DEZIRELLE'S POV
Dahil sa kakaiyak ay nakatulog na pala ako. Dinilat ko ang mata ko at hinanap ang orasan. 6am na pala. Inabot ko ang cell phone ko na nasa study table ko at tinignan kung may message pero wala.
Siguro tulog pa yun si Christopher, mamaya ko na siya pupuntahan para makapag-pahinga pa siya ng matagal. Kailangan niya yun. Tatatagan ko na lang loob ko. Oo Tama! magiging malakas ako para sa kanya. Kapag kailangan niya ng sandalan at makukuhanan ng lakas ay nandito ako inaantay siya.
Nang ibinalik kong muli ang cell phone ko sa ibabaw ng study table ko ay nakita ko ang cellphone ni Christopher. Hindi niya pala nakuha kagabi at dito ko lang nilapag bago tuluyan magpakalunod sa luha ko at makatulugan ang ganong sitwasyon.
Pinasya kong tignan ang cell phone ni Christopher. Binuksan ko ang gallery niya. Naalala ko na tuwing namimiss ko siya eh tinitignan ko lang ang mga picture niya, kahit ni minsan ay hindi pa kami nagkalayo ng sobrang tagal. Kaka-lipat ko ng pictures ay nakita ko ang family picture nila, nakangiti ang mga magulang niya samantalang siya ay seryoso lang ang mukha habang nakaupo sa pagitan ng mommy at daddy niya.
Sabi niya sakin ay 12 years old na daw siya nito, isang taon matapos matagpuan siya ng mga magulang niya kaya naman kulay puti pa ang buhok niya. Naka-ngiti ko siyang pinag-masdan. Idinadampi ko pa ang mga daliri ko sa mukha niya sa screen.
Napatigil ako ng maalala ko ang teen ager picture ni Kagashimito. Kinuha ko ulit ang cell phone ko para tignan sa gallery ko ang naka-save na picture ni Kagashimito.
Nang mahanap ko ang teenager na si Kagashimito ay itinabi ko sa family picture ni Christopher na nasa gallery ng cell phone niya. Sinuri kong maigi.
Nagpalit-palit ang tingin ko sa cell phone ko at sa cell phone niya. Sinusubukan intindihin ang lahat ng mga ideya na pumapasok sa isipan ko. Baliw na ba ako? naguguluhan na talaga ako sa sarili ko at sa nakikita ko.
Tumulo ng hindi ko inaasahan ang luha sa mga mata ko. Muli na naman silang nag-uunahan lumabas.
Sobrang magkamukha sila. Kahit saang angulo tignan. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero sino naman ang tangang maniniwala sakin? Kahit mismo si Christopher ay nagalit sa mga pinagsasabi ko na imposible naman talagang mangyari.
Inilapag kong muli sa ibabaw ng study table ko ang dalawang cell phone na hawak ko at tuluyan na naman ako humagulgol ng iyak. Hindi na kinayanan ng mga paa ko at katawan ko kaya naman umupo na ako sa sahig at niyakap ko na lang mga tuhod ko.
Natigil ako sa pag-hagulgol ko at pinunasan muna ang mga taksil kong luha. Sumagi sa isipan ko ang hiniling ko noong 10 years old ako. Possible kayang?!! Posibble kayang natupad ang kahilingan ko??!!
Flashback...
"Evan naman eh antayin mo ako!" -sigaw ko kay Evan habang hinahabol ko siya dito sa bahay bakasyunan nila. Bumisita kasi kami ni mama dito, paguusapan daw po nila tita ang tungkol sa negosyo.
"Ang bagal mo talaga tumakbo hahaahaha." -sagot niya naman sakin habang inaantay niya ko sa unahan.
"Sandali! antayin mo ako. Saan ba kasi tayo pupunta?" -tanong ko naman sa kanya kahit hingal na hingal na ako kakatakbo at kakasunod sa kanya.
"Sa gitna nitong kagubatan ay may wishing well, pupuntahan natin." -masaya at excited naman niyang sagot sa tanong ko. Kaya sumunod lang ako sa kanya. Naabutan ko na siya kaya naman naglalakad na lang kaming dalawa.
"Ayun!!" -turo niya naman ang isang lumang wishing well. Kaya naman muli siyang tumakbo para makita at malapitan kaagad.
Tumakbo na rin ako at sa kalagitnaan ng ngiti ko at pagtakbo ay bigla akong nakatapak ng bato at yun ang naging rason ng pagkadapa ko.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomansaOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...