at saka ako tumalikod at nagtuloy na ng lakad papuntang room ko.
Habang nag-lalakad ako naalala ko ang paguusap namin ni Sheena kanina.
Flashback..
Lumabas muna ako para sagutin ang tawag sa phone ko. Nang matapos ko na kausapin ang kliyente mula sa japan ay ibinaba ko na ang tawag at ipinasok ang phone sa bulsa ng sweat short ko.
"Sir" -may tumawag sakin. Nilingon ko naman para malaman kung sino iyon.
Si Sheena pala.
"Yes?" -pormal na tanong ko. Actually kanina niya pa ako nilalapitan at kinakausap. Kahit hindi naman ako interesado sa sinasabi niya at kahit alam niyang wala akong gana sa pakikipag usap sa kanya pero nagkukwento padin siya. Kapag nagtatanong naman siya ay sinasagot ko lang ng diretso o maikli. Basta hindi siya magtanong ng personal na question. Hindi ko kasi ugali ang magkwento ng buhay ko.
"May sasabihin po ako sayo Sir." -nahihiyang sabi niya pero kita kong nilalakasan niya ang loob niya. Kanina ko pa napapansin na may ibang kahulugan ang paglapit niya at pakikipagusap sakin pero ipinagsawalang bahala ko na lang.
"Ano yun?" -seryoso kong tanong.
"Ahmmm.." -lumikot ang mata niya. Hindi makatingin ngbdiretso sa akin. "G-gusto po k-kita.." -nauutal niyang sabi. Hindi na ako nagulat. Tama anga ang hinala ko.
"I'm going to be straight forward.." -seryoso kong sabi. Natigil ang mata niya at nagfocus sa mata ko. "I have someone.. She will always have my heart even if she's with someone else. Ayoko na paasahin ka or what but I can't entertain your feelings or anyone's feelings." -dire diretso kong sabi. Nalaglag ang panga niya.
"I-I understand S-sir.." -pilit ang ngiting ipinakita niya sa akin. "I just want you to know.. Thank you." -sabi niya sabay talikod at alis.
End of flashback.
I didn't want to offend her for what I said earlier but I'm saying the truth and I am being blunt. Para hindi na din siya umasa.
Si Dezirelle lang naman ang naging laman ng puso at isip ko. Noong nasa japan ako ay sinubukan ko naman magmahal o kaya naman ay mahalin ngunit wala talaga.. si Dezirelle ang hinahanap hanap ko, kahit na sabihin na gagamit ako ng ibang babae para kalimutan siya ay walang epekto. Para na siyang naka-tattoo sa akin, naka marka na hindi kailanman naalis.
Huminto ako sa room ko at kinuha ang card at nagswipe para bumukas ang pinto. Pumasok ako at agad na naupo sa upuan.
DEZIRELLE'S POV
Naka-ilang balikwas na ako pero hindi talaga ako makatulog. Hindi ba tumalab yung alak sakin? takte kanina naman nahihilo na ako ah.. gusto ko na matulog para matigil na yung kaka-isip ko kay Christopher! nakakainis naman eh nandito nga ako para mag-enjoy tapos ito ako nag-dadrama at parang may balak pang magmukmok at iextend pa hanggang sa maka-uwi.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomanceOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...