CHAPTER 8: Love Quadrangle

405 24 0
                                    

LEA'S POV

Nandito ako ngayon sa bulletin ng school at binabasa ang announcement para sa darating na Valentine's week celebration.

ANNOUNCEMENT

For the upcoming Valentine's week,
We will have different booths that will lead by senior students per course. This booth is also for the fund raising of each organization.

Enjoy the Valentine's week dear students of Philippine Art University.

Kinuha ko phone ko para ichat si Zirelle.

Nag-chat pala si Zirelle sakin.

From: Lovekita for relle
See you near at the school cafeteria later. Sabay-sabay tayong apat magla-lunch.


Buti naman this day makakasabay namin siya kumain ni Evan. Hindi naman sa Nagtatampo pero si Evan madalas ko nakakasama which is may gusto kay zirelle.

Ewan ko ba kung sinasadya niya pero this passed weeks eh minsan na lang siya sumabay sa amin ni Evan. Dahilan niya ang nagtitipid siya at may gagawin siyang school works. Ayaw naman niya magpa-libre sa amin ni Evan kapag inaaya namin siya. Kaya Ayun kami lagi mag-kasama ni Evan.


Katatapos lang ng class ko. Palabas na ako ng classroom ng makita ko si Evan. Nag-aantay sakin.

"Oh Evan miss mo na agad ako? Bat nandito ka? Wala dito si Zirelle." -pangaasar kong tanong sa kanya.

"Baliw! Sabay na tayo pumunta malapit sa cafeteria. Wait natin don sila Zirelle. " -nakangiting sagot niya sa akin.

Naglalakad na kami sa hallway. Kasalukuyang nasa 4th floor kami. Nag-hagdan na lang kami kasi puno yung elevator. Labasan na din kasi ng ibang students.

"Sila Zirelle? Kasama na naman niya si Christopher?" -tanong ko.

Nakita ko ang lungkot na sumilip sa kanya.

"Oo." -maikli niyang sagot.

"Bagay sila." -asar ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama.

"Ewan ko sayo jan." -inis na sagot niya.

Ngumiti ako. Ngiting aso para maasar pa siya lalo. Haha

"Tigilan mo nga yang kakangiti mo. " -pagsita niya sa akin.

Bumilis ang lakad niya pababa ng hagdan.

Hinabol ko siya.

"Joke lang Evan, sandaliiiii!!" -binilisan ko din ang pagbaba.

Kaya naman namali ako ng tapak at naout of balance.

"Aaaaaaahhhhhh!! "-malakas Kong sigaw ng hindi ko na kontrol ang sarili ko dahil babagsak na ako.

Dumilat ako na nasa ibabaw na ni Evan.

Nag-katitigan kaming dalawa.

Saka lang ako bumalik sa ulirat ng maramdaman ko ng sandata niya.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon